Professional Documents
Culture Documents
Kasaysayan NG Wikang Pambansa
Kasaysayan NG Wikang Pambansa
Kasaysayan NG Wikang Pambansa
Saligang Batas 1935, Artikulo XIV Sek. 3“ Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
Batas Komonwelt Blg. 184 (1936)
Pangulong Manuel L. Quezon Asemblea Nasyonal
Surian ng Wikang Pambansa - magsagawa ng pag-aaral; pumili ng isang katutubong wika na gagawing BATAYAN ng
Wikang Pambansa
BUMUBUO NG SWP
Jaime C. Veyra Tagapangulo Bisaya (Samar)
** 1967 - Pang. Ferdinand Marcos nagpatupad ng isang Kautusang Tagapagpaganap blg. 96, na pangalanan sa Pilipino
ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan.
1987 – Kalihim Lourdes Quisumbing nagpalabas ng DECS Order blg.52, na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo sa lahat ng antas ng paaralan.
Kasalukuyan – Komisyon sa Wikang Filipino ang may tungkulin na ipatupad ang mga nakasaad sa Konstitusyon na may
kinalaman sa Wikang Pambansa.
Bakit ito ang ninais ni Gng. Arroyo, ano ang kaniyang naging batayan sa pag-uutos na palakasin ang Ingles bilang wikang
panturo?
a. Mahina sa Ingles ang mga estudyante ayon sa taya ng noo’y Pangulo.
b. Nagulat nang malamang maraming bakanteng trabaho sa mga call center ang di napupunan dahil bumabagsak
sa eksaminasyon sa Ingles ang mga aplikante.
c. Ingles ang wika ng Information and Communication Technology.
Bukod dito ay inihain ngayon sa Kongreso ang House Bill No.5091 o “An Act to Strengthen and Enhance the Use
of English as the Medium of Instruction in the Educational System” ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng
Ikalawang Distrito ng Pampanga.
Ang panukalang pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine
Government and Constitution bilang mga asignatura sa kolehiyo.
Ayon kay Virgilio Almario (2014), ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal
na talastasan ng pamahalaan.
Ang wikang maaaring gamitin sa anomang uri ng komisyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng
alinmang sangay o ahensya ng gobyerno.
Ang wikang panturo naman ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon.
Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7: “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang
panturo doon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.”
Naging wikang opisyal ang Filipino at Ingles.
Sa pagpasok ng K to 12 Kurikulum naging opisyal na wikang panturo ang mother tongue o unang wika mula
kindergarten hanggang grade 3 at ito ay tinawag na “Mother Tongue-Based – Multi-Lingual Education”
(MTB-MLE)
DepEd Secretary Brother Armin Luistro “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang
baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at
makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.”
Unang taon-12 lokal o panrehiyon na wika at diyalekto
2013 – nadagdagan ng 7 (kaya’t sa kasalukuyan ay labinsiyam na wika at diyalekto na ang ginagamit sa MTB-
MLE)
Tagalog, Kapampangan, Pangasinan, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan,
Mëranao, Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kiniray-a, Yakan at Surigaonon.
DALAWANG PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKA AT DIYALEKTO
1. Bilang hiwalay na asignatura 2. Bilang wikang panturo
Pokus sa KINDERGARTEN at UNANG BAITANG -Katatasan sa pasalitang pagpapahayag
Pokus sa IKALAWA hanggang IKAANIM-Bibigyang-diin ang iba’t iba pang komponent ng wika tulad ng
pakikinig, pasasalita, pagbasa at pagsulat.
MONOLINGGUWALISMO
Iisang Wika (Bansa)
England, Pransya, South Korea, Hapon
Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan
Iisang wika sa komersiyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan
BILINGGUWALISMO
Bloomfield (1935) paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay
kanyang katutubong wika
Macnamara (1967) isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwika
maliban sa kanyang unang wika
WEINRICH (1953) ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo
at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.
COOK AT SINGLETON (2014) may mga tanong sa pagpapakahulugan ni Weinrich dahil hindi nabanggit
kung gaano nga ba kadalas at kahusay ang isang tao sa ikalawang wika upang maituring siyang
bilingguwal. Dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang halos hindi na matutukoy kung
alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika. (balanced bilingual)
BILINGGUWALISMO SA WIKANG PANTURO
ARTIKULO 15 SEKSIYON 2 AT 3 NG SALIGANG BATAS 1973
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang
mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.”
MULTILINGGUWALISMO
paggamit ng higit sa dalawang wika
Ang PILIPINAS ay isang bansang multilingguwal.
Sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12 Kurikulum, kasabay na ipinatupad ang ang probisyon para sa
magiging wikang panturo partikular sa kindergarten at sa baitang 1,2 at 3. (MTB-MLE)
Pamantayan: DO # 16, s. 2012 Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue Based-
Multilingual Education (MTB-MLE)
mas epektibong pagkatuto
* pagtuturo sa pagbasa
*pag-unawa sa paksang-aralin
*pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika
“We should become tri-lingual as a country: Learn English well and connect to the world. Learn Filipino
well and connect to our country. Retain your dialect and connect to your heritage.” Benigno Aquino III
Homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika.
Ngunit hindi ganito ang wika sapagkat nagkakaroon ito ng pagkakaiba.
DULOT NG SALIK PANLIPUNAN:
Edad
Hanapbuhay o
trabaho
Antas ng pinag-
aralan
Kasarian
Kalagayang
panlipunan
Rehiyon o lugar
Pangkat-etniko
BARAYTI NG WIKA
1. DAYALEK
Ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o
bayan.
Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o
tono, may magkaibang bokabularyo para sa iisang kahulugan, iba ang gamit ng salita para sa isang bagay o
magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar.
“Magkain tayo sa mall”:“Kumain tayo sa mall”
TAGALOG SA RIZAL TAGALOG SA TERESA, MORONG, CARDONA AT BARAS
Palitaw Diladila
Monggo Balatong
Makikipagkasalan Magkakangay
Timba Sintang
Hikaw Panahinga
Ate Kaka
Tatay Tata
Lolo Amba
Biik Kulig
Lola Inda, pupu, nanang
2. IDYOLEK
Pansariling paraan ng pagsasalita ng bawat tao
Lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi sa taong nagsasalita.
HAL:
Noli De Castro “Magandang Gabi, Bayan”
Mike Enriquez “Hindi namin kayo tatantanan!”
Mareng Winnie “ Bawal ang pasaway kay Mareng Winnie”
Kris Aquino “Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla!”
Ruffa Mae Quinto “To the highest level na ito”
Boy Abunda “Kaw na”, “Kaibigan, usap tayo”
3. SOSYOLEK
Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Nagpapangkat-pangkat batay sa ilang katangian (kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian,
edad atbp)
Wika ng mga beki “gay lingo”
-Churchill - Indiana Jones
-Bigalou - Givenchy
Wika ng mga “coño”(coñotic, conyospeak)
Idinadagdag ang “make, pa, na, lang”
Hal: Let’s make kain na. Wait lang, I’m calling Anna pa.
Kabataang jologs “jejemon o jejespeak”.Pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbabaybay ng hehehe at ng
salitang mula sa Hapon na pokemon.
HAL: 3ow ph0w, mUsZtah nA phow ka0w?
aQcKuHh iT2h
iMiszqcKyuH
MuZtaH
Maaari ding tumukoy sa pangkat ng isang propesyon, partikular na trabaho o gawain ng tao.
Jargon ang natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat na makapagpapakilala sa kanilang trabaho.