Same Sex Marriage Debate

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Good afternoon,

Matagal nang naitatag sa lipunan na ang kasal o marriage ay para lamang sa lalaki’t
babae. Pero sa pagdaan ng panahon, naglabasan yung mga debate patungkol sa
same-sex marriage at kung dapat ba itong ipatupad sa bansa. Ang marriage, batay
sa merriam-webster dictionary ay ang “state of being united to a person of the
opposite sex as husband or wife in a consensual and contractual relationship
recognized by law.” Kung saan sa puntong ito pinaniniwalaan ng aming grupo na
HINDI dapat ipatupad ang same-sex marriage sa Pilipinas.

Bago ako tumuloy sa mga arguments ng group namin, gusto ko lamang magbato ng
rebuttals para sa unang speaker ng affirmative side. ----- (possible rebuttals)
• 1987 Philippine Constitution hindi explicitly tinukoy ang marriage sa Bill of
Rights?
• Heterosexual marriage lamang ang pinapayagan ng Civil code?
• Ayon sa Office of the Solicitor General that Philippine laws intend marriage
for procreation?
• Makikita sa article 46 and 55 of the Family Code, na ang homosexuality ay
isang legal grounds for annulment?
• Hindi applicable ang equal protection clause dahil na-meet nito second
condition which is that it is germane or relevant to the purposes of the law?
• Ang Article XV, Section 3(1) ng Philippine Constitution ay hindi isang self-
executory right meaning hindi ito maaring i-appeal or ma-invoke?

Una, ang pagpapatupad ng same-sex marriage sa bansa ay parehong illegal at


unconstitutional. Kung saan ang kasal, ayon sa Family Code of the Philippines Article
I, “marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman
entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family
life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose
nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to
stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during
the marriage within the limits provided by this Code.” Ang batas na mismo ang
nagsasabi na ang marriage ay para lamang sa sa lalaki’t babae, hindi para sa lalaki’t
lalaki o babae’t babae. In fact, makikita sa Article 2 ng Family Code of the Philippines
na magiging valid lamang ang kasal kung ito ay sumusunod sa dalawang binigay na
requisites – kung saan ang unang requisite ay malinaw na sinasabi na bago ikasal ay
kailangang may “legal capacity of the contracting parties who must be a male and a
female.”

Pangalawa, sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS noong Marso


2018, 2 out of 10 Filipinos lamang ang pabor sa pagpapatupad ng same-sex marriage
sa bansa. Kung saan makikita rin na 61% ng mga Filipino ay hindi sumasang-ayon
nang tanungin sila kung dapat bang magkaroon ng ng batas na magpapahinutulot
ng legal na pagsasama bilang mag-asawa ng dalawang lalaki o kaya’t dalawang
babae. Kaugnay sa isinagawag survey sinabi ni Senator Sonny M. Angara na sensitibo
ang senado pagdating sa public opinion. Kung kaya’t ang pagpapatupad ng same-sex
marriage ay hindi magiging makatwiran at maaring maging dahilan upang lalong
magkahiwahiwalay ang mga Pilipino.

You might also like