Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANIMULA SA WIKA NG SINING AT DISENYO

Kahulugan at Kahalagahan ng Pag-Unawa sa Wika ng Sining at Disenyo

 Anumang wika ay nagtataglay ng sarili nitong Sistema, estruktura, at mga


tuntunin na nauukol naman sa tinatawag na gramatika.
 Gramatikang biswal – naglalarawan sa paraang hinahalaw ang mga tao
lugar, at bagay na pinagsasama-sama sa biswal na pagpapahayag.
 Nahuhubog ang sining bilang isang diyalogo sa mga panlipunang
interaksiyon at pakikisangkot upang bumuo ng kahulugan.
 Ipinapalagay ang sining at disenyo bilang isang wika na may magkaugnay
na sistematikong larangan ng pagpapahayag at pagbuo ng kahulugan na
hinuhubog ng mga panlipunang kondisyon.
 Ang salitang disenyo ay kasingkahulugan ng plano at pag –oorganisa.
 Sa larangan ng sining, ang artista o manlilikha ay nagpaplano ng
pagsasaayos sa mga element para bumuo ng isang biswal na pardron (Lauer
at pentak, 2000)
 Ang sining ay hango sa salitang Latin na ars na nangangahulugang
kakayahan at katumbas din sa kahulugan ng salitang Griyegona techne na
pinagmulan namna ng salitang teknolohiya.
 Base sa mga binigay na kahulugan, masusuri na magkaugnay ang sining at
disenyo.
 Sa pag-unawa ng isang disenyo, napakahalagang aspekto ang ugnayan ng
anyo at nilalaman sa isang likhang-sining.

You might also like