Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin

Araling Panlipunan
Ikawalong Baitang
March 26, 2019

I. Mga Layunin
Sa look ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. natatalakay ang kahulugan ng nasyonalismo;
2. naipapaliwanag ang pag-usbong ng nasyonalismo sa pamamagitan ng
pagsasadula; at
3. naipahahayag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng damdaming
nasyonalismo bilang isang Pilipino.

II. Nilalaman
Paksa: Nasyonalismo sa Asya
Batayang Aklat: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Sangguniang Aklat: Blando, Rosemarie C. et.al., (2014). ASYA: Pagkakaisa sa
Gitna ng Pagkakaiba, 5th Floor Mabini Building, DepEd Complex Meralco
Avenue, Pasig City, pahina 226.
Kagamitan: Larawan, tisa, pisara
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga rin po ma'am.

2. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
Santo. Amen
3. Pagsasaayos ng silid
Bago kaayo uupo, pakiayos niyo muna
ang inyong upuan. (Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang
upuan)
Maaarin na kayong umupo.

3. Pagtala ng mga lumiban


Mayroon bang lumiban sa ating klase
ngayon? Wala po.
Magaling.

4. Balik-aral
Bago tayo dadako sa ating aralin ay
magkakaroon muna tayo ng balik-aral.
Tinalalay natin kahapon ang tungkol sa
Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya. Ano nga ba ulit ang ibig
sabihin ng Imperyalismo? Ang Imperyalismo ay nangangahulugang
dominasyon ng isang makapangyarihang
bansa na naghahangad na palawakin ang
kanilang kapangyarihan sa pamamagitan
ng pagsakop ng ibang bansa.
Magaling. Ano naman ang ibig sabihin ng Ang Kolonyalismo ay isang patakaran ng
Kolonyalismo? isang bansa na mamamahala ng mga
sinakop upang magamit ang likas na
yaman ng mga sinakop para sa sariling
interes.

Mahusay! Kaya maraming pagbabago sa


pamumuhay ng mga Asyano na naidulot
ng pananakop ng mga Kanluranin.

B. Paglinang ng Aralin

1. Gawain "Bigyan ng title yan"


Ngayon ay tutungo tayo sa ating bagong
aralin. Pero bago yan, magkakaroon tayo
ng gawain na pinamagatan kong "Bigyan (Pupuntahan ng mga mag-aaral ang kani-
ng title yan" at hahatiin ko ang klase sa kanilang grupo).
tatlong grupo.

Opo ma'am.
Ang lahat na ba ang nasa bawat pangkat?
Magpapakita ako ng mga larawan at
bibigyan ninyo ito ng pamagat ayon sa
inyong pagkakaunawa sa larawan. Ang
unang grupo ang magbibigay ng pamagat
sa unang larawan, ikalawang grupo ay
pangalawang larawan at ang ikatlong
grupo ay sa huling larawan. Bibigyan ko
lamang kaayo ng isang minuto para (Mag-uusap ang mga mag-aaral sa loob
makapag-isip. ng isang minuto at isusulat nila ang
pamagat sa sangkapat na papel).
2. Pagsusuri
Pagmamahal sa Bayan, Daan Tungo sa
Sa unang grupo, ano ang maaaring
Kaunlaran
maging pamagat sa larawang ito?
Mga bayani’y kilalanin, Ibahagi sa Iba at
Magaling. Ano naman sa ikalawang Pagyaminin
larawan?

Mahusay. Sa huling grupo naman, ano


ang maaring maging pamagat ng Tayo na at magbag-o, Hawak kamay Tayo
larawan? pasa sa Pag-asenso

(*Maaaring magbago ang sagot batay sa


ideya ng mag-aaral)

Magaling. Batay sa mga larawan, ano ang Pinapakita nito ang pagmamahal,
ipinapakita nito? pakikipaglaban, pagmamalasakit para sa
bansa.

3. Paunlarin
Ang tatalakayin natin ngayong araw na ito
ay ang tungkol sa nasyonalismo na
ipinapakita ng mga Asyano. Ano nga ba Pagkakaisa, pagmamahal at pagtangkilik
ang ibig sabihin ng nasyonalismo? sa sariling produkto, ideya at kultura.
Makatuwiran, makatarungan at
kahandaang ipagtanggol at mamatay para
sa sariling Bayan.
Mahusay. Dahil sa hangarin ng mga
Asyano na wakasan ang panghihimasok
ng mga Kanluraning bansa sa kanilang
kinamulatang pamumuhay at makamtan
ang kalayaan, maraming makabayang
samahan ang naitatag sa Asya.
May dalawang anyo ng nasyonalismo.
Defensive at aggressive nationalism. Para Ang defensive nationalism o
sa inyo, ano ang ibig sabihin ng defensive mapagtanggol na Nasyonalismo gaya ng
nationalism? ipinakita ng bansang Pilipinas.
Ano ba ang ginawa ng bansang Pilipinas
kung bakit naging isa sa halimbawa ng Pinagtanggol ng ating mga bayani ang
defensive nationalism? bansang Pilipinas upang maging malaya
sa mga mananakop tulad ng Espanya,
Hapon at Amerikano.
Mahusay. Sa inyong palagay, ano naman
ang ibig sabihin ng aggressive Ang aggressive nationalism o mapusok na
nationalism? nasyonalismo na minsang ginawa ng
bansang Hapon.

Ano ba ang ginawa ng bansang Hapon


kung bakit naging isa sa halimbawa ng Dahil sa matinding pagmamahal sa
aggressive nationalism? kanilang bansa gusto nilang mapalawak
ang kanilang teritoryo sa pamamagitan ng
pagsakop ng ibang teritoryo.

(*Maaaring magbago ang sagot batay sa


ideya ng mag-aaral).
Mahusay. Kaya maraming nasayang na
nabuhay dahil sa matinding pagmamahal
sa sariling bayan. Minsan kasi sa
pagmamahal, kung alam mong mali
huwag mo ng ipilit dahil patutunguhan
nito'y sakit.

Sa puntong ito, sa kaparehong pangkat


magsasagawa kayo ng pagsasadula
tungkol sa sariling pakahulugan ninyo sa
damdaming nasyonalismo. Bibigyan ko
lamang kayo ng tatlong (3) minuto para sa
paghahanda at tatlong (3) minuto para sa
presentasyon. Ito ang magiging
pamantayan ng inyong presentasyon.
Kabuuan-50%
Mensahe-30%
Malikhain-20% Opo ma'am.
Ang lahat ba ay naintindihan? Ang mga mag-aaral ay nag-uusap at
Maaaring na kayong magsimula. naghahanda sa kanilang presentasyon.
Pagkatapos ng tatlong minutong
pagsasadula ay magkakaroon ng
katanungan).

Napakahusay ng inyong ipinakitang


pagsasadula tungkol sa damdaming
nasyonalismo. Nakakatuwa ang ipinakita
ninyong pagmahal sa sariling bansa natin.

4. Paglalapat
Paano umusbong ang damdaming Ginusto nilang ipaglaban ang kanilang
Nasyonalismo? bansa at ang karapatan ng mga
mamamayan bilang mga mamamayan ng
kanilang bayan o bansa. Ayaw ng mga
mamamayan na masakop at
makontrol sila at ang kanilang mga bansa
ng may mga masamang layunin.

Magaling. (*Maaaring magbago ang sagot batay sa


ideya ng mag-aaral).

5. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipapakita ang pagmamahal mo sa
iyong bansa? Naipapakita ko kung gaano ko kamahal
ang ating sa pamamagitan ng pag
sasalitang sariling wika at pag sasayaw ng
katutubong sayaw at iba pa.
(*Maaaring magbago ang sagot batay sa
ideya ng mag-aaral).
Mahusay. Nawa'y baonin ninyo ang
inyong natutunan di lamang sa silid
aralang ito kundi pati na rin sa paglabas
ninyo.

IV. Pagtataya

Akrostik
Sa sangkapat na papel at umisip ng mga salita na may kinalaman sa
nasyonalismo gamit ang salitang NASYON.

V. Takdang Aralin
Sa isang buong papel, sumulat ng isang tula tungkol sa pagmamahal sa
bayan.

Inihanda ni:

MARY GRACE G. OBLIANDA


Teacher I Applicant

You might also like