PAGPAG Cielo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

JMJ

CONGREGATION OF THE DOMINICAN SISTERS OF ST. CATHERINE OF SIENA


NOTRE DAME – SIENA COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
NLSA Road Ext., Purok Masagana, Brgy. San Isidro, General Santos City
SY: 2018-2019

EPEKTO NG HINDI KUMPLETONG PAMILYA SA PAG-AARAL


NG IKA-11 BAITANG NG NOTRE DAME-SIENA COLLEGE OF
GENERAL SANTOS CITY

Ipinasa ni:
Cielo Mikaela O. Salunga

Ipinasa kay:
Sir Peter Cerna
Guro sa Pagbasa at Pagsusri ng Iba’t-ibang
Teksto sa Pananaliksik

Pebrero 2019
KABANATA I

PANIMULA

“Ang pamilya ang pundasyon ng komunidad” Kung masira man ang pamilya,

makakaapekto ito di lang Sa panahon ngayon, mapapansin na dumadami na ang mga

pamilyang hindi buo. Posibleng dahil sa mga problemang pinansyal, pangagaliwa at marami

pang iba. Marahil na rin sa

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pananaliksik na ito ang pag-aralan ang epekto ng hindi kumpletong pamilya

sa pag-aaral ng ika-11 baitang ng Notre Dame-Siena College of General Santos City.

1.) Mailarawan ang profile ng mga estudyante sa pamamagitan ng:

a.) edad,

b.) kasarian, at

c.) estado ng pamilya,

2.) Anu-ano ang epekto di-kumpletong pamilya sa pag-aaral ng estudyante basi sa:

a.) persepsyon sa pag-aaral,

b.) gana sa pag-aaral, at

c.) pangkalahatang grado

3.) Paano ba makakatulong o makakasira ng pag-aaral ang pagkabuo o di-buo ng

pamilya?

Saklaw at Limitasyon

Ang mananaliksik ay naglalayon na malaman ang epekto ng hindi kumpletong pamilya

sa pag-aaral ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagawa ng pag-aaral sa Notre Dame-Siena


College of General Santos City. Ang Notre Dame-Siena College ay isang Dominican Private

Institution na nagpapanukala ng academic proficiency, life-long skills, at family values.

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa taong 2019 hanggang 2020. Ito ay nagpopokus o

limitado lamang sa ika-11 baitang ng Notre Dame-Siena College of General Santos City dahil

sila ang respondent ng pag-aaral na ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makakapag benepisyo sa bilang ng tao sa iba’t-ibang pakinabang;

ang mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na ito ay makakapagbenepisyo sa

sumusunod:

Mahalaga ang pag-aaral na ito Sa mga estudyante, sapagkat magkakaroon sila ng

kaalaman sa mga epekto ng hindi kumpletong pamilya sa kani-kanilang pag-aaral. Malalaman

nila ang ikabubuti o ikakasama nito sa kanilang pag-aaral

Mahalaga rin ang pag-aaral na ito Sa mga school administrators, sapagkat malalaman

nila kung ano ang mga bagay-bagay namaari ni lang pagbutihan pa sa pagtuturo sa mga

estudyante.

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga rin Sa mga guro, sapagkat maari itong pagkunan ng

mga karagdagang impormasyon ukol sa pag-gabay at pagtulongang sa mga estudyante

na nababagay at makakatulong sa kanilang pag-aaral.

Mahalaga ang pag-aaral na ito pati na rin Sa mga magulang, sapagkat malalaman nila

kung ang kanilang anak ba ay maayos ang pag-aaral, nagdedepende na rin kung buo pa ang

pamilya o hindi.
At sa mga iba pang mananaliksik, sapagkat mapapalawak pa nila ang kanilang pag-

aaral at ideya na kaugnay sa paksa ng mananaliksik. Makakabenepisyo sila sa pag-aaral ng

mananliksik sa paggamit ng pag-aaral na ito bilang basehan or karagdagang dokyumento sa

kanilang pag-aaral.

Kahulugan ng mga Termino

Ang sumusunod ay ang key words na ginamit sa pag-aaral na ito na binigyang kahulugan

sa kung paano ito ginamit at ang denotasyon nito para sa mas maayos na pagka-intindi sa

laman ng pag-aaral na ito.

Notre Dame-Siena College of General Santos City – a Catholic Dominican Institution and

member of the OP-Siena school system (Pupil/Student handbook, 2018). Ang Notre Dame-

Siena College of General Santos City ay ang locale ng pag-aaral.

Edad – It is essentially a measurement of time, not a reflection of age related changes and

development (Schwall, 2013). Ang edad ay ginagamit bilang baryabol sa pag-aaral.

Kasarian – Refers to the biological differences between male and female such as Genetalia and

genetic differences (Newman, 2018). Ang kasarian ay ginagamit bilang baryabol sa pag-

aaral.

Estudyante– According to (Google), they are persons who are studying at a school or college

(Minsky, 2016). Sila ang mga respondent ng pag-aaral.

Broken Family – Broken Families are those families where parents doesn’t live

together/separated (Bangera, 2018). Ang Broken Family ay ginamit bilang baryabol sa

pag-aaral
KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura At Pag-aaral

Mayroong isang pangkalahatang impresyon sa ibang bansa ang mga propesyonal na ang

sirang tahanan ay may isang tiyak na epekto sa tagumpayng bata sa paaralan. Gayunpaman,

kaunti lang ang pagtatangka upangmakagawa ng isang pang-agham na pagsisiyasat ng

sitwasyon. Ang ulat na ito ay isang resulta ng isang pagsisikap upang pag-aralan ang mga

bagay saistatistika na paraan. Ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang tahanan na

kung saan ang isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ang bata sa isang

normal na relasyon ng pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sakamatayan, diborsiyo,

desersyon, o anumang iba pang mga dahilan. Kung ang isang abnormal na bahay ay isang

permanenteng epekto sa mga bata, ang kakayahan ng gawin ang kanyang mga gawain sa

paaralan, ito ay dapat namakikita kapag ang tagumpay ng mga bata mula sa naturang isang

kapaligiran kumpara sa tagumpay ng mga bata na nanggagaling mula sa isang normal

napamilya.(Campbell, 1932)

Mayroon ding mga negatibong epekto sa mga bata ang pagkamulat sa hiwalay na pamilya

o broken family. Sinasabi ng mga siyentipikong higit namarami ang mga nagiging suliranin sa

mga batang pinalaki ng single parents kaysa sa mga batang ginabayan ng parehong magulang.

Ang mga hindi mabubuting bunga ay ang pagkakaroon ng mas mataas na tyansya ng mga

sumusunod: hindi pagtatapos ng pag-aaral, sinasadyang pagtigil sa pag-aaral, pakikipagtalo

sa magulang, pakikipagtalik at pagbubuntis ng maaga, pagkalulong sa droga at alak, pagsali

sa mga gang, pangangailangan ng tulong ukol sa mga problemang emosyonal, paggawa ng


krimen, pagkitil ng sariling buhay at sahinaharap, pakikipaghiwalay rin sa asawa. Ginagawa

nila ang mga ito dahil ang itinatatak nila sa isipan nila ay wala nang nagmamahal sa kanila at

wala nanghalaga ang kanilang buhay. (health.howstuffworks.com)

Kaugnay na Pag-aaral

Sa isang pananaliksik na ginawa ng McCann-Erickson Philippines, “Portrait of the

Filipino as youth,” nalalamang 32% ng 500 kabataan mula sapamilya sa Metro Manila na

nakapanayam ay wala ang isa (nanay o tatay) o dalawang magulang (nanay at tatay) sa

tahanan. at sa 58% ng mga kabataang may nanay at tatay, 69% sa kanila ay may mga nanay

na may trabaho sa labas ng bahay. Marahil marami sa mga magulang ay overseas workers.

(Dy, 1994)

Sa pag-aaral na ginawa ni Jonathan Louis Herbolario na pinamagatang “The Relationship

of Single Parent Familyhood and Two Parent Familyhood on School Discipline and Academic

Performance”, lumalabas namas disiplinado ang mga batang lumaki sa tahanang buo ang

pamilya kaysa sa mga batang lumaki sa mga sirang tahanan. Ngunit walang makabuluhang

pagkakaubo sa bilang nito. Base naman sa usapin sa perpormans ng mga mag-aaral, ang mga

mag-aaral ay hindi apektado ng mga sirang tahanan sa kanilang pag-aaral. Isinasaad din na

ang mga parehong magulang ay hindi nagkukulang o lumiliban sa mga obligasyon sa

eskuwelang dapat nilang punan. Ang pag-aaralna ito ay ginawa sa 400 mag-aaral ng Saint

Louis University Laboratory HighSchool sa 1994-1995. (dspace.slu.edu.ph)


Konseptwal na Balangkas

Profile ng mga estudyante: edad,


kasarian at estado ng pamilya

Input Epekto ng di-kumpletong pamilya:

Persepsyon at gana sa pag-aaral, at


grado

Ang manaliksik ay gagawa ng


kwestyoneyrs na natutungkol sa epekto ng
di-kumpletong pamilya
Proseso
Konseptwal na Ang mga kwestyoneyrs ay ibibigay sa mga
Balangkas estudyante

Para maipa-alam sa ND-SCGSC kung ano pa


ang dapat ayusin para sa pag-aaral ng mga
estudyante
Awtput
Para malaman ng mga estudyantekung ano
ang paguhin para sa ika bubuti ng kanilang
pag-aaral

You might also like