Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG MUNTING PULUBI

“Palimos po.. palimos po.. Sige na po, Ale.. kahit piso lang, Mama, maawa na po kayo
saakin. Ate, Kuya.. sige na po.. parang awa niyo na po,” Ito ang aking hanapbuhay. Ang paulit-
ulit na pagsambiy sa mga katagang iyon. Isang labandera ang aking ina sa malaking bahay.
Kaawa-awa ang buhay at sa maliit na dampa, kamiý nakatira.

Isang araw, aking nasaksihan. Ang mahal konh ina, umiiyak! Sumisigaw!

“Huwag po Senyora, maawa po kayo sa akin! Wala po akong ginagawang masama!”


kaawa-awang sambit ng aking ina saharap ng matandang amo.

“Guwardiya! Ilabas niyo ang magnanakaw na ito sa aking bahay! Ngayon din!” palahaw
na sambit ng senyora.

“Kayoý maawa sa aking ina, Senyora. Hindi po niya gagawin ang inyong bintang! Hindi
po niya ninakaw ang inyong alahas at pera.” Pahayag ko habang aking tinutulungan ang mahal
kong ina sa pagtayo. Nakakaawa siya, nais ko ng umiyak sa panahong yaon ngunit aking tinimpi
lamang. Ayokong makita ng aking ina na umiiyak. Ako na lamang ang kasama niya sa buhay.

Parang walang narinig ang matandang Senyora. Pinagtabuyan kami nang dahil lamang sa
bintang na walang katotohanan.

Aking dinala ang aking mahal na ina sa aming maliit na dampa. Siya’y iniwan upang sa
iba’y humingi ng saklolo at medisina. Napagod ang ina, ang dalita ng puso’y kailangang lunasan
sa madaling panahon.

“Palimos po, may sakit ang aking ina. Sige na po,” ngunit walang nagmagandang-loob.
Pumunta ako sa tirahan ng Senyora upang sa kanyaý humingi ng munting tulong. Pero ako’y
hindi pinansin, ipinagtabuyan din lang katulad kanina.

Sa kawalan ng magawa’y nag-unahan na lamang ang aking mga luha sa pag-agos. Akoý
umuwi na sa aming maliit na barung-barong.

“Inay, akong inyong patawarin. Wala po akong nagawa. Ha’n niyo po, magkakaroon din
tayo ng pera. Ang inyong iniindang sakit ay mawawala rin ng tuluyan.”
Aking kinimkim ang kanyang kamay. Ngumit aking naramdaman, malamig. Aking
hinawakan ang pulso, WALA NA!

Wala na ang mahal kong ina, ako’y kanya ng iniwan. Wala akong nagawa noon kundi
umiyak nalang ng umiyak.

Sa kanyang burol, may dumating. “Nakikiramay ako Ineng, ito na pala yung sweldo ng
inyong ina at konting tulong. Sana’y patawarin ninyo ako. Aking nalaman na hindi pala ang
iyong ina ang kumuha sa aking alahas at pera.”

Ako’y nagalit! “Sweldo?! Konting tulong?! Aanhin ko pa ang mga iyan kung wala na ang
mahal kong ina! Sige nga! Nawala siya dahil sa iyo, ng dahil sa iyong baluktot na pag-uugali!
Patawad? Bakit? Nakinig ba kayo sa aking ina? Kami’y inyong pinagtabuyan na parang asong
kalye lamang! Lumayas ka kasama ang iyong maitim na puso! Layas!”

You might also like