Observation DLP Filipino 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MASUSING Paaralan Alfonso NHS Baitang 10

BANGHAY- Guro Michelle C. Montenegro Asignatura Filipino


ARALIN Petsa at Oras Hulyo 10, 2019/ 9:50-10:50 Markahan Una

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
Pangnilalaman pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan
Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa
B. Pamantayan sa Pagganap mga isinagawang critque tungkol sa alimang akdang
pampanitikang Mediterranean
F10PB-If-g-67
Napapatunayang ang mga pangyayari sa akda ay
C. Mga Kasanayang maaaring maganap sa tunay na buhay
Pampagkatuto/Layunin  Naihahambinbing ang ugali ng mga pangunahing
tauhan sa ilang kakilala.

II. PAKSA
MODYUL 1- Aralin 4
PANITIKAN: Ang Kuwintas (Maikling Kuwento - France) Guy de Maupassant
(COLLABORATIVE APPROACH-TDAR STRATEGY)
III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian: Panitikang pandaigdig ph. 56-73

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: LED TV, Laptop

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

Estratehiya: Picture Analysis

Sagutin ang tanong:

1. Ibigay at ipaliwanag ang inyong impresyon at saloobin kaugnay ng mga


larawan.
2. Nangyayari ba ang mga ito sa tunay na buhay?

Pahina 1 of 5
Paghahawan ng sagabal

Mungkahing Estratehiya : Pagtapat tapatin.


1. Hahanapin ng mga mag-aaral ang kapareha ng mga salitang hango sa
kuwento.
2. Kapag nakita na ang kapareha gagamitin sa pangungusap ang salitang
binigyang kahulugan.

B. Pangganyak

(T-THINK) Pangganyak

Ibigay ang inyong sariling impresyon kaugnay ng nakapaloob sa


puso.

Magbigay ng katangian ng Ano-ano ang mga


isang huwarang babae at paghahandang ginagawa mo
lalaki. kapag pupunta sa isang
magarbong kasayahan?

Pagganyak na tanong
Sa pagpapatuloy ng ating aralin, sisikapin nating tuklasin kung ano-
ano ang mga katangian ng mga tauhan na maaring maging huwaran.
Sasagutin ang tanong na :
1. Mayroon pa bang katulad ng ugali ng pangunahing tauhan sa kasalukuyan?
2. Anong pag-uugali ng mga pangunahing tauhan ang may pagkakatulad sa ating
kultura.

C. Paglalahad ng Aralin

(D-DISCUSS) Pagtalakay sa Kuwento.

Gabay na Tanong:
1. Bakit hindi masaya si Mathilde sa piling ng kaniyang asawa?
2. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang mapapayag ang asawa na dumalo sa
kasayahan?
3. Ano-ano ang nais mangyari ni Mathilde sa kaniyang buhay? Natupad ba
ang mga ito?
4. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang
pangarap mo sa buhay?
5. Kung ikaw si G. Loisel, tutulungan mo ba ang iyong asawa na magbayad
ng kaniyang mga utang?
6. Kung ikaw si Madam Forestier, ano ang gagawin mo matapos mong
malaman ang halaga ng kuwintas na ibinalik ni Mathilde?

Pahina 2 of 5
D. Pagtalakay sa Aralin

(A-ACT)
Gawaing Pagpapaunawa (tungo sa pormatibong pagtataya #1)
PANGKATANG GAWAIN:
Bibigyan ang mga mag-aaral ng 10 minuto para maghanda sa gawain.

UNANG PANGKAT: Ihambing ang ugali ni Mathilde sa kakilala sa


pamamagitan ng isang talk show.
IKALAWANG PANGKAT: Ihambing ang katangian ni G. Loisel sa taong
kakilala sa pamamagitan ng character map.
IKATLONG PANGKAT : Ihambing ugali ni Madame Forestier sa kakilala sa
pamamagitan ng pagguhit.
IKAAPAT NA PANGKAT: Ihambing ang ugali ni Mathilde sa kakilala sa
pamamagitan ng panggagaya sa isang karakter sa teleserye.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
Nilalaman naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
at Organisasyon ng nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
mga Kaisipan o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
Mensahe nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
(4) sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang pamamaraang kasiningan pamamaraang
pamamaraang ginamit ng ang ginamit ng
Istilo/Pagkamalikhain ginamit ng pangkat sa pamamaraang pangkat sa
(3) pangkat sa presentasyon ginamit ng presentasyon (0)
presentasyon (2) pangkat sa
(3) presentasyon
(1)
Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa
Kaisahan ng ng pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa ang bawat
Pangkat o ang bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
Kooperasyon miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
(3) kanilang gawain (2) kanilang (0)
gawain (3) gawain (1)

Input ng Guro
Pagmamarka sa mga gawain ng bawat pangkat.

Pahina 3 of 5
a. Paglalapat

(R-REFLECT)

1. Mayroon pa bang katulad ng ugali ng pangunahing tauhan sa kasalukuyan?


Ilarawan
2. Anong pag-uugali ng mga pangunahing tauhan ang may pagkakatulad sa ating
kultura? Patunayan.
b. Paglalagom

Indibidwal na gawain: Ilahad sa klase


Ipakilala ang mga pangunahing tauhan sa kuwento sa pamamagitan ng kasunod na
character map. Ihambing sila sa kakilala na may pagkakatulad ng ugali.

Tauhan Kakilala Katangiang pisikal Gawi/ aksyon


1.
2.
3.
c. Pagtataya
Patunayan ang mga sumusunod na pangyayari sa akda ay maaring maganap sa
tunay na buhay. Ibigay ang mga sitwasyon sa kasalukuyan na kapareho ng mga
sumusunod na pangyayari.

1. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang


isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na
magdudulot ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa
kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng
kaniyang lumang tahanan.
2. Upang makadalo sa kasayahan, ibinigay ni G. Loisel ang naiipon niyang apat na
raang prangko na pambili sana niya ng baril upang ibili ni Mathilde ng bestida.
3. Malapit na ang araw ng sayawan. Nakahanda na ang bagong bestido ni Mathilde
subalit malungkot pa rin siya. Nais niya ng isang hiyas na maisusuot upang hindi
siya magmukhang kahiya-hiya sa mayayamang babae sa kasayahan kaya’t
iminungkahi ni G. Loisel na humiram siya ng ilang hiyas sa mayamang kaibigan
nito na si Madame Forestier.
4. Nawala ang kuwintas na hiniram ni Mathilde kay Madame Forestier.Nang
makakita ng katulad nito’y nanlumo sila sapagkat napakalaki ng halaga nito.Upang
ito ay maibili,ginamit ni Mathilde ang lahat ng kaniyang minana,nangutang at
lumagda sa isang kasulatan.
5. Sampung taong naghirap ang mag-asawa sa pagbabayad ng kanilang mga utang.
Dito’y naranasan ni Mathilde ang lahat ng hirap sa pagharap sa mga gawaing-
bahay.Subalit napagtanto niya na tunay na ang buhay ay kakatwa at mahiwaga.
Sukat ang isang maliit na bagayupang tayo’y mapahamak o mapabuti.

Takdang Aralin:

Sa inyong kuwaderno, gumawa ng sariling wakas ng kuwento.Dugtungan ang pangyayari


kung saan sinabi ni Madame Forestier na peke ang kuwintas na hiniram ni Mathilde.

Pahina 4 of 5
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo
ang nag ing epektibo?
Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking
punongguro Bat
superbisor?
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang
guro?

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

Michelle C. Montenegro Mylene R. Lescano


Guro I Ulong Guro I

Itinala ni:

Donato A. Bataclan
Punong Guro II

Pahina 5 of 5

You might also like