Kahapon Ngayon at Bukas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Huang, Kervin Jaladin D.

Abril 22, 2019


Sec-47

KAHAPON, NGAYON AT BUKAS


Panimula
Ang dulang “Kahapon, Ngayon at Bukas” ni Aurelio Tolentino ay tungkol sa
pagpapalaya ng isang bayan (ang Pilipinas) na nagdaan sa pananakop at paghihirap mula sa mga
dayuhang bansa katulad ng Insik, Kastila at Amerikano. Ang mga bayang ito at mga tauhang
nakapaloob dito ay nagsisimbolo bilang mga tauhan sa dula, na mayroong mga pangalan base sa
kanilang katangian o kaugalian tulad lamang nila Inangbayan, Masunurin, Walang-Tutol,
Tagailog at Asalhayop na unang makikilala sa daloy ng dula. Nagdiwang at nagsaya ang taong
bayan sa pagsapit ng hinanakit ng mga dayuhang pilit ang sakop sa bayan. Mayroon pang isang
kalaban si Inangbayan, ang kababayan na mapaglilong na si Asalhayop. Nang dahil sa
pagtraydor ni Asalhayop kay Inangbayan ay napalagay sa alanganin ang kalagayan ng bayan.
Ipinagpalit nito ang bayan sa salapi na ipinaubaya ni Haringbata sa pagtaksil niya sa kanyang
kababayan. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay-impormasyon na may balak planuhin sina
Tagailog laban kay Haringbata. Nakisama siya sa plano nina Tagailog ngunit natigil ang kanyang
pag-alis dahil sa napagtantuan ni Inangbayan. Siya ay nadakip nang nahanapan siya ng salapi at
nahatulan ng kamatayan.
Historical at sociological approach ang mga approaches na pinakanararapat na maiugnay
sa dula dahil sa mga pangyayari na nakapaloob doon. Historical approach dahil sa balangkas at
tagpuan nito noong kapanahunan ng First Philippine Republic o ang pagsakop ng mga
Amerikano. Ang sociological approach ay may kinalaman sa ekonomiya, kultura at politika ng
bayang Pilipinas at mga tauhang sumasakatawan nito katulad ng gobyernong Kastilla at
Amerikano.
Ang layunin ng papel ay mabigyang dahilan ang pamagat ng dula na “Kahapon, Ngayon
at Bukas” at kung bakit hindi karaniwan ang mga pangalan ng mga tauhan. Bukod pa rito, ang
papel na ito ay para sa pagkilala ng husto sa mga bida ng dula, at mabigyang-alam ang mga
magbabasa sa pagsisimbolo nila sa dula. Magagamit rin ang mga literary criticism approaches
upang mabigyang-diin ang nilalaman ng dula. Higit pa rito, ang papel na ito ay dapat magbigay-
pananaw at wakas ang paksang tatalakayin.

Pagsusuri
Isa sa mga pangunahing tauhan si Inangbayan na sumisimbolo sa bansang Pilipinas dahil
sa katapangan na kanyang ipinamalas sa dula. Pinakilala ng dula ang bida bilang isang dalagang
Pilipina na mayroong tatlong manunuyong dayuhan na nabighani sa kanyang kagandahan, ang
Bagongsibol (Amerika), Dilat-Na-Bulag (Espanya) at Haringbata (Haring Insik).
Ayon kay Noel Barcelona (2009), “ito ay isang anti-imperialist play na umaatake sa
bagong colonizers (sa panahong iyon), ang Amerikano, habang hindi pagtawad sa mga
nakaluluma—Inang Espanya at Lumang China, na gustong mapasakanila ang kayamanan ng
Pilipinas”, na nagsasaad sa pagsama ng isyung politika sa dulang ito. Bukod pa rito, sa pagbigay-
tiwala sa mga dayuhan ay lumaking sakim at makasarili ang mga taong ito. Hindi lamang niya
kinakalaban ang mga dahuyang ito, kundi ang sarili rin niyang kadugo na si Asalhayop, na
nagtaksil at sinubukang kalabanin si Inangbayan ngunit nabigo. Napaikot at napaglaruan siya ng
mga ito, ngunit sa impluwensya at galit niya dahil sa abusong natanggap ng kaniyan mga anak
(mga Pilipino), napaglaban nila ang kanilang karapan sa pamamagitan ng pakikipaglaban.
Maihahalintulad din siya sa karakter na Maria Clara de los Santos sa nobela ni Jose Rizal
na Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil sa kanyang taglay na kagandahan at pagiging
idolo ng masa. Habang nagpapakita ng kabaitan at pagiging maunawain, siya ay mapaglaro at
mautak, kagaya lamang ni Inangbayan.
Ikalawang pangunahing tauhan sa dula ay si Tagailog na nagsisimbolo bilang mga
Katagalugan noong unang panahon. Prinesenta siya ng dula kasama si Inangbayan bilang mga
pangunahing mga figures na mayroong allegory sa pagkasagupa ng mga Pilipino sa dayuhang
bansa. Kumakatawan ang ugali ni Tagailog bilang isa sa mga Pilipinong masa na nagpabagsak sa
kolonyal na impluwensya sa ating bansa, kagaya lamang ng Insik sa unang parte ng dula. Siya ay
isa sa mga bayani sa bansang Pilipinas na nagbuwis ng kanyang buhay para sa mga Pilipino.
Ayon kay Priscelina Legasto (2008), “Mayroon itong similar na sitwasyon na nasa
“Hindi Aco Patay” (I Am Not Dead, 1903) ni Juan Matapang Cruz na pinaghihinalaang namatay
sa digmaan ay dinala sa isang bier sa prusisyon”. Natutungkol lamang ito sa pagkabuhay ng
isang bayaning napag-alamang patay na. Ang pinaka-kasukdulan ng kuwentong ito ay noong
bumangon ang bida sa kangyang kabaon at sumigaw ng “I am not dead!”. Rinerepresenta nito
ang pagtatangka nilang pagsugod sa mga nagbibigay-abuso sa kanila na inaakalang sumuko na.
Ang main figure dito ay si Tagailog, na siyang nag-ayos kasama ng mga taong bayan, Walang-
Tutol at Masunurin. Muntikan na itong mabuking dahil kay Asalhayop ngunit nagwagi sila sa
huli.
Sa karagdagan, maihahalintulad rin si Tagailog sa palabas na Heneral Luna (2015) ni
Jerrold Tarog dahil sa pagharap ni Heneral Antonio Luna noong 1898 labang sa kanyang mga
kababayan na tumututol sa kalayaan ng mga Pilipino noong Philippine-American War. Dito
naipamalas ang kanyang kabangisan bilang isang heneral, na kusang loob na sumalo ng bala, at
nagpakitang tapang mula sa simula hanggang sa kanyang pagkamatay. Hindi siya sumuko kahit
siya’y namatay sa huli.
Ikatlong pangunahing tauhan sa unang parte ng dula ay si Asalhayop dahil sa kanyang
katusuhan laban sa kanyang kababayang Pilipino. Naakit siya ni Haringbata o ang Insik dahil sa
salapi na kanyang taglay at nakisama sa kasamaan at katiwalian laban sa mga Pilipino kapalit ng
anumang impormasyon. Naisama ang taong bayan sa kanyang pagtataksil ngunit nabunyag ito sa
huli ni Inangbayan.
Maihahalintulad ang kanyang ugali sa politikong prime minister na si Pedro Paterno.
Ayon sa filipiknow.net (2017), “Kilala bilang intelektuwal giant, si Paterno ay naaalala sa
kasalukuyan bilang isang ambitious schemer na pumalit ng sides kung kailan naaangkop ang
sitwasyon sa kanya”. Bilang unang balimbing sa First Philippine Republic, nauugnay rito ang
naipamalas na ugali ni Asalhayop, na isang asal hayop at mapaglarong Pilipino. Hindi lamang
siya kumampi kay Haringbata noong panahong iyon, ngunit nagpanggap pa siyang kakampi ng
taong bayan laban sa pagsakalay sa mga dayuhang kalaban kapalit ng impormasyon. Pinatay siya
sa huli dahil sa pagdiskubre sa tinataglay niyang salapi.
Konklusyon
Ang dulang “Kahapon, Ngayon at Bukas” ay isang paraan ng pagpoprotesta laban sa mga
sumasakop sa panahong digmaan. Ang mga tauhan dito ay nagsisimbolo sa mga tao na
naapektuhan, kumakalaban at kinakalaban ang mga dayuhan at Pilipino.
Ito ay unang parte lamang ng dula na “kahapon”, at nagbibigay hiwatig sa ikalawang
parte na “ngayon”, ang parte nina Dilat-Na-Bulag at Manglawin na magbibigay-pansin kay
Dahumpalay, ang isa pang mapaglilong Tagalog. Ang “bukas” na parte ng dula ay tungkol kay
Malaynatin dahil kasalukuyan pa lamang ang American Period noong panahon na iyon.
Pinaghuhunaan pa lamang ang kinabukasan laban sa mga Amerikano.
Sa pangkalahatan, na-enjoy ko ang kabuuan ng dula at paggawa nitong kritikong papel.
Hindi ko inaakalang makaka-abot ako sa pag-unawa nitong dula dahil sa mga malalalim na salita
at mga parteng hindi maunawaan. Marami akong natutunan lalo na’t dumagdag ito sa kaalaman
ko sa kasaysayan ng Pilipinas. Dahil sa pagsubok na unawain ang dula, nagkalap ako ng iba pang
mapagkukunan-impormasyon katulad ng mga video at reviews na malaki ang tulong sa pag-
uunawa. Nagpapasalamat ako sa oportunidad dahil isa ito sa mga naging paborito kong
babasahin, at naisama ito sa limang babasahin para sa final paper. Hindi ko lamang ito ginawa
dahil isa itong requirement para sa subject, subalit bilang isang mamamayang Pilipino na gusto
pang umunawa sa sitwayson at kasaysayan ng ating bansa.

Sanggunian:
Barcelona, N.S. (2009), Aurelio Tolentino and His Play Kahapon, Ngayon at Bukas.
Nakalap sa: https://www.bulatlat.com/2009/05/16/aurelio-tolentino-and-his-play-kahapon-
ngayon-at-bukas/

Lagasto, P. (2008), Philippine Studies: Have We Gone Beyond St. Louis? Nakalap sa:
https://books.google.com.ph/books?id=uF6WDAQHu08C

Rizal, José, 1861-1896. (1990). Noli me tangere. Maynila :Pambansang Suriang


Pangkasaysayan

Tarog, J. (2015) Heneral Luna. Mula sa:


https://www.youtube.com/watch?v=I_T1ykhy3Fg

(2017), 10 Most Infamous Traitors in Philippine History. Nakalap mula sa:


https://filipiknow.net/traitors-in-philippine-history/

You might also like