Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MOTHER OF DIVINE PROVIDENCE SCHOOL

Marikina Heights, Marikina City


T.P. 2017 – 2018
`
Banghay-aralin sa Filipino 4

Markahan: Ikalawa Petsa: Ika- 29 ng Agosto- Setyembre 8, 2017


Linggo: Ikalawa-Ikatlong

I. Mga PamantayansaPagkatuto
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagpapahalaga sa paggamit ng wika
sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan.
B. Pamantayan sa Pagganap: Napahahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng
pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, at pagsulat ng tula
at kuwento.

II. Nilalaman ng Pagkatuto


A. Paksa: Kasarian, Kailanan, Pananda sa Pangngalan
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 4 ph.130-149
C. Mga Kagamitan: Batayang Aklat, LED TV, Laptop, Teachnology
D. Pagpapahalaga:

III. Mga Karanasan ng Pagkatuto


Una-ikalawang Pagkikita: (120 minuto) Petsa: ika-29-30, ng Agosto, 2017

Mga Layunin ng Pagkatuto


Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagbibigay-Kahulugan ng salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang
diin.
2. Nakakikilala ng pares ng salaitang magkasingkahulugan at magkasalungat.
3. Nakasasagot ng mga tanong na bakit at paano.
4. Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa binasa.
5. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
napakinggan/nabasang teksto.
6. Nakapagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang
isyu o usapan.
7. Nakapagpapamalas ng paggalang sa ideya at damdamin ng may-akda ng
tekstong napakinggan o nabasa.
8. Nakakukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.

A. Pagganyak
-Flashcard, Focused Listing
 Ipaskil ang flash card na may nakasulat na salitang “INGAT” sa pisara.
 Gamit ang estratehiyang Focused Listing, ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang
listahan na may limang salita o pariralang naiisip nila tuwing naririnig, nababasa,
o napapayuhan gamit ang salitang INGAT.
 Itatanong ng guro : Sino ang madalas na magpayo sa iyo na ika’y mag-ingat?
Bakit kailangan nating mag-ingat?
 Ipapanood sa mga mag-aaral ang sinserye na ito: Ang Nanay Kong Noisy
{Biogesic, Ingat na Damang-dama Sinserye 2.]
www.youtube.com/watch?v=xsFjf_52u_Q.
 Ituon ang pansin sa Simulan Natin pahina 131.
 Isulat sa loob ng callout ang mga payo o paalala na karaniwang sinasabi sa iyo
ng iyong magulang.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpapalawak ng Talasalitaan
Estratehiya: Sight-Singing
- Papag-isipin ang mga mag-aaral ng kanta na nagpapakita ng pagmahahal ng
magulang sa kanyang anak.
***Ano kayang magagawa ng isang ina upang maprotektahan ang kanyang anak?
- Ipabasa ang Alam mo ba? Pahina 131-132
***Bakit mahalagang sundin ng isang anak ang mga payo at habilin ng kanyang mga
magulang?
Estratehiya: Mix and Match
-Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang: pasuling-suling, manginain, kandado, at
siwang.
Payabungin Natin A (Nabibigyang kahulugan ang salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang
diin)
Payabungin Natin B (Nakikilala ang pares ng salitang magkasingkahulugan at magkasalungat)
pahina 133.

2. Pagtalakay sa Aralin
Interactive Storytelling
-Teachnology “Ang Matalinong Kambing”
Hahatiin sa tatlong grupo ang klase.
Unang grupo: Nanay Kambina
Ikalawang grupo: Kambingbing
Ikatlong grupo: Koko Lobo

Estratehiya: Yarn-yarn (Ipasagot ang mga tanong na bakit at paano sa pahina 136.)
Sagutin Natin A
a) Saan pupunta si Nanay Kambina? Ano-ano ang ibinilin niya sa kanyang anak na
si kambingbing bago siya umalis para manginain ng damo?
b) Bakit hindi isinasama ni Nana yang kanyang anak sa paglabas niya ng bahay?
c) Paano nalaman ni Koko Lobo ang sikretong salitang ginagamit ni Nanay para
buksan ni kambingbing ang pinto?
d) Bakit hindi pa rin binukasan ni Kambingbing ang pinto kahit nasabi na ni Kiko
Lobo ang sikretong salita at kahit na naipakita niya ang mapuputing paa?
e) Anong pagsuboik ni Kambingbing ang hindi nagawa ni Koko Lobo?
f) Sa iyong palagay, ano kaya ang nangyari sana kay Kambingbing kung agad
nioyang pinagbuksan si Koko Lobo?
g) Bakit naisip ni Nanay na hindi na basta-basta mapapahamak si kambingbing
dahil sa katalinuhang taglay ng anak?
-Ipasagot sa mga mag-aaral ang Sagutin Natin B. (Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari
sa kuwentong binasa)
-Sagutin Natin B (Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa binasang kuwento)

Estratehiya: Paraphrase Passport: Lagumin ang unang araw sa pamamagitan ng pagsulat ng


ilang ideyang nabanggit ng iyong kaklase kaugnay ng tanong sa ibaba.
***Paano nakatutulong kay kambingbing ang pagsunod sa mga payo at bilin ng kanyang Nanay
Kambina?Bakit mahalagang sundin ng isang anaka ang mga payo at habilin ng kanyang
magulang?

Visible Quiz
-Pagsagot ng mga mag-aaral sa Magagawa Natin pahina 139-140.
***Bakit nga ba kailangan protektahan ang buhay na ibinigay sa atin ng Diyos?

C. Ebalwasyon/Paglalapat
Gawaing Upuan: Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod:
 Sagutin Natin C (Nakapagbibigay hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
napakinggan/nabasang teksto) pahina 137-138
 Sagutin Natin D (Naipahahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang
isyu o usapan) pahina 138-139

E. Paglalahat/Pagwawakas
Estratehiya: One Minute Paper
Isulat ang ilang payo ng pulis na kanilang natatandaan sa pag-iwas maging biktima ng
masasamang loob.
Takdang-Aralin
-Pag-aralan:
 Kasarian, Kailanan at Pananda sa Pangngalan

Ikatlo-Ikaapat na Pagkikita:(120 minuto) Petsa: ika-4-5 ng Setyembre, 2017

Mga Layunin ng Pagkatuto


Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakakikilala ng Kasarian ng Pangngalan sa Pangungusap
2. Nakapagbibigay ng kasalungat na kasarian ng Pangngalan sa bawat pangungusap.
3. Nakakikilala ng pangngalang tinutukoy sa mga paglalarawan

A. Panimulang Gawain
 Ituon ang pansin nila sa mga paskil o babalang nasa lunsarang pangwika sa
pahina 50. Ipabasa nang malakas ang mga pangungusap na makikita rito.
 Pagkatapos, ipasagot ang mga sumusunod na mga tanong na matatagpuan din
sa pahina 50.
a. Ano ang mangyayari kung susundin lagi ng mga tao ang mga paalalang
ito?
b. Ano naman ang mangyayari kung hindi sila susunod?
c. Bakit mahalagang sumunod tayo sa mga paalala at mga babala?
 Ituon ang pansin nila sa mga pangngalang hango sa mga babala o
paalala na nakasulat sa talahanayang nasa pahina 51 na mababasa rin sa
ibaba.
A. B. C. D.
Babae Lalaki Isda Bulaklak
Basura
tawiran

B. Paglalahad ng Aralin
 Ipasuri kung paano pinangkat ang mga pangngalan sa
talahanayan.
 Ipahalaw sa kanila ang konsepto ng mga pangngalang pambabae,
panlalaki, di-tiyak, walang kasarian.

C. Ebalwasyon/Paglalapat
Estratehiya: Lap-Clap-Click
Gamit ang estratehiya sa ibaba ay magbibigay ang mga mag-aaral ng
halimbawa ng mga pangngalang pambabae, panlalaki, di-tiyak, at walang
kasarian.
Pagkatapos, papupuntahin sila sa kanilang mga pangkat, magpaisip sa
kanila ng mga pangngalan ayon sa kasarian tulad ng pambabae,
panlalaki, di-tiyak, at walang kasarian.
Ipalista sa kanilang show-me-board.Ipagamit ang mga pangngalang ito sa
mga pangungusap na patungkol sa pagsunod sa mga payo at utos ng
magulang kanilang mga magulang.

E. Paglalahat/Pagwawakas
Pasagutan ang mga sumusunod:
 Madali Lang Iyan (Natutukoy ang kasarian ng pangngalang ginamit sa
pangungusap)
 Subukin Pa Natin (Naibibigay ang kasalungat na kasarian ng mga
pangngalan)
 Tiyakin Na Natin (Nakikilala ang pangngalang tinutukoy sa mga
paliwanag, paglalarawan, at pagsasaad sa kasarian ng mga ito.)
Takdang-aralin:
Pag-aralan ang Kailanan at Pananda sa Pangngalan

Ikalima-Ikapitong Pagkikita: (60 minuto) Petsa: ika-5-7 ng Setyembre, 2017

Mga Layunin ng Pagkatuto


Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang Kailanan at Pananda sa Pangungusap
2. Nakapagbibigay ng mga salitang isahan, dalawahan, maramihan at nagagamit sa
bawat pangungusap.
3. Nakikilala sa pangungusap ang bilang ng pangngalan at wastong pananda sa
pangngalan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

A. Panimula at Pagganyak
-Magbibigay ang guro ng mga ilang pangngalan, pagkatapos tutukuyin ng mga mag-aaral ang
bilang ng pangngalan.
Salita Bilang ng Pangngalan
Kapatid Isa
Magkapatid Dalawa
Magkakapatid Maramihan
Ana Isa
Ana at Elsa Dalawahan
Ana, Elsa, at Ema Maramihan
-Ano ang napapansin ninyo sa mga salita?
-Paanong ang bilang ng pangngalan ay nakaaapekto sa pananda sa pangngalan?
Halimbawa:
Si Ana ay mabait na bata.
Sina Ana at Elsa ay mabait na bata.
Sila Ana, Elsa, at Ema ay mababait na bata.

B. Paglalahad ng Aralin
- Pagtalakay ng guro sa paksang Kailanan at Bilang ng Pangngalan gamit ang
Powerpoint presentation
Ang tatlong Kailanan ng Pangngalan

1) Kailanan Isahan – tumutukoy sa pangngalang likas na nagiisa lamang ang bilang


Halimbawa:
Kapatid, kaibigan, ate
2) Kailanang Dalawahan – tumutukoy sa pangngwalang may dalawang bilang
Halimbawa:
Magkapatid, magkaibigan, dalawang bag
3) Kailanang Maramihan – tumutukoy sa pangngalang may bilang na maramihan. Ang
Hamlibawa:
pangngalan ay napaparami sa pamamagitan, ng pagamit ng pntukoy, pang-ui,
pamilang at panlapi.
Isahan Dalawahan/Maramiahan
Pantukoy: ang kaibigan ang mga kaibigan
Pang-uri: mabuting kaibigan mabubuting kaibigan
Pamilang: isang kaibigan magkaibigan
Panlapi: kaibigan Magkaibigan
Mga Pananda sa Pangngalan
Isahang kailanan ng Pangngalan - ang, ng, si, ni, kay, at pamilang na isa.
Dalawahang Kailanan ng Pangngalan- Gumagamit ng panlaping makangalan na mag- at
pamilang na dalawa
Ikatluhang Kailanan ng Pangngalan- Gumagamit ng mga panandang mga, sina, nina, kina, o
iba pang pamilang na higit sa dalawa.

C. Ebalwasyon/Paglalapat
Pagsagot sa Worksheets
 Kasarian ng Pangngalan
 Kailanan at Pananda sa Pangngalan

A. Kasarian ng Pangngalan
Panuto: Isulat sa patlang ang kasarian ng pangngalan na may salungguhit. Gamitin ang
mga sumusunod na titik: PB (pambabae), PL (panlalaki), DT (di-tiyak ang kasarian), at
WK (walang kasarian).
1. Malugod na nagpakilala ang bagong kapitbahay.
2. Ang alkansya na gawa sa kawayan ay puno na ng barya.
3. Suot ng binata ang pinakamagara niyang damit.
4. Ang mga lalaki ay dapat nakasuot ng barong Tagalog.
5. Nakaabang sila sa labas para batiin ang mga panauhin.
6. May pinadalang pasalubong ang ninang mo na galing sa Maynila.
7. Pinili siya na maging pangunahing artista sa isang pelikula.
8. Maghahanap ako ng magaling na modista para sa iyong kasal.
9. Narinig nila ang tunog ng kampana ng simbahan.
10. Dumaan dito kanina ang kumpare mo at hinahanap ka.

B. Kailanan at Pananda sa Pangngalan


Panuto: PANUTO: Isulat ang I kung Isahan , D kung dalawahan , M kung Maramihan.
Bilugan ang pananda sa pangngalan na ginamit.
______1. Ang magkakaibigan ay masayang naglalaro ng basketball.
______2. May praktis si Toby bukas.
______3. Sina CJ at Joshua ay nag-aaral para sa pagsusulit.
______4. Si Mang Jose ang naglinis ng silid-aralan.
______5. Masarap ang mga pagkain na handa nila.
______6. May tatlong ibon sa ibabaw ng puno.
______7. Ang mag-ina ay umuwi na.
______8. Sina Mark at Evita ay ikakasal na.
______9. Dito si Joan magbabakasyon.
______10. Ang makakapatid ay sabay na pumasok .
______11. Lahat ng mag-aaral ay pinauwi ng maaga.
______12. Ang magpinsan ay pumunta sa parke.
______13. May isang aso silang alaga.
______14. Bumili siya ng dalawang kilong mangga.
______15. Ang magkapitbahay ay nagtutulungan.

E. Paglalahat/Pagwawakas
***Bakit mahalagang matutuhan ang kasarian, kailanan at pananda sa pangngalan?

You might also like