1. Mula sa nobela, gumawa ng maikling balangkas hinggil dito. Sundan ang
dayagram sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel. 2. Balikan ang tauhan sa nobelang binasa. Isa-isahin ang mga kilos o gawi, paniniwala at saloobing taglay nito na maaaring gawing huwaran tungo sa mabuting pamumuhay. Ihanay ang sagot sa talahanayan sa ibaba.
Santiago Kilos o Gawi Saloobin o Paano gagawing
Paniniwala huwaran
3. Ano-anong pakikipagsapalaran ang hinarap ni Santiago (ang matanda sa
nobela? Isa-isahin ang mga ito, gayunin kung anong uri ng tunggalian at ang naging bunga nito.
Pakikipagsapalaran Uri ng Tunggalian Bunga
ni Santiago
4. Ano-anong pagpapahalaga sa buhay ang pinanghahawakan ng tauhan? Saan
ito maaaring maugat o nagmumula? Ipaliwanag ang sagot. 5. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Ang Matanda at ang Dagat” ang nobela? Ano ang positibong epekto ang naidulot ng dagat kay Santiago? 6. Ano-anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na inilalarawan sa nobela? Nangyayari ba ito sa kasalukuyang sistema ng ating lipunan? 7. Magtala ng tatlong mahahalagang kultura mula sa nobela. Iayos ito ayon sa kahalagahan. Gamitin ang kasunod na pabaligtad na piramid. Ipaliwanag sa klase ang iyong sagot.