Palanca Awards

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Unang nagwagi ng Palanca

Award sa Filipino short story


Published August 14, 2010 10:27pm

Alam niyo ba na babae ang kauna-unahang nagwagi ng grand price sa


prestihiyosong Palanca literary award sa Filipino short story category noong
1951. Ang (Don) Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ay itinatag
noong 1950 bilang pagkilala sa mga alagad ng sining sa pagsusulat sa
wikang Ingles at Filipino. Isang taon makaraang itatag ang Palanca, tinanghal
na first price ang akda ni Genoveva “Aling Bebang" Edroza Matute, para sa
kategorya ng maikling kuwento sa Filipino na, “Kuwento ni Mabuti." Ang
“Kuwento ni Mabuti" ay tungkol sa isang guro na tapat sa kanyang propesyon
sa paningin ng isang humahangang mag-aaral. Ang nilikha ni Genoveva ay
tila hindi nalalayo sa kanyang buhay. Naging guro siya sa loob ng 46-taon, at
naging department head sa Filipino at Dean of Instruction sa Philippine
Normal University. Isinilang si Aling Bebang noong January 1951, at lumaki sa
Tayuman, Tundo. Nagtapos siya ng kolehiyo sa PNW at kumuha ng master’s
degree sa University of Santo Tomas. Ilan pa sa mga nilikhang kuwento ni
Genoveva na nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca ay ang "Paglalayag
sa Puso ng Isang Bata," at "Parusa." Gayundin ang “Maganda Ang Ninang
Ko" at “Pagbabalik." Noong 2005, pinagkalooban siya ni dating Pangulong
Gloria Arroyo ng Lifetime Achievement Award. Tumanggap din siya ng
pagkilala sa Republic Literary Awards, Gawad Cultural Center of the
Philippines, Kapisanan ng mga Propesor sa Filipino at iba pa. Marahil dahil sa
kanyang edad, hindi na nagising at pumanaw si Genoveva sa edad na 94
noong Marso 2009. Ang kanyang mister na si Epifanio Gar. Matute ay isa ring
manunulat na siyang nasa likod ng sikat na programa sa radyo at telebisyon
noong dekada 50 hanggang 60 na “Kuwentong Kutsero." - FRJimen

You might also like