Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

‘Di na masama ang makadalawa sa tatlo: Pinoy Rom-Com Renaissance?

Una sa lahat, hindi ako fan ng Pinoy Romcom men, pero may mga oras na nagustuhan ko yung mangilan
ngilan sa mga pares, tulad ni Alwina(Angel Locsin) at Aguiluz(Richard Gutierrez) at Agnes(Liza Soberano)
at Xander(Enrique Gil) at sino bang makakalimot sa walang kamatayang Judy Ann Santos at Wowie De
Guzman. Sige i-judge mo ako, okay lang.

Nitong nakaraang mga taon, parang merong basic formula lang na inuulit ulit ang malalaking production
companies at pinapalitan lang ang mukha ng mga bida sa tuwing gagawa sila ng Rom-coms. Maguumpisa
sa, “boy meets girl o girl meets boy dynamic” tapos pacool at aloof dapat yung leading man, syempre
kelangan din na gwapo sya tapos si leading lady naman na sobrang ganda eh simpleng dalagang Filipina
pero dahil dito magiging kakaiba sya sa mata ni leading man kaya liligawan niya ito pero pwede ding
baliktarin ang sitwasyon at makakarating tayo sa ligawan stage na kailangan may montage pa tapos ang
magiging conflict e babalik ang past ni leading man/lady para magumpisa ng gulo o kaya naman ay hindi
sangayon ang pamilya ng kung sino man ang mas mayaman sa dalawa dahil mahirap lang ang kapares nito
pero sa bandang huli syempre magwawagi ang pag-ibig tapos ang last scene naghahalikan ang dalawa o
akmang maghahalikan pa lang. Ganun ano di ako expert di naman ako nanonood ng madalas ng mga Pinoy
Rom-coms pero sa mga nasabi ko ay yan ang kadalasan kong nakikita sa ilan kong napanood.

SPOILERS, wag mo basahin ‘yung reviews kung di mo pa napapanood ang “Kita Kita”, “100 Tula Para kay
Stella” at “Love you to the Stars and Back”.

Pagkamulat

Ilang buwan pa lang ang nakakaraan nung una kong makita ang trailer ng “Kita Kita”, kakaiba sa
pakiramdam, sinabi ko sa sarili ko na bat si Empoy bat si Alex ang mga bida? Doon pa lang outside the box
na kaagad eh.

Mataas ang expectation ko sa pelikula na ito dahil sa hype sa social media, men; kaya nang magkaroon
ako ng pagkakataon na mapanood sa sinehan yung Kita Kita, talagang hindi ko ito pinalampas.

Sanay tayo na makita si Empoy bilang isang katawa-tawang sidekick, ni hindi ko pa nga siya nakitang
bumida sa kahit saan ng kahit isang beses at si Alessandra de Rossi naman e mas sanay akong napapanood
sa mga seryoso at mabibigat na pelikula. Sa unang tingin, hindi mo talaga aakalain na pwede hanggang sa
masubukan at makita mo. ‘Yun ‘yung magic ng Kita Kita.

Simple lang naman ‘yung naratibo ng Kita Kita, tungkol ito kay Lea (Alessandra de Rossi) isang tour guide
na nagtatrabaho sa Sapporo na nabulag ng malaman niya na nambabae pala ‘yung nobyo nya na Hapon,
nakakabulag pala ang pambababae, dun ngayon pumasok sa kwento si Tonyo(Empoy Marquez), na
nawalan ng trabaho at iniwan din ng nobya nya. Maraming araw ng suyuan at pag-aalok ng adobo ang
nangyari bago sila kumonekta sa isa’t-isa, naging magkaibigan at kalaunan ay nagkaibigan.

Mahusay at pinagisipan ni Sigrid Bernardo, ang direktor at siya ring nagsulat ng pelikula ang kabuuan ng
Kita Kita. Mula sa Saging at Pusong nagsasayaw at kumakalembang sa kampana, at yung countdown mula
isa hanggang sampu ng rason ng pagkamatay ng pagmamahal ni Lea sa nobyo nya at pagmamahal naman
ni Tonyo kay Lea. Naging romantic kahit medyo nakakatawa ang simpleng paghigop ng ramen.

Ibang klase yung dating ni Empoy sa pelikulang ito, sobrang cariñoso kahit ako kinikilig sa mga hirit nya
eh. Kitang-kita na totoo at para bang may pinaghuhugutan yung pag-arte niya at kahit isang beses eh hindi
nawala sa timing yung mga banat niya. Si Alex naman sa tingin ko mas challenging yung ginampanan nya
dahil kailangan nyang umarte na hindi gumagamit ng mata para sa karamihan sa mga eksena sa pelikula.
Tono lang ng boses at body language nakumbinsi ako sa unti unti niyang pagiging malapit at kalaunan ay
pagmamahal sa karakter ni Empoy.

Parang breath of fresh air yung Kita-Kita para sa akin. Simple lang. Hindi umaasa sa masyadong
komplikadong plot at star studded na cast kundi doon lang sa dalawang aktor na hindi pilit yung chemistry.
Isa ito sa mga pinakamagagandang pelikulang napanood ko para sa mga nakalipas na taon at kailangan
mo rin itong mapanood kabayan.

8.5/10 men, solid. Yung 1.5 points na di ko binigay e yung issue ko sa pagiging stalker-ish ni Empoy.

ANO BA TONG PINASOK KO!

Ang ganda sana ng concept nung 100 Tula para kay Stella kaso para saakin pangit yung atake dun sa
pelikula.

Nakaset yung movie nung early-2000’s, kasagsagan ng Pinoy bands. Nagumpisa yung kwento kay Fidel(JC
Santos) na mahilig magsulat ng mga tula na may speech defect, nagsastutter siya kaya nililimitahan nya
yung mga pangungusap nya sa tatlong salita o kaya minsan gumagamit sya ng cue card; ‘di din siya
nagsastutter ‘pag kumakanta siya. Pumasok si Stella(Bela Padilla) sa kwento nung Freshies night nila na
inattendan din ni Fidel, nagkataon na nagmumukmok si Fidel sa gilid nung hall kasi nadumihan yung pwet
nya nung tinulak sya nung boyfriend ni Stella tapos nagkataon din na pumunta si Stella dun sa lugar kung
nasaan si Fidel tapos tinulungan niya ngayon itong si Fidel at pinahiram ng jacket para matabingan yung
“tagos” nya. Ayun nainlove si Fidel kay Stella ng head over heels men na pinanghawakan nya for many
years men.

Critically acclaimed na direktor si Jason Paul Laxamana men kaya sobrang taas ng expectation ko, galing
sa kanya yung mga pelikulang, “2 cool 2 be 4gotten” at “Ang Taba Ko Kasi” tapos bibigyan nya tayo ng
Filipino version ng 500 Days of Summer? Nakakainis men. Kung di ka naniniwala eto yung pagkakapareho
ha, yung timestamps sa 500 Days of Summer na yun nga yung number of days e pinalitan lang ng Poem
number ganito para sa progression nung kwento tapos yung ending men parang phinotocopy lang e
parehas, nakakilala yung leading man ng bagong love interest sa bandang dulo.

Nakakakilig yung mga unang moments men aaminin ko pero ‘yun na siguro yung strongest part nung
pelikula, downward spiral na pagkatapos nun. Pinipilit nung pelikula si Stella para kay Fidel pero di ako
nakumbinsi men, mas marami pa yung mga oras na magkahiwalay sila kesa magkasama, si Fidel nasa
Maynila habang si Stella naman nasa Pampanga tapos bonus pa e sobrang clueless nitong si Stella men,
ayun na e, kahit bulag makikita na me gusto si Fidel sa kanya pero siya, di talaga nya nakita e.

Mas magugustuhan ko siguro yung pelikula kung naging side character lang si Stella, speed bump kung
baga, mas magandang parang coming of age story lang sya ni Fidel tapos si Stella eh isa lang sa mga major
plot devices. Sumaya naman si Fidel at nagkaroon ng self confidence kahit wala si Stella sa eksena lalo na
nung nasali sya bilang singer sa isang Arts Club. ‘Yung kwento naman ni Stella sobrang dark at edgy;
nagrerebeldeng teen na gusto sumikat sa music scene pero wala siyang ginawang tama, nagtetake
advantage lang siya sa mga nakapaligid sa kanya para maabot yung pangarap nya na hinahabol nya ng
maraming taon tapos biglang sa dulo babalewalain nya lang lahat ng mga naunang nangyari at bigla lang
nagpakasal dun sa photocopy guy ng walang kaabog-abog habang iniiwan nya si Fidel sa alikabok.
Nakakainis ‘diba? Nakakagago.

Solid si Bela Padilla bilang Stella, attractive talaga siya at times. Totoong tao at kadalasan nga stupid
decisions sa buhay yung nagagawa nya. Si JC Santos naman e simpatiko, relatable naman yung character
nya. Hindi lang siguro kapanipaniwala e yung pagiging teens nila dun sa pelikula. Inconsistent ‘din yung
speech defect ni Fidel, kasi minsan nakakabuo na siya ng isang buong pangungusap ng walang stuttering,
ewan baka gumaling na sya.

Hindi rin ganoon kaganda yung mga tula doon sa pelikula men, ‘di naman sa nagmamagaling men pero
mararamdaman mo naman kung maganda ang isang tula o hindi e diba? Yung mga tula sa pelikula e
parang pilit at para bang nakafocus lang sa pagpapacool.

‘Yung time-period naman okay sana early 2000’s kaso hindi ko ramdam masyado na nasa nakaraan yung
pelikula, anjan yung occasional na lumang Nokia phones, Walkman at Rivermaya songs pero hanggang
dun na lang ‘yun pwede ko pa isipin na hipster lang talaga yung mga bida at mas gusto lang nila yung older
technology.

Kumpleto sana, may tula, may stuttering leading man, edgy rocker leading lady, yung time period pa para
sa isang napakagandang pelikula pero kinapos yung pelikula na para bang di nila alam kung pano
paghahalu-haluin yung mga elements na yun. Sayang.

4/10 magandang background noise pag naglilinis ka ng bahay, o kaya pwede ring drinking game every
time na me character na gagawa ng stupid decision.

POWER OF LOVE

Di pa to tapos men

You might also like