Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pagsulat ng talumpati

Ang Talumpati ay nag papakita ng katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang


paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa isang partikular na paksang pag-
uusapan. Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraan pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa Isinusulat ito upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig
Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya.

Sa Matandang Gresya, unang pinag-usapan ng mga pilosopo ang tatlong basikong dulog na maaring
gamitin upang makakumbinsi
•Logos- Ang pamamaraang umaapela sa isip.
•Pathos- Pamamaraang umaapela sa emosyonal na reaksyon ng mga manonood..
•Ethos- Pamaraang nagpapakita sa karakter o rapor na taglay ng isang mananalumpati.

Ang mabuting mananalumpati


ay nangangahulugan na siya ay nakakapagsasalita ng may tamang pagbigkas, intonasyon,
tono at karakter. Nandirito ang paraan upang maging isang mabuting mananalumpati
1.Gumamit ng wikang madaling maintidihan ng makikinig-Tanggalin natin ang tinatawag na
“language barrier”.
2.Magbigay ng halimbawa-Mahalagang makapagbigay tayo ng malinaw na ilustrasyon ng mga
konsepto o ideya ng paksang ating tinatalakay.
3.Gumamitt ng “body language”-Magandang Makita sa isang mambibigkas na
sinusuportahan niya ang kaniyang sinasabi sa pamamagitan ng kaniyang mga kilos.
4.Huwag maging monotono-Mahalagang isaalang-alang ng isagn mananalumpati na huwag
maging monotono sa pagbigkas.
5.Aliwin o Libangin ang mga nakikinig-Ang mahalaga sa isang tagapagsalita ay ang makuha
ang buong atensyon ng kaniyang tagapakinig.
6.Magtanong-Bilang tagapagsalita, maari tayong magbato ng tanong sa mag manonood.
7.Magbigay ng Konklusdyon-Bilang mambibigkas o mananalumpato, responsibilidad natin na
maipaabot sa ating mga taga pakinig ang buong esensya ng paksang ating tinalakay.

Pagsulat ng katitikan ng pulong


Napakahalaga ng katitikan ng pulong aspagkat tulad ng Diary o Journal ditto isinusulat
ang mga mahahalagang paksa o isyu na tinalakay sa pagpupulong.Mahalaga ang bawat
tala sapagkat nakasulat ditto ang mga desisyon, diskursyon at rekomendasyon sa
nangyari pagpupulong.

Gabay sa pagsulat ng katitikan

Bago ang Pulong


-Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
-Basahin ang inihandang agenda upang madali na lamang sundan ang magiging daloy
ng mismong pulong
Habang nagpupulong
-Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos.
-Magpokus sa pang-unawa sa pinaguusapan
Nagsusulat nito upang ibigay ang mga balangkas ng nangyari sa pulong

Pagkatapos ng Pulong
-Kung may mga bagay na hindi naiintidihan lapitan pagkatapos ng pulong ang
namamahala rito o ang iba pang dumalo
-Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong
-Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya

Pagsulat ng Agenda
Ang agenda ay parang mapa. Nagsisilbe itong gabay na nagbibigay ng malinaw na
direksyon kung paano mararating ng mabilis ang patutunguhan.Tinatawag rin ito na
isang mag-etika o iskedyul na listahan ng mga Gawain ayon sa pagkakasunod-sunod
nito.

Pormat ng isang Agenda

Pagpupulong Agenda Title-preferably center-hile-hilera


Pagpupulong Impormasyon-paglalarawan ng mga layunin
Layunin-paglalarawan ng Agenda
Petsa-para sa pagpapanatili ng mga talaan ng mga liham
Lokasyon-ang lugar ng kapisanan
Time-Ang aktwal na oras ng pagsisimula ng pulong
Pagpupulong Type-Brainstorming o assessment
Oras ng pagdating-oras na upang simulant ang pulong
Dadalo-Bilang mga tao na naroroon, sa kanilang mga pangalan
Paghahanda para sa meeting
Mangyaring basahin- ang mga tagbulin na sinundan
Pakidalhan-Mga bagay dapat na natupad sa araw na iyon

Pagsulat ng panukalang proyekto


Gawing makatiotohanan at makatuwiran ang panukalang proyekto at itanghal ang mga
pakinabang makukuha rito sapagkat bago pa man maghangad na paunlarin ang sariling
bansa un among pinapangarap na mapaunlad an gating pamayaan.

Paano nga ba makagagawa ng panukalang proyekto?

•Bago ka pa makapagpanukala ng proyekto, dapat ay matukoy mo muna kung ano ang


kailangan ng iyong pamayaanan.
•Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o ahensiya sa
pag-aapruba ng panukalang proyekto
•Bigyan-diin ang mga pakinabang
•Tiyaking malinaw,makatotohanan at makatuwiran ang badyet na gagawing panukalang
proyekto
•Nakakaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba o hindi sa panukalang proyekto

Mga bahagi ng panukalang proyekto

1.Panimula• ditto inilalahad ang mga rasyonal o ang mga suliranin, layunin o motibasyon
2.Katawan•Dito inilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at ang
iminumungkahing badyet para sa mga ito
3.Kongklusyon• Dito inilalahad ang mga benepisyong maaring idulot ng proyekto

Nilalaman ng panukalang proyekto


1.Pamagat-Dpat malinaw at maikli
2.Proponent ng proyekto- tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng
proyekto isinusulat ditto ang adres, email,cellphone o telepono at lagda ng tao o
organisasyon
2.Petsa-Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto
3.Rasyonal-inilalahad ditto ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto
at kung ano ang kahalagahan nito.
4.Deskripsyon ng proyekto-isusulat ditto ang panlahat at tiyak na layunin nakadetalye
ditto ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto at ang inaasahang
haaba ng panahon
5.Badyet-itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng
proyekto.
6.Pakinabang-Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maapektuhan nito sa
ahensiya o indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto

Pagsulat ng replektibong sanaysay


Isang masining na pagsulat na may kaugnay sa sariling pangunawa at
damdamin sa isang particular na pangyayari o kaganapan.

Sa usaping pang akademiko sinabi ni Virginia Kearney (2017) na


ang repleksiyong sanaysay ay naglalarawan ng pangyayari o karanasan,
at pagkatapos ay nagsusuri sa kahulugan ng karanasan at kung ano ang
maaring matutunan mula rito.

Panliteratura-Uri nang sanaysay na ito nagbibigay ng isang layunin sa


binasang literature upang higit na maunawaan ito at gamitin sa iyong
sariling karanasan

Pampropesyonal-Ginagamit naman ito sa mga may trabaho o propesyon


gaya ng mga guro, doctor at iba pa.
Edukasyonal-Ginagamit ito ng mga guro sa pagtuturo sa mga mag-aaral
upang tumugon sa mga lektura o mga takdang aralin.

Personal na kalingan-Matutulungan naman neto mas malaman at


matugunan ng pansin ang iyong sarili.

Pagsulat ng abstrak

Ito ay maiksi lamang ngunit ganap na makapag-aakit sa mambabasa na tunghayan ang


kabuoang papel-pananaliksik. Iba ito sa “Buod o lagom” ito ay nagbibigay lamang ng
panimulang kaalaman at pinakahinihinging impormasyon sa loob ng pananaliksik

Dapat lamanin ng abstrak

Motibasyon-Magbigay ng dahilan kung bakit kailanagn basahin ang saliksik na ito

Paglalahad ng suliranin-pinakapuso ng abstrak ano ang hinahangad na lutasin

Ditto nahihinuha ang nilalaman ng kabuaan ng pananaliksik

Pamamaraan-Paano pinoproseso ang datos na nakalap

Resulta-Kinahinatnan ng suliranin

Kongklusyon-Ano ang nagging implikasyon ng resulta ng pananaliksik lipunan lalo na sa


lamang kinabibilangan nito

You might also like