Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Grade Level: 1

ANG DAGA
Pumunta sa lawa si Tito. Kasama niya si Lina sa
lawa. Malayo ang lawa. Nakita nila ang palaka
sa lawa. Nakita nila ang bibe sa lawa. Nakita rin
nila ang buwaya. Naku! Ang laki ng buwaya!
SI MILA
Si Mila ay nakatira sa bukid. Maraming hayop sa bukid. Marami
ring halaman sa bukid. Maraming alagang hayop si Mila. May
alagang baboy si Mila. May alaga din siyang baka at kambing.
Sa mga hayop niya, ang manok niya ang kanyang paborito. Tiko
ang pangalan ng manok niya. Si Tiko ay kulay pula at puti. Siya
ang gumigising kay Mila tuwing umaga. Masaya si Mila kapag
naririnig ang tilaok ni Tiko.
MAGPALIPAD TAYO NG SARANGGOLA

Maganda ang panahon. Gustong maglaro ni Niko. Niyaya ni Niko na maglaro ang

kakambal na si Noli. Pumunta ang kambal sa labas. May dala silang mga

saranggola. Makukulay ang mga saranggola ng kambal. Pinalipad agad nila ang

mga saranggola. Mataas ang lipad ng saranggola ni Niko. Napansin ni Niko si

Noli. Malungkot ang mukha ni Noli habang nakatingin kay Niko. “Halika, tuturuan

kita kung paano paliparin ang saranggola.” sabi ni Niko. Tumingin si Noli.

Ipinakita ni Niko kay Noli kung paano magpalipad. Ilang saglit pa, nakangiti na si

Noli. “Salamat, Niko,” wika niya. “Maraming salamat mga bata. Natatapos agad

ang gawain kung nagtutulungan,” sabi niya.

You might also like