Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

"Pangarap"

Kahirapan ang nagbibigay pasakit kay Jovel na dati-rati ay wala silang inaalalang suliranin.
Maayos sana ang buhay nila noon, na kahit anong hilingin niya ay agad-agad masusunod. Subalit
dumating ang hindi inaasahang pangyayari nagkaroon ng isang trahedya at ang kanyang ama ay
pumanaw. Bitbit na sana niya ang kanyang diplomang inaasam ngunit tumigil na lang muna siya
sa kanyang pag aaral upang tumulong nalang muna sa kanyang ina sa paghahanapbuhay upang
makapag aral ng tuloy-tuloy ang kanyang mga kapatid. Panganay siya sa apat na magkakapatid
kaya simula noong pagkawala ng kanilang ama ay siya na muna ang katuwang ng kanyang ina sa
paghahanap buhay at pag aalaga ng kanyang mga nakababatang kapatid.
"Inay makakapagtapos pa kaya ako?" Tanong niya sa kanyang nanay. "Anak hindi sa lahat ng
pagkakataon ay ganito tayo, may awa rin ang Diyos basta't maniwala lang tayo sa kanya, Dahil
ang bawat pagsubok ay may kaakibat na kaginhawaan kung ito ay iyong malalagpasan," tugon ng
kanyang inay sa kanya. "Ano na lang kaya kung mamasukan ako ng trabaho sa maynila? Upang
sa ganon makakatulong ako sa pag aaral ng mga kapatid ko sa pang araw-araw nilang gastusin sa
eskwelahan doon kasi mas malaki yung kikitain kesa dito." "Salamat anak! Pero bata kapa para
magbanat ng buto at makapagsapalaran doon sa manila. Alam mo naman kung ano ang magiging
sitwasyon mo kapag nadodoon ka sa isang malayong lugar wala kang malalapitan at makakapitan
kundi ang sarili mo lang paano nalang kung magkaroon ka ng karamdaman doon sino nalang ang
mag aalaga sayo, hayaan mo nalang muna akong magpuno ng pangangailangan natin."
Isang araw, nakita niyang malungkot at nag iisa ang kanilang bunsong kapatid. "Bunso anong
ginagawa mo riyan bakit ka nag iisa at ang lungkot lungkot pa mo pa, may problema ka ba ?"
Tanong niya sa kanyang bunsong kapatid. "Wala po kuya may iniisip lang po ako." Tugon ng
kanyang bunsong kapatid. "Ano naman yang iniisip mo?". Tanong niya ulit sa kanyang bunsong
kapatid. "Iniisip ko lang kuya kung sakaling hindi agad nawala ng maaga sa atin si papa siguro
hindi tayo naghihirap ng ganito sana nakapagpatuloy ka ng iyong pag aaral sana naabot mo na
yung mga pangarap mo sa buhay". Tugon ng kanyang bunsong kapatid. "Ano ka ba bunso wag mo
ng isipin yun, ako nga hindi ko iniisip ang mga bagay na yan dahil umaasa ako sa kasabihang
"habang may buhay may pag asa" basta ang mahalaga ay nakakapag aral ka. Kaya ayusin mo yang
pag aaral mo dahil kung hindi ko man siguradong maaabot pa ang mga pangarap ko gusto ko
maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay."
Ang pagkakataong makapag-aral ay minsan na rin sumagi sa kanyang isipan ngunit wala talagang
sapat na pera upang makapag aral siya ulit. Kaya napagdesisyunan niya nalang talaga na pumunta
ng maynila upang doon magtrabaho kahit labag ito sa kalooban ng kanyang ina.
Nagtrabaho siya sa manila para sa kanyang pamilya at para na din sa pangarap ng kanyang mga
kapatid na makapagtapos ng pag aaral. Nakakatatak na kasi sa kanyang isipan kung gaano kahirap
at nakakapang hinayang ang isang bagay na iyong pinapangarap ngunit hindi ito matutupad. Ayaw
niyang maranasan ito ng kanyang mga kapatid kaya hinayaan niya na lamang na ang mga kapatid
niya ang tumupad ng kanyang mga pinapangarap.

Mary Rose A. Vitales

You might also like