Isang magandang umaga sa bawat isa. Isa nanamang panibagong araw,
panibagong pagkakataon at panibagong panimula. Narito ako upang ipahayag ang aming saloobin patungkol sa isa sa mga napapanahong suliraning kinakaharap ng ating bansang Pilipinas. Isa sa mga tungkulin nating mga mamamayan ay ang maging responsable at may sapat na kamalayan sa mga nangyayare sa ating paligid. Ngunit sapat na nga ba ang ating binibigay na atensyon upang ito ay matuunan ng pansin? Kaya naman ang suliraning nais naming bigyang diin sa umagang ito ay “Parusang kamatayan, dapat bang ibalik na?” krimen dito, krimen doon, nakawan dito, nakawan doon. Tunay nga bang ang paghatol ng kamatayan ay isang susi upang tayo ay magkaroon ng kapayapaan? Buksan mo ang iyong mga mata, kahit ang mga matataas na taong ating nilalapitan at nangangakong babaguhin ang pamamalakad ng sistema sa pamahalaan, hindi mo na rin maaasahan. Naniniwala akong tayong mga mamamayan ay may mga sariling perspektibo at paniniwala sa buhay. Sa katunayan, ang ating saloobin ay nahati sa mga pro-life at yaong mga taong nais ipatupad ang hatol. Ngunit kaibigan sa mundo nating ngayong walang kasiguraduhan at patuloy na lumalaganap ang kasamaan. Ano ang pipiliin mo, parusa o kamatayan?