Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABATAAN PA RIN NGA BA?

Ating balikan ang palagi nating sinasabi, “ ang kabataan ang pag asa ng bayan” ngunit
sa panahon natin ngayon, masasabi pa ba nating kabataan ang pag asa ng bayan?

Magasgas man sa pandinig ang kasabihang aking binanggit ngunitkailan man ay hindi
natin ito maiaalis sa isipan at paniniwala ng bawat Pilipino. Ngunit kung ating pag
ninilayan ang mga kabataan ngayon, mga kabtaang nasasadlak sa mga masasama o
maling Gawain, masasabi pa ba nating kabataan ang mag aahon sa putik ng
kahirapan?

Isang napaka gandang umaga/hapon sa inyong lahat.

Noon, masasabi kong napakatatag ang ating paniniwala sa naturang kasabihan at


sakaisipang nais nitong iparating sa atin. Ngunit ngayon parang humina ang
paniniwalang ito. Kasabay sa paglipas nito at sa pagsilang ng bagong henerasyon ay
marahil ang paglipas din ng paniniwalang pag-asa ng bayan ang mga kabataan.naririto
ako sa inyong harapan bilang isa sa mga kabataan ng bagong henerasyon tulad
nating lahat. Bigyan ninyo ng katahimikan ang inyong pag-iisip sa mga sandaling ito at
alalahanin ninyo ang lahat ng mga pinaggagawa ninyo.

Ating nababalitaan ang mga Gawain ng mga kabataan sa ngayong panahon, mga
pandurugas, pagnanakw, pangre-rape at marami pang iba. Naririyan ang mga
kabataang nakatambay sa dyis-oras ng gabi at mga kabataang parang hindi makabili
ng tela sa iksi ng soot, at mga kabatang puro masasamang salita ang lumalabs sa halip
na mga salita ng atin Panginoon, mrahil ay nalalamon na tayo ng sistema ng mundo
ngunit masasabi pa ba natin na tayo ang pag asa ng aing inang bayan??

Ngayon, sa kunting sigundo maaari nyo bang sagutin ang tanong ko?: kayo ba’y pag-
asa pa rin ng bayan? Kung ako rin ang tatanungin, hindi ako mahihiya atmagdadalawag
isip na “Oo!”.Dahil lahat tayo ay pag-asa pa rin ng bayan. Sakabila ng realidad na may
iba satin na mga pasaway, batugan at parang wala ng tamang nagawa.Ngunit umaasa
akong balang araw maintindihan nila ang tunay nilang tungkulin. Paano ba natin
maisasakatuparan ang pagiging pag-asa ng bayan? Simple lang naman! Kailangan
nating maging masipag, tapat, madisiplina at mapagmahal. Ating iapamalas ang ating
kasipagan na nakakabuti o nakatutulong. Hindi ‘yong uupo ka ang sa tabi habang
hawak ang cellphone.

Ating naming bigyang pansin ang ilan saating nagbabanat ng buto sa halip na mag aral,
mga kabataang nagsasakripisyo ng sarili ng kanilang kaligayahan para sa pamilya. At
mg kabataang nagsisilbing ama at ina dahil maaghang naulila. Lahat sila ay
magandang rason para sabihing pag asa ng bayan. Pag asang nagsisilbing inspirasyon
sa iabng nalalabuan ng liwanag at pag asa na kailangan n gating bayan. Sapat na ang
bawat dahilan na iyon upang maniwala na tayo pa rin ang pag asa ng bayan.

Huwag na nating ipagpabukas pa ang ating mga gawain kung pwede naman nating
gawin ngayon. Panahon na para tayo ay sumulong! Nasa ating mga kamay ang
kaunlaran at kalayaan. Tayo nga’y malaya ngunit ang kalayaa’y hindi upang gawin ang
bawat naisin ngunit upang gawin ang tama at nararapat. Tara na kapwa kabataan!
Patunayan nating tayo’y pag-asa pa rin ng Inang Bayan!

You might also like