Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Dr.

José Protasio Rizal Mercado y


Alonso Realonda
Kasaysayan ng Pagsulat ng Noli Me Tangere
Sinimulan ni Dr.Jose Rizal ang pagsulat ng Noli Me Tangere noong taong 1884 at natapos noong Pebrero
21,1887.Sa tulong ng kaibigan niyang Bulakenyo,si Dr.Maximo Viola,na nagkaloob ng halagang tatlunduan
piso ay naipalimbag ang nobela.

Ang unang kalahati ng nobela ay isinulat niya sa Madrid,at ang natitira pang kalahati ay sa
Paris at Alemanya.

Matapos mabasa ni Rizal ang nobelang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecker Stowe,na pumapaksa sa
paghihirap at pang-aalipin ng mga puting Amerikano sa mga negrong Amerikano ay nagkaroon siya ng
ideyang sumulat ng nobela.Dito niya naihahambing ang kalagayan sa lipunan ng mga Pilipino sa kalupitan at
pagmamalabis ng mga Kastila sa pamamalakad ng pamahalaan dito sa Pilipinas.

Sa simula ay binalak niyang isali sa pagsulat ang mga kababayang naninirahan sa Madrid.Bawat isa ay
susulat ng kanyang kaalaman sa bahagi ng lipunan sa Pilipinas at ito ay pagsasama-sama upang maging ng
isang nobela ngunit walang tumutupad sa napagkasunduan.Hindi nasira ang loob ni Rizal sa pagpapabaya ng
mga kababayan kaya sinarili ang pagsulat ng nobelang magmumulat sa mga mata ng mga Pilipino sa tunay
na nagaganap sa kapaligiran.

Ang pamagat ng nobela ay “Noli Me Tangere”.Ito ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay “Huwag
Mo Akong Salangin”.Kinuha ito ni Rizal sa Ebanghelyo ni San Juan Kab.20 Tal.17 na winika ni
Hesukristo:”Huwag mo akong salangin sapagkat di pa ako nakaaakyat sa aking Ama”.

Tinalakay sa nobela ang isang sakit na labis na nagpapahirap sa buhay ng tao.Kanya itong tinuligsa.Ipinakita
niya ang kasamaang nagaganap sa lipunan,ang kawalan ng pag-asa ng mga Pilipino ,ang maling
pamamalakad ng mga may kapangyarihan,higit sa lahat ang paggising sa damdamin ng mga Pilipino laban sa
pamahalaang Kastila.
Talambuhay ni Dr.José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Si Jose P. Rizal (19 Hunyo 1861-30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y
Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng
kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa
bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka,
manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman
sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika
(marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.May
palayaw na Pepe, si Jose Rizal ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.
Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco
(dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na
magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado
upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal.
Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang mag-aral ng
optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa
niya ito sapagkat noong panahong iyon ay malala na ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay
naging kasapi ng Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng
pamosong patolohistang si Rudolf Virchow.
Habang nasa Europa, naging bahagi si José Rizal ng Kilusang Propaganda, na kumukunekta sa ibang mga
Pilipino na nagnanais ng reporma. Isinulat din niya ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere (Touch
Me Not / The Social Cancer), isang aklat tungkol sa madilim na aspeto ng kolonyal na paghahari ng Espanya
sa Pilipinas, partikular na pinagtuonan dito ang papel ng mga Katolikong prayle. Ang libro ay ipinagbawal sa
Pilipinas, bagaman maraming kopya ang nakapasok sa bansa. Dahil sa nobelang ito, naging tudlaan siya ng
pulisya dahilan upang ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1887 ay mapaikli.
Nagbalik si Rizal sa Europa at patuloy na nagsulat. Sa panahong ito ay inilabas niya ang kanyang sumunod na
nobela, ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman) noong 1891. Naglathala din siya ng mga artikulo
sa La Solidaridad, isang pahayagan na nakahanay sa layunin ng Propaganda. Sa mga reporma na itinaguyod
ni Rizal ay hindi kasama ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya. Siya ay nanawagan para sa pantay na pagtrato
sa mga Pilipino, sa paglilimita sa kapangyarihan ng mga Kastilang Espanyol at representasyon para sa
Pilipinas sa korte ng Espanya.
Nagbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892 dahil nararamdaman niya na kailangan siya ng bansa para sa
pagbabago. Kahit na itinatag niya ang La Liga Filipina, suportado ni Rizal ang di-marahas na aksyon. Ngunit
hindi ito sapat dahil naniniwala ang mga Espanyol na isa siyang malaking banta dahilan upang ipinatapon
siya sa Dapitan, sa isla ng Mindanao.
Pabalat ng Noli Me Tangere

You might also like