Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Abstrak

Pagbibigay ng Takdang-Aralin tuwing Biyernes sa Mag-aaral: Isang


Pagtitikal na Pagsusuri
Ang “Pagbibigay ng Takdang-Aralin tuwing Biyernes sa Mag-aaral:
Isang Pagtitikal na Pagsusuri” ay isang pananaliksik na nag lalayong mag
hanap ng kasagutan kung bakit hindi nasusunod ang Memorandum no. 329 na
isinabatas ng Department of Education (DepEd) noong taong 2010 ng mga
piling mga guro sa Batasan Hills National High School (BHNHS) upang
malaman ang dulot nito sa mag-aaral at pati na rin ang dahilan ng mga
guro sa pagbibigay nito kahit salungat sa nasabing batas.

Sa pagsasagawa gumamit ng penomonolohiya bilang disenyo ng


pananaliksik. At nangalap ng magiging respondente ang manaanliksik sa
pamamagitan ng purposive sampling distribution dahil ang napiling
interbyuwi ay mga guro sa Senior High School sa lahat strand ng BHNHS.
Ang pananaliksik ay bibigyang pansin lamang ang Memorandum no. 329 noong
2010 at mga may kaugnayan dito.

Ang resulta na nakalap ng mga mananaliksik mula sa interbyu na


naisagawa sa mga interbyuwi ay higit sa kalahati ng mga guro ang
nagbibigay ng takdang-aralin tuwing biyernes. Lahat ay may kaalaman sa
nasabing batas ngunit pinag-aakalang ito ay para sa elementary lamang. Sa
kadahilanang ito ay makakabuti sa pag-aaral ng mga mag-aaral dahil, ayon
sa kanila, inoobliga dapat ang mga mag-aaral upang mag karoon ng pag
papaphalaga sa pag-aaral. Kasama na rin dito ang kakulangan sa oras dahil
sa suspensyon ng klase at holidays. May personal ring rason gaya ng
pagpaparusa sa mga estudyante sa kanilang maling pag-uugali sa loob ng
klase. Ang mga dulot nito sa estudyante ay may adbentahe, gaya na lamang
ng pagkakaroon nila ng advance na kaalaman sa susunod na mga aralin at
pagkatuto ng pamamahala ng oras. Ngunit, sa kabilang banda, ang mga
estudyante ay nawawalan ng oras sa kanilang pamilya,sarili at sa diyos.

Bilang konklusyon ang mga mananaliksik ay sinasabing ang mga guro ng


BHNHS. ay may kaalaman sa nasabing batas at hindi nakasusunod dito.
Gayunpaman, dapat isaalang-alang ang sariling paraan ng mga guro sa
pagbibigay ng takdang aralin. Maramig adbentahe ang pagbibigay ng
takdang-arlain sa mga estudyante ngunit ito ay mga adbentaheng pwede
lamang makamit kung masipag ang mga mag-aaral at kung may sapat silang
pagpapahalaga sa kanilang pag-aaral. Pinahahalagahan ng mga mananaliksik
ang pag-aalala ng mga guro sa pag-aaral ng kanilang tinuturuang
estudyante ngunit isang karapatan ang pag-aaral at hindi dapat
ipinipilit.

Bilang wakas ang mga mananaliksik ay nirerekomenda na sumunod ang


mga guro sa nasabing batas upang bigyang konsiderasyon ang mga
estudyante.

Sheejay P. Bumanglag

XII-HUMSS 1

You might also like