Kontra Salaysay Angelo Rozada

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas)

Lalawigan ng Bulacan ) S.S.


City of Malolos )

SINUMPAANG KONTRA SALAYSAY NI


ANGELO ROZADA
(RE: NPS Docket No. III-04-INQ-18B-00252)

AKO ANGELO ROZADA, mamamayang Pilipino, may sapat na taong


gulang at naninirahan sa Brgy. Virgin delas Flores, Baliuag, Bulacan
matapos manumpa nang naaayon sa batas ay malaya at kusang loob na
nagsasalaysay ng mga sumusunod, Na:

1. Ako din si, ANGELO ROZADA na di-umano ay inihahabla sa


kasong “Robbery Holdup,” ni Richard Ramos Et.Al. na sa kasalukuyan ay
nakabinbin para sa masusi at masigasig na pagsisiyasat at pagdinig ng
Tanggapan ng Panlalawigan na Taga-usig ng Lungsod ng Malolos, Bulacan;

2. Ang habla laban sa akin ay madiin kong itinatanggi sapagkat


ang mga pahayag ng naghahabla ay pawang gawa-gawa lamang;

3. Ang mga tunay na pangyayari ay ang mga sumusunod:

3.1. NA, noong February 9, 2018, mga bandang 11:30 ng


umaga ako po ay umuwi, galing ako sa pamamasada ng tricycle,
upang kumain ng tanghalian kasama ang aking lola at nang isa kong
pinsan;

3.2. NA, matapos naming mananghalian ay nanood kami ng


TV kasama ang aming lola, ilang saglit pa ay may biglang tumawag
sa tapat ng aming gate;

3.3. NA, nang buksan namin ang aming gate ay laking gulat
ko na isa palang pulis ang tumatwag sa aming gate, bigla po niya
kaming tinutukan ng baril at pinosasan at dinala sa himpilan ng
pulis sa Baliuag. Dinala din po kami sa himpilan ng pulis sa Pandi.
Iginigiit po nila na ako kasama sa holdapan;

3.4 NA, walang katotohanan ang kanilang paratang wala


akong alam sa sinasabi nilang holdapan. Pinipilt nila na ako daw po
ay ang isa sa mga nakamotor na naksuot ng helmet na nasa litrato na
kuha sa cellphone;

3.5 NA, nang makita ako ang litrato ay nagtataka ako kung
paano nila nasabi na ako yun eh di nga kita ang mukha dahil sa full
face helmet. At isa pa wala talaga ako kinalaman sa sinasabi nila.
OPP- Malolos City
Kontra-Salaysay ni Angelo Rozada
x- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - x

4. Napakalinaw sa aking ipinahayag sa itaas na wala akong


kasalanan. Walang katotohanan ang lahat ng paratang nila sa amin at
pawang kasinungalingan lamang ang lahat ng nakasaad sa kanilang mga
Sinumpang Salaysay;

6. Ang kontra salaysay na ito ay aking ginawa upang isiwalat ang


katotohanan ng mga pangyayari at upang hilingin sa kagalang galang na
Tanggapan ng Taga-usig ng Lungsod ng Malolos, Bulacan ang kaso laban
sakin ay ipawalang bisa.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ito ay aking nilagdaan at sinumpaan


ngayong ika-____ ng February, taong 2018, dito sa Lungsod ng Malolos,
Lalawigan ng Bulacan.

Assisted by:
Public Attorney’s Office
Malolos City District.

ANGELO ROZADA
Nagsasalaysay

Page 2 of 2

You might also like