Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KABANATA I

Ang Suliranin at Sandigan Nito

Panimula

Nang likhain ng Diyos ang tao, nilikha niya ito upang makapiling

ang kanyang kapwa at maging bahagi ng iba pang bagay na

ipinagkaloob sa kanya ng dakilang lumikha at maging bahagi ng

tinatawag na lipunan. Bilang bahagi ng lipunan, kinakailangan ng tao

na makipagsalamuha o makipagkomunikasyon sa kanyang kapwa

upang maipahayag niya ang kanyang mithiin, hangarin at mga

ninanais, kung kaya’t ang wika ay siyang naging instrumento para

maipahayag ng tao ang kanyang damdamin.

Sa pang-araw-araw na gawain ng tao iba’t ibang wika ang

kanyang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Ayon kay Caroll (1964)

sa aklat nina Garcia et al. (2009), ang wika ay isang sistema ng mga

sagisag na binubuo at tinatanggap sa lipunan. Ito ay resulta ng unti-

unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at sa pagbabago sa

bawat henerasyon, ngunit sa panahon ng kasaysayan ito ay tinutukoy

na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aralan o natutunan at

1
ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o

komunidad.

Isa sa mga libangan na ginagamitan ng pakikipagkomunikasyon

ay ang sabong. Sa paglipas ng panahon, naging bahagi na ng kulturang

Pilipino ang sabong. Ang sabong ay isang laro o sugal na ginagamitan

ng mga jargon sa pakikipagkomunikasyon sa mga kapwa manlalaro ng

larong ito. Ayon sa pahayag ng isang sikat at beteranong sabungero na

si G. Raffy Yulo (2015), ang larong ito ay hindi lamang basta isang

pangkaraniwang libangan kundi itinuturing na nila itong isports at

negosyong pinagkakakitaan.

Dahil sa kalagayang heyograpikal ng Pilipinas nagkakaroon ng

iba’t ibang varayti ang mga jargon na ginagamit ng mga sabungero. Sa

mga lugar sa Mindanao partikular na sa Lungsod ng Heneral Santos,

Munisipalidad ng Tupi, at Lungsod ng Koronadal marami na ang mga

taong nahuhumaling sa larong sabong.

Bunga nito, nahikayat ang mananaliksik na pag-aralan ang

jargon ng mga sabungero sa mga nasabing lugar. Sa pamamagitan

nito, malalaman ng mananaliksik kung may pagkakatulad o

pagkakaiba ang jargon ng mga sabungero na ginagamit sa mga

sabungan ng mga nasabing lugar.

2
Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pananaliksik na ito na pag-aralan ang jargon ng mga

sabungero mula sa Lungsod ng Koronadal, at maihambing ito sa mga

jargon ng mga sabungero mula sa Munisipalidad ng Tupi at Lungsod

ng Heneral Santos (pag-aaral ni Tuli, 2012).

Upang mabigyan ng kalutasan ang layunin ng pag-aaral,

sisikapin ng mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na mga

tiyak na layunin:

1. Mangalap ng mga jargon ng mga sabungero na mula sa Lungsod ng

Koronadal.

2. Mailarawan ang mga nakalap na jargon sa pamamagitan ng:

a. transkripsyon

b. kahulugan

c. etimolohiya

3. Maihambing ang mga jargon ng mga sabungero na nakalap sa

Lungsod ng Koronadal sa mga jargon ng mga sabungero sa

Munisipalidad ng Tupi at Lungsod ng Heneral Santos (pag-aaral ni Tuli,

2012).

3
Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagsusuri ng

siyamnapu’t dalawang (92) jargon ng mga sabungero na nakalap ng

mananaliksik mula sa Lungsod ng Koronadal at inihambing sa mga

jargon ng mga sabungero mula sa Munisipalidad ng Tupi at Lungsod

ng Heneral Santos (pag-aaral ni Tuli, 2012).

Ang pag-aaral ay isinagawa mula buwan ng Enero hanggang

Marso taong 2016.

Limitado lamang ang pag-aaral na ito sa pag-oobserba at

pakikipanayam sa mga empleyado at sa mga sabungero na pumupunta

mismo sa mga sabungan ng Lungsod ng Koronadal.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral na ito upang maunawaan ang mga

jargon na ginagamit ng mga sabungero mula sa Lungsod ng Koronadal,

Munisipalidad ng Tupi at Lungsod ng Heneral Santos (pag-aaral ni Tuli,

2012).

Mapapayaman at mapapaunlad din nito ang mga kaalaman ng

mananaliksik ukol sa kultura nating mga Pilipino. Maaaring pagkunan

4
ang pag-aaral na ito ng mga datos na kakailanganin ng mga susunod

pang mga mananaliksik na magsasagawa ng katulad na pag-aaral.

Mahalaga ang pag-aaral na ito Sa mga sabungero, sapagkat

inilalahad dito ang mga kahulugan ng lahat ng mga jargon na

ginagamit ng mga sabungero mula sa Lungsod ng Koronadal at

Munisipalidad ng Tupi at Lungsod ng Heneral Santos (pag-aaral ni Tuli,

2012). Sa pamamagitan nito maiiwasan ang dayaan at hindi

pagkakaintindihan ng mga sabungero sa mga sabungan ng mga

nasabing lugar.

Mahalaga rin ang pag-aaral na ito Sa mga mambabasa sapagkat

makadaragdag ang pag-aaral na ito sa kaalaman tungkol sa konsepto

ng larong sabong at sa mga jargon na ginagamit ng mga sabungero

mula sa Lungsod ng Koronadal at Munisipalidad ng Tupi at Lungsod

ng Heneral Santos (pag-aaral ni Tuli, 2012).

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga rin Sa mga guro sapagkat

maaari itong pagkunan ng mga karagdagang impormasyon ukol sa

kultura ng mga Pilipino at wikang Filipino, patikular na sa mga jargon

na ginagamit ng mga sabungero sa mga sabungan ng Lungsod ng

Koronadal at Munisipalidad ng Tupi at Lungsod ng Heneral Santos

(pag-aaral ni Tuli, 2012).

5
At sa mga iba pang mananaliksik, magsisilbi itong panghikayat

upang mas lalo pang pag-aralan hindi lamang ang kultura, wika,

jargon at ang sabong kundi ang lahat ng mga yamang mayroon tayo

rito sa ating bansa upang ito’y lubos na malinang at mapagyaman pa.

Kahulugan ng mga Termino

Jargon – Set ng mga salita o ekspresiyon na nauunawaan ng isang

partikular na grupo lamang na maaaring hindi nauunawaan ng

mga taong hindi kasali sa grupo (Garcia et al. 2009).

Sa pag-aaral na ito, pinag-aaralan ng mananaliksik ang

jargon ng mga sabungero, na kung saan nangalap at sinuri ng

mananaliksik ang mga jargon na ginagamit ng mga

sabungero sa mga sabungan ng Lungsod ng Koronadal at

inihambing sa mga jargon na ginagamit ng mga sabungero mula

sa Munisipalidad ng Tupi at Lungsod ng Heneral Santos (pag-

aaral ni Tuli).

Sabungero – Mga taong pumupunta sa sabungan, maaaring may

ilalabang manok o magtratravesia lamang. Mga taong

nahuhumaling sa sabong (Lontok, 2005).

Sa pag-aaral na ito, ang mga sabungero sa mga sabungan

ng Lungsod ng Koronadal ang siyang ginawang impormante ng

6
mananaliksik. Ang nakalap na mga jargon mula sa mga

impormante sa Lungsod ng Koronadal ang siyang sinuri at

inihambing ng mananaliksik sa mga jargon ng mga sabungero

sa Munisipalidad ng Tupi at Lungsod ng Heneral Santos (pag-

aaral ni Tuli, 2012).

Lungsod ng Koronadal – Ang Marbel o Lungsod ng Koronadal ang

kabisera ng lalawigan ng Timog Cotabato. Kinilala ito bilang

“Pinakamasigasig na Lungsod” at siyang kabiserang pang-

rehiyon ng lalawigan ng SOCCSKSARGEN. May 27 barangay at

may kabuuang lawak na 277.00 km2 (www.google.com./maps).

Ang pag-aaral na ito ay ginanap sa sabungan ng

Lungsod ng Koronadal, na kung saan nangalap at sinuri ng

mananaliksik ang mga jargon ng mga sabungero mula sa

nasabing lungsod at inihambing sa mga jargon ng mga

sabungero mula sa Munisipalidad ng Tupi at Lungsod ng Heneral

Santos (pag-aaral ni Tuli, 2012).

Paghahambing – Ito ay ang pagsuri ng dalawa o higit pang bagay para

matuklasan ang kanilang pagkakapareho at pagkakaiba (New

Websters Dic., 2005).

7
Sa pag-aaral na ito, sinuri ng mananaliksik ang mga

nakalap na jargon ng mga sabungero mula sa Lungsod ng

Koronadal at inihambing sa mga jargon ng mga sabungero mula

sa Munisipalidad ng Tupi at Lungsod ng Heneral Santos (pag-

aaral ni Tuli, 2012)

You might also like