Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

REVIEWER

AP 6

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay B. Ilagay ang letrang iyong napili
sa unahan ng bilang.

A B
1. Ito ang humahati sa globo sa a. Tropic of Capricorn/ Tropiko ng
dalawang magkasinlaking bahagi - ang Kaprikorn
hilaga at timog hating globo.
2. Ito ang humahati sa globo sa b. Latitud
dalawang magkasinlaking bahagi - ang
silangan at kanluran hating globo.
3. Ito ang mga guhit na paikot sa globo c. Prime Meridian/Punong Meridyano
na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit
na ito ay kanluran papuntang silangan.
4. Ito ang mga patayong guhit na d. Antarctic Circle/Kabilugang Antartiko
naguugnay sa pulong hilaga at pulong
timog.
5. Matatagpuan sa 180° meridyano. Sa e. Arctic Circle/Kabilugang Arktiko
bahaging ito nangyayari ang pagpalit ng
petsa at oras.
6. Ito ay nabubuo kapag pinagsama o f. Tropic of Cancer/Tropiko ng Kanser
nagkatagpu-tagpo ang guhit latitud at
guhit longhitud.
7. Guhit sa 23 ½ ° timog ng ekwador. g. Longhitud
8. Guhit sa 23 ½ ° hilaga ng ekwador. h. ekwador
9. Guhit sa 66 ½ ° hilaga ng ekwador. i. grid
10. Guhit sa 66 ½° timog ng ekwador. j. International Date Line

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang letrang iyong napili.

11. Sa paggamit ng longhitud at latitud natutukoy ang ____________.


a. kabisera b. lokasyong relative c. tiyak na lokasyon d. lalawigan
12. Sa paggamit ng mga nakapaligid na lupain o katubigan natutukoy ang __________.
a. kabisera b. lokasyong relative c. tiyak na lokasyon d. lalawigan
13. Ito ay tumutukoy sa lawak na nasasaklaw ng isang bansa sa pamamagitan ng mga
distansiyang longhitudinal at latitudinal.
a. Lawak na heograpikal c. Lokasyong maritime
b. Lokasyong Kontinental d. Lokasyong kontinental at maritime
14. Ito ang tawag sa sukat ng lupaing nasasaklaw ng hurisdiksiyon ng isang bansa.
a. teritoryo b. arkipelago c. insular d. lokasyon
15. Aling kasunduan o batas ang naipagtibay kung saan ipinagkaloob ng Espanya sa
Estados Unidos ang Pilipinas sa halagang dalawampung milyong dolyar?
a. Saligang Batas 1935 c. Atas ng Pangulo Blg. 1596
b. Kasunduan sa Paris d. Kasunduan sa Washington
16. Alin sa mga sumusunod na mga pulo ang nadagdag sa teritoryo ng Pilipinas dahil sa
nabuong kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran Britanya noong Enero 2,
1930?
a. Mangsee at Turtle Islands c. Cagayan, Sulu, at Sibutu
b. Spratly Islands d. Batanes Group of Islands
17. Saang bansa nangyari ang pagpupulong ng UNCLOS kung saan napagtibay ang
karapatan ng pagmamay-ari ng teritoryong pantubig ng bawat bansa.
a. Vatican City c. Estados Unidos
b. Pransiya d. Jamaica
18. Saang artikulo sa Saligang Batas ng Pilipinas ang 1987 matatagpuan ang tungkulin
ng bawat Pilipinong pangalagaan at ipagtanggol ang bansa?
a. Artikulo I c. Artikulo III
b. Artikulo II d. Artkulo IV
19. Sa aling rehiyon ng Asya nabibilang ang Pilipinas?
a. Silangang Asya c. Timog Asya
b. Hilagang Asya d. Timog-Silangang Asya
20. Ano ang tiyak na lokasyon ng Philippinas?
a. Sa pagitan ng 4°23’ at 21°25 ‘Hilagang Latitud at sa pagitan ng 116° at 127°
Silangang longhitud
b. Sa pagitan ng 5°23’ at 31°25’ Hilagang latutud at sa pagitan ng 120° at 147°
Silangang Longhitud
c. Malapit sa Vietnam, Micronesia, Taiwan, at Karagatang Pasipiko
d. Malapit sa Taiwan, Brunei, Cambodia, at Karagatang Pasipiko
21. Alin sa mga ito ang nagpapahiwatig na ang teritoryo ay nakabatay sa Saligang
Batas?
a. Isinama sa teritoryo ng Pilipinas ang mga pulo ng Cagayan at Sibutu.
b. Pinahaba ng 12 nautical miles ang dating 3 nautical miles bilang hanggahan ng
teritoryo sa palibot ng kapuluan.
c. Nasa ganap na kapangyarihan ng Pilipinas ang lahat ng kalupaan, katubigan, at
himpapawiring sakop nito.
d. Nadagdag sa teritoryo ng Pilipinas ang mga pulo ng Turtle at Mangsee.
22. Bakit kailangang malinaw ang hangganan at teritoryo ng bansa?
a. Para mapalawak ito
b. Para malinang ang mga yaman ng lahat
c. Para hindi maangkin ito ng ibang bansa
d. Para mapakinabangan at magamit ito ng sinuman
23. Sino ang kabilang sa pangkat ng mga liberal ang nagpakita ng demokratikong
pananaw sa buhay ng mga Pilipino?
a. Gob.-Hen. Carlos Maria de la Torre c. Heneral Emilio Aguinaldo
b. Supremo Andres Bonifacio d. Mariano Trias
24. Ito ay isang artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea
at Red Sea.
a. Panatag Shoal b. Spratly Islands c. Suez Canal d. Benham Rise
25. Islogan ng mga Pranses na umantig sa mga puso ng mga Pilipino.
a. “Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, Pagtutulungan”
b. “Kapatiran, Pagkakapantay-pantay, Pagtutulungan”
c. “Kamalayan, Pagmamahalan, Pagtutulungan”
d. Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, Pagkakapatiran”
26. Tawag sa mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.
a. Insulares b. peninsulares c. ilustrado d. indio
27. Sa pamamagitan nito ang mga Pilipino ay nagsimulang magkaroon ng karapatang
makapag-aral sa mga Paaralang Espanyol.
a. Education Decree of 1853 c. Education Decree of 1862
b. Education Decree of 1863 d. Education Decree of 1873
28. Alin sa mga ito ang naging epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng Pilipinas sa
Pandaigdigang kalakalan?
a. Ang mga anak ng mga kabilang sa clase media ay nakapag-aral sa ibang bansa.
b. Nagkaroon ng mga paaralang normal at bokasyonal.
c. Bumilis ang transportasyon at komunikasyon.
d. Nagkaroon ng karapatang mag-aral sa mga paaralang Espanyol ang mga Pilipino.
29. Bakit hinadlangan ng mga Espanyol na maging mahusay ang mga Pilipino?
a. dahil ayaw nilang lumawak at mabuksan ang kaisipan ng mga Pilipino.
b. dahil walang pambayad sa paaralan ang mga Pilipino.
c. dahil mahirap turuan ang mga Pilipino.
d. dahil walang sapat na guro.
30. Tawag sa paring Pilipino sa panahon ng mga Espanyol na hindi kabilang sa religious
order.
a. Regular b. Sekular c. Misyonero d. Obispo

31. Sino ang namuno at nagtaguyod sa kilusang sekularisasyon?


a. Jose Rizal c. Andres Bonifacio
b. Mariano Gomez d. Pedro Pelaez
32. Naging batayan upang isakdal at bitayin ang GomBurZa.
a. Pampanga Mutiny c. Manila Mutiny
b. Cavite Mutiny d. Capiz Mutiny
33. Kabilang sa tatlong paring martir na napagbintangang namuno sa pag-aaklas ng
mga sundalo.
a. Mariano Gomez b. Jose Gomez c. Jacinto Gomez d. Pedro Gomez
34. Samahan na gumamit ng lapis, papel, at karunungan upang maipaabot ang
kanilang karaingan sa mga Espanyol sa mapayapang paraan.
a. La Liga Filipina b. Kilusang Propaganda c. KKK d. Circulo-Hispano
35. Sila ang kinilalang pinakatanyag na repormista sa Kilusang Propaganda.
a. Jose Rizal, Mariano Ponce, Felix Hidalgo
b. Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Mariano Ponce
c. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar
d. Marino Ponce, Marcelo H. Del Pilar, Felix Hidalgo
36. Alin sa mga ito ang naging layunin ng Kilusang Propaganda?
a. Kalayaan para sa bansang Pilipinas.
b. Paalisin ang mga Espanyol sa Pilipinas.
c. Mag-aklas laban sa mga Espanyol.
d. Gawing lalawigan ng Espanya ang bansang Pilipinas.
37. Ito ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
a. La Solidaridad b. Diariong Tagalog c. Revista del Circulo Hispano-Filipino
38. Bakit hindi ganap na nagtagumpay ang Kilusang Propaganda?
a. Bumuo ng iba’t-ibang kilusan ang mga repormista.
b. Dinakip sila ng mga Espanyol.
c. Kakulangan ng pakaka-isa.
d. Pinili nilang sumunod sa gobyerno ng Espanya.
39. Sinong repormista ang may sagisag na TIKBALANG?
a. Antonio Luna b. Jose Rizal c. Mariano Ponce d. Juan Luna
40. Alin sa mga sumusunod ang nagbigay-daan upang magka-isa ang mga Pilipinong
ipaglaban ang kanilang kalayaan?
a. Cavite Mutiny at pagbitay sa GomBurZa.
b. Kapanganakan ni Jose Rizal.
c. Pagkamatay ni Juan Luna.
d. Pagkabuo ng Kilusang Propaganda.

You might also like