Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kasaysayan ng tribo/pangkat ng mga ibat ibang mandaya

Mandaya” ay nangangahulugang “the first people in upstream”, ito ay kinuha sa


salitang “man” na ibig sabihin ay “first” at “daya” ibig sabihin ay “upstream” o “upper
portion of a river”. Ibig sabihin ay "Ang mga tao na nakatira sa itaas ng ilog."
Ang mga Mandaya ay ang non-Christian tribe at non-Islamic people na
naninirahan sa silangang bahagi ng Pilipinas. Sila ay kadalasang nakikita sa probinsya
ng Davao Oriental,Davao del Norte,Davao del Sur,Compostela
Valley,Agusan,Surigao,at sa silangang bahagi ng Cotabato.

Kasaysayan ng tribo/pangkat ng mandayang bilaan


Matapos pag-usapan ang kasaysayan at ang mga Talaingod Manobo, ating pag-
usapan naman ang isa pa sa 18 Lumad tribes na matatagpuan sa Mindanao, ang mga
B’laan, na kabilang sa mga indigenous people’s group na bumiyahe mula sa Mindanao
para makiisa sa Lakbayan 2016.

Ayon kay Dolphing Cugan, isa sa mga pinuno ng mga Blaan, ang kanilang tribo
ay nagsimula bago pa ang panahon ng mga Espanyol. Noong panahon ng Sinaunang
Pamayanan kung saan ang kalakalan ay masagana bago dumating ang mga Espanyol,
mayroong dalawang magkapatid na pinuno, sina Flasap at Pley Fubli. Nag-asawa si
Pley Fubli ng isang mangangalakal mula sa gitnang silangan habang si Flasap naman
ay hindi. Ang mga anak ni Flasap ang kasalukuyan ngayong ninuno ng mga 18 grupong
Lumad habang ang mga anak naman ni Pley Fubli ay ang mga ninuno ng 13 grupong
Moro ngayon.

Bagamat ang makikitang nakatala sa kasaysayan ay ang ngalan ng grupo ng


mga Moro, hindi ibig sabihin nito ay wala nang nagawang pakikipaglaban at
pagdedepensa ang mga Blaan.

Panahon pa lamang ng mga Espanyol ay nakikipagdigma na ang mga Blaan


upang depensahan ang kanilang teritoryo, ang lupang ninuno. Nilabanan ito ng mga
angkan, ng mga pamilya, ng buong komunindad. Naging matagumpay naman ang
pakikipaglaban nilang ito dahil hindi gaano naabot ang mga Blaan ng mga ideolohiyang
kolonyalistang Espanyol, maging ng relihiyong Katolisismo.

Ngunit nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, naabot nila at ng kanilang
mga ideolohiya ang kaloob-looban ng Mindanao, gayundin ang komunidad ng mga
Blaan dahil na rin sa mga missionary works ng relihiyong Protestantismo. Kumalat na
sa mga Blaan ang mga ideolohiya at ilang kaisipang Amerikano ngunit kasabay nito ay
ang patuloy nilang paglaban sa mga epekto ng kolonyalismong Amerikano..

Nariyan ang 1905 Mining Act na hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasaayos.
Karugtong niyan ang patuloy na pangangamkam ng lupa dahil na rin sa abusadong
sistema ng pagrerehistro sa lupa, at ang patuloy na pagkalimot ng pamahalaan sa mga
pambansang minorya, o “Indigenous Peoples” sa ingles. Ayon pa kay Cugan, hindi sila
nabibigyan ng kaukulang serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at pangkalusugan
na dapat ay kanila ring tinatamasa

Teritoryo/Lupain ng mandayang bilaan

Ang teritoryo ng mga Blaan ay nakabase hindi sa papel ngunit sa kanilang “native title,”
wika nga ni Cugan. Ang mga ito ay ang mga katawan ng lupa at tubig na kanilang
pinoprotektahan tulad ng mga bundok, bulubundukin, ilog, lawa, sapa, at iba pa. Sabi
pa ni Cugan, ang tribo ay isang tribo kung siya ay mayroong teritoryo, kultura, at
sistemang pulitikal.

Ayon sa kanya, ang teritoryo rin ang nagsasaad ng ekonomiya ng komunidad habang
ang pulitika naman ang nagsasaad sa kung papaano hinahawakan at pinapatakbo ang
buong komunidad. Datu system ang mayroon sa tribo ng Blaan habang umaabot
naman sa Sultanate system ang mga Moro. Sa katunayan, ang terminong “datu” ay
nagmula sa mga “Moro.” Hiniram lang ito ng ibang grupong Lumad dahil ito ang
pinalaganap na katawagan ng gobyerno noong panahon ni Marcos. Bong fulong ang
tawag sa katutubong pinuno ng mga B’laan (Lalo 2014, 1). Kung kaya ang datuship ay
tinatawag sa Ingles na “fulongship.” Kung isasalin sa Filipino, “pamumuno ng fulong”
ang dapat itawag dito.

Dahil na nga rin sa ang teritoryo ang nagsasaad ng ekonomiya ng kanilang lugar,
patuloy ang kanilang paglaban at pagdepensa sa kanilang lupang ninuno kahit na
mayroong mga balakid tulad ng plantasyon ng mga saging, rubber, pinya, at oil palm.
Maliban riyan ay ang sapilitang pagpasok ng mga malalaking kumpanya ng mga
pagmimina.

Gawa ng patuloy na plantasyon, pagmimina, at kawalang responsibilidad ng


pamahalaan sa mga nangyayari, marami sa mga katutubong ito ang nawawalan ng
tirahan. Ayon kay Cugan, ang pakikipaglabang ginagawa nila laban sa pagmimina at sa
pangangamkam ng mga lupain ay hindi lamang para sa kanilang mga katutubo ngunit
para sa buong bansa.

Ang mga likas na yaman ng bansa ang ninanais nilang protektahan dahil ang dapat
magtamasa nito ay ang kapwa Pilipino nila at hindi mga malalaking korporasyon mula
sa ibang bansa. Sabi pa niya, kung ang Pilipinas ay magkakaroon lamang ng sarili at
nasyonalisang pagmimina, mababawasan pag-alis ng mga Pilipinong nangingibang
bansa, mababawasan ang pag-alis at pagbawas ng human resources ng bansa.

Maliban riyan ay isinusulong din ng mga Blaan ang laban sa sariling pagpapasiya o
self-determination. Isang paraan ng pagpapakita nila nito ay sa pamamagitan ng
edukasyon. Nagtayo sila ng mga alternatibong paaralan para sa kanilang mga
indigenous peoples. Ngunit ito ay nahahadlangan dahil na rin sa patuloy na
militarisasyon sa kanilang lugar. Bagkus ang edukasyon at pagtuturo sa kanilang lugar
ay may hinaharap pang mga sagabal. Ang mga kabataan nila ay minsan narerecruit sa
mga paramilitar. Ginagamit itong mga paramilitar maliban pa sa anti-insurgency na
kampanya ng gobyerno upang sikilin ang mga inisyatibo ng grupong Blaan para sa
sustainable agriculture.

Malungkot pang idinagdag ni Cugan na ang national operation, o ang patuloy na


pagwawalang bahala sa kanila at pagmamaliit sa kanilang mga katutubo ay isa sa mga
suliraning kanilang kinahaharap na hindi nararanasan ng ordinaryong mamamayang
Pilipino na hindi naman katutubo.

You might also like