Kaharian NG Araw - Munting Sinag

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

working title:

MUNTING SINAG
Sulat ni ISBEL MARIAN BORJA

Nonoy -batang lalaki, 12 years old


kaibigan 1 - masayahin, laging excited, parang walang problema
kaibigan 2 - matapang, masungit, opinionated
Nanay -
Kadiliman /Haring araw -

Isang gabi, sa loob ng isang kwarto, makikita ang isang batang nagliligpit ng gamit. Lalapit ang isang kaibigan.

KAIBIGAN Noy, san ka pupunta? (hindi siya papansinin)


Noy, san ka pupunta?
NONOY Wag ka magulo, nagmamadali ako.
KAIBIGAN Bakit, san ka ba talaga pupunta?
NONOY Ang kulit naman. Wag ka ngang magulo. Ako'y nagmamadali.

(aawit)
Dahil bukas may liwanag
bukas mababanaag
isang bagong umaga
na magbibigay sigla

Dahil bukas may liwanag


bukas mababanaag
isang bagong umaga
na magbibigay saya

*sa kaharian ng Araw


ako ay patutungo
Kaharian ng araw
pangarap mabubuo
(ulitin * until fade)

KAIBIGAN sama ako! sama mo ako!


NONOY wag ka na magulo, kailangan ko na matapos ang pag eempake ko.

darating ang isa pang Kaibigan


KAIBIGAN2 ano yang naririnig ko? (naiirita kasi nagising mula sa pagkakatulog)
KAIBIGAN (natatawa) wag ka daw magulo!
KAIBIGAN2 kayo nga itong magulo kaya ako nagising! tapos sasabihan niyo akong wag magulo?!
(mapapansin si Nonoy) uy, noy! ano bang ginagawa mo?!
KAIBIGAN ang ingay mo talaga! hindi mo ba nakikita?? ayan nag eempake!
KAIBIGAN2 bakit, aber? san ka pupunta noy? saan? magsalita ka
NONOY (tuloy tuloy ang pag ayos ng gamit hanggang mailagay lahat sa backpack)
handa na ata ako. nandito na lahat ng kakailanganin ko. (aakmang paalis na)
KAIBIGAN2 (haharang sa pintuan)hep hep hep! saan ka nga pupunta?!
NONOY wag ka magulo, umalis ka dyan!
KAIBIGAN2 hindi ako aalis dito hangga't di mo sinasabi sa akin kung saan ka pupunta!
1
NONOY gusto mo talaga ako pahirapan?
KAIBIGAN2 hindi. Gusto ko lang mag isip ka! ano na naman ito? ano tong pinaplano mo?
NONOY kailangan ko umalis ngayong gabi. kailangan ko habulin ang pagsikat ng araw.
KAIBIGAN2 bakit? bakit ka aalis? sino maiiwan sa nanay mo habang wala ka? kelan ka babalik? may balak ka
pa ba bumalik?
KAIBIGAN ano ba naman yang mga tanong mo?! tigilan mo nga yan!
KAIBIGAN2 noy, ano ba! sino mag aalaga sa nanay mo?!
NONOY HINDI KO ALAM! hindi ko alam..hindi ko alam...

(aawit)
ang tanging alam ko
ang tanging mahal ko
binubulong ng aking puso
kailangan ko munang lumayo

sapagkat... sa bawat oras na kapiling


nagdurugo kanyang damdamin
gustong gusto ko siyang yakapin
ngunit ako'y tila hangin sa paningin

bawat minutong lumilipas


kaligayaha'y umiiwas
luhang tuloy tuloy sa pagtagas
paano ako makaliligtas?

ang tanging alam ko


ang tanging mahal ko
binubulong ng aking puso
kailangan ko munang lumayo

NONOY kailangan ko munang lumayo, naiintindihan mo ba?


KAIBIGAN shhhh.. tahan na... tara na. (nakaayos na din ang gamit dahil nag umpisang mag empake mula nung
nagusap si K2 at Nonoy)
KAIBIGAN2 anong tara na?
KAIBIGAN sasama ako. bakit? ikaw? ikaw kaya mag alaga sa nanay niya
KAIBIGAN2 sira ka pala e! (mag aaway na sana pero napansin na nakalabas na pala si NONOY)
KAIBIGAN Noy, sandali hintayin mo ako
(susunod din si KAIBIGAN2)

Dilim

magliliwanag ang entablado sa flashlight na hawak ni N, sa likod niya'y kasunod si KAIBIGAN at KAIBIGAN2

(aawit ang tatlo)


binabalot ng kadiliman ang mundo
pilit nilalagyan ng takot ang ating puso
hindi na makahinga, hindi na maitago
ang kadiliman, ang kalungkutan
(ng puso)

binabalot ng kadiliman ang mundo


2
pilit tinatanggal ang kaligayahan ng puso
hindi na makahinga, hindi na maitago
ang kadiliman, ang kalungkutan
(ng pagkatao)

(dance sequence)

labanan ang kadiliman


labanan ang kalungkutan
munting sinag ng liwanag
huwag na huwag bibitawan

(takot na takot ang mga kaibigan habang sinusundan si NONOY)


KAIBIGAN ano ba itong dinadaanan natin! nakakatakot!
KAIBIGAN2 ang kulit niyo kasi! umuwi na tayo! sige na...
NONOY sino ba kasing nagsabi na sumama kayo sa akin? kakayanin ko naman itong mag isa...
KAIBIGAN talaga?! talaga?! eh sino magbibitbit ng gamit mo aber?
KAIBIGAN2 ang yabang nito, akala mo naman pwede ka namin pabayaan!

NONOY (kausap ang sarili) kailangan ko daw kalabanin ang Kadiliman upang marating ang kaharian ng
araw
KAIBIGAN2 si Kadiliman?! siya ang pupuntahan natin?! OMG naman!!!! ano ka ba?!
KAIBIGAN bakit? bakit? anong masama doon? (halatang walang alam)
KAIBIGAN2 hello, Kadiliman nga diba? ano ibig sabihin nun?! masaya ba yun? magpaparty tayo, ganun?!
KAIBIGAN hah! bakit tayo pupunta doon??? Noy, uwi na tayo please!!!!
NONOY shhhh.. wag nga kayo maingay

(music. naglalakbay ang magkakasama)

NONOY kapit kayo ha... nararamdaman kong malapit na tayo. Papalapit na siya.

(music ulit. naglalakbay nang biglang may darating na itim na telang babalot kina K at K2. itatali ang bibig at mata gamit
ang itim na tela at pipilitin nilang pumiglas; malalagyan din ng itim na piring si N, halatang takot na takot)

maririnig ang pagpalag ni K at K2

NONOY pakawalan mo sila!!! wag mo silang idamay!!! Maawa ka na!

KADILIMAN
(chant)
dusa, hinagpis, lungkot, dalamhati
hindi mo na gustong magising pa muli
ipikit ang mata, wag nang didilat pa
lasapin ang dusa ng bawat luksa

(sisigaw si NONOY, may hinagpis) gusto ko na mamatay!!! gusto ko na mawala!!!

dusa, hinagpis, lungkot, dalamhati


hindi mo na gustong magising pa muli
ipikit ang mata, wag nang didilat pa

3
lasapin ang dusa ng bawat luksa

KADILIMAN masdan mo ang sarili (tatawa) ano yan? bakit kayo nagpunta dito? ano'ng pakay mo?
NONOY g..g..gu.. gusto ko marating a...aaa...ang kaharian ng a..a..araw.
KADILIMAN matayog ang pangarap mo iho! (tatawa) para sa isang tulad mong sarap na sarap sa kadiliman!
NONOY (magpupumiglas) parang awa mo na, pakawalan mo na kami. gusto ko nang makaalis sa
kadiliman!!
KADILIMAN (tatawa) ah talaga???
NONOY maawa ka... ayoko na dito
KADILIMAN Tingnan mo ang paligid mo, ayaw mo na talaga dito? ayaw mo na bang umiyak? ayaw mo na
bang masaktan?
NONOY Tama naaaaaa
KADILIMAN (tatawa, magliliwanag sa isang bahagi ng entablado, makikita ang nanay ni Nonoy, nakapiring at
tulala) paano ang nanay mo? iiwan mo na ba siya? maligayang maligaya pa siya sa kadilimang
nararamdaman. Nilalasap ang bawat luha at hinagpis ng buhay... anong buhay ang mas masarap
pa ang kamatayan!!! (tatawa)
NONOY INAAAAAAY!!!! Tama na!!!! gusto ko na lumigaya! gusto ko na makita ang ngiti sa iyong mata!!!
Tama na, nay! tama na....
KADILIMAN Hindi mo mararating ang kaharian ng araw... hindi mo makikita ang liwanag... bumalik ka na sa
nanay mo. Magsama kayong mag inang baliw!!! (tatawa)

NONOY (tatapangan ang sarili, papahirin ang luha) Kailangan kitang labanan. kailangan ko buksan ang
aking mga mata! tanggalin mo ang aking piring! harapin mo ako, pakawalan mo ako!

KADILIMAN matapang! mayabang! gusto mo ako harapin? Sige, harap! Tanggalin ang gapos at ang piring!
NONOY (makakaalis sa gapos at matatanggal ang piring; makikita ang nanay) Inay!
KADILIMAN (masayang masayang pinaglalaruan ang nanay; iiyak ang Nanay at makiktang may mga sugat sa
braso na gawa ng ilang beses na pagtangka maglaslas) Ito ba ang gusto mo makita? Alam mo
bang wala kang magagawa? (tatawa)
NONOY (pilit ililigtas ang mga kaibigan at ang Nanay) pakawalan mo sila… parang awa mo na… tama na…
KADILIMAN Ito ang resulta ng labis na pighati. Wala ka na magagawa…
NONOY Tulungan mo ako. Gusto ko maabot ang kaharian ng araw
KADILIMAN Walang magagawa ang haring araw sa mga kagaya mo
NONOY Kahit konting sinag… kahit konting liwanag….

(aawit)

Konting sinag, konting liwanag


Sa puso ko’y magsumamo
Konting sinag, konting liwanag
Balutin ang pagkatao

Bigyang buhay ang aking umaga


Bigyang dahilan at pag asa
Tanggalin ang lungkot sa mata
Sa ilaw mo’y umaasa

KADILIMAN liwanag… buhay… pag asa…. Sigurado ka sa mga salita mo? (tatawa) Pakawalan ang mga
bihag! (makakawala si Kaibigan 1 at 2) (Kay Nonoy) Kakayanin mo ba ang mga kapalit nito?
NONOY (papahirin ang mga luha) kapalit?
4
KAIBIGAN 1 Noy, tama na… bumalik na tayo.
KAIBIGAN 2 Kalimutan mo na ang lahat ng ito. Hindi mo siya kaya!
NONOY Aaa...a...ano ang sinasabi niyo? Diba tutulungan niyo ako marating ang kaharian ng araw? Bakit
tayo uuwi?
KAIBIGAN 2 Itigil mo na itong kahibangan na ito! Tama na!!!
NONOY Tulungan niyo ako labanan si Kadiliman!
KAIBIGAN 1 Hindi natin siya kaya, Noy! Uwi na tayo. Samahan natin si Nanay mo… aalagaan ka namin
KADILIMAN Nais mo ang liwanag na ibibigay ni Haring Araw. Nais mo maramdaman ang kahulugan ng buhay
at ng pag-asa. (tatawa) Nais mong mabuhay?
(pipilitin pa din ng mga kaibigan si Nonoy)
NONOY Parang awa mo na, para sa aming mag-ina. Kailangan kong mabuhay para sa aming dalawa.
KADILIMAN May kapalit. (lalakas ang mga sigaw ni Kaibigan 1 at 2)
Papalapit na ang bukang liwayway. Isang sinag ang unti unting babalot at lalabas mula sa akin.
Makakaharap mo ang aking kapatid. Ngunit may kailangang kang isakripisyong mga buhay.
May kailangan kang iwan upang harapin ang bagong umaga.
NONOY gagawin ko ang lahat. Ano ang kailangan kong gawin?
KAIBIGAN 1 (Iiyak ng malakas) Huwag Noy, hindi natin ito kailangan!
KAIBIGAN 2 Diba’t kaya naman natin mabuhay ng walang liwanag? Wala na ba kaming halaga?
KADILIMAN ….Mga kaibigan mo. (tatahimik si K at K2)
KAIBIGAN 1 Noy, utang na loob! tama na!!!
KADILIMAN Hindi ka ba nagtataka bakit buhay ka pa? Sa sakit ng lahat ng iyong pinagdadaanan, paano mo
kinakaya?
KAIBIGAN 2 Dahil sa amin, Noy! Buhay ka pa dahil sa amin!
KAIBIGAN 1 Lagi kami nandito para sa’yo. Hindi ka namin iniwan sa mga panahon na kailangang kailangan
mo ng mga kaibigan!
KADILIMAN Nilikha mo sila sa iyong isipan upang malagpasan mo ang bawat pasakit ng buhay… ngayon,
handa mo ba silang iwan?
KAIBIGAN 1 Noy, huwag mo kami iiwan! Tama na!!!!
KAIBIGAN 2 Kaya natin ito, diba? Walang iwanan, Noy!
KADILIMAN Kailangan mo mamili. Kailangan mo isakripisyo ang buhay ng iyong mga kaibigan para sa
sinasabi
mong liwanag, buhay at pag-asa. Handa ka na ba?
KAIBIGAN 1 2 Noy!!! Maawa ka! Kailangan mo kami! Huwag mo kaming iwan dito sa Kadiliman!
NONOY

Konting sinag, konting liwanag


Sa puso ko’y magsumamo
Konting sinag, konting liwanag
Balutin ang pagkatao

Bigyang buhay ang aking umaga


Bigyang dahilan at pag asa
Tanggalin ang lungkot sa mata
Sa ilaw mo’y umaasa

(Unti unting babalutin ng kadiliman ang dalawang kaibigan at matatanggal ang itim na tela. Exit K1 at K2, dilim sa
entablado kung saan si Nanay. Unti unting magliliwanag sa maiiwan na bagong anyo ni Kadiliman: si Haring Araw)

HARING ARAW Noy, bakit ka umiiyak? Huwag ka na malungkot. Tahan na…


Pinaglaban mo ang liwanag sa puso mo. Narating mo na ang aking kaharian. Alam ko kung bakit
ka nandito. (lalapit si Nonoy)
5
NONOY (aawit)Munting liwanag sa kaitaasan, na papawi sa kadiliman… nais ko na po makaalis sa kamay
ng kalungkutan, nais ko pong maramdaman ang kasayahan at pag-asa… at dalhin ito sa aking ina
HARING ARAW Shhhh… alam ko… alam ko… (bibigyan ng kwintas si Nonoy), Ibigay mo ito sa nanay mo, yakapin
mo siya ng mahigpit at sabay niyong harapin ang bagong umaga.

(aawit)
Dahil bukas may liwanag
bukas mababanaag
isang bagong umaga
na magbibigay sigla

Dahil bukas may liwanag


bukas mababanaag
isang bagong umaga
na magbibigay saya

*sa kaharian ng Araw


ako ay nagtungo
Kaharian ng araw
pangarap nabuo
(ulitin * until fade)

WAKAS

You might also like