Professional Documents
Culture Documents
Ap6 Ikatlong Markahang Pagsusulit
Ap6 Ikatlong Markahang Pagsusulit
SY 2017-2018
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_______1. Ang mga sumusunod ang naidulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas,
maliban sa isa. Ano ito?
A. Kahirapan C. Pagkawasak ng mga pag-aari
B. Kagutuman D. Magandang kabuhayan sa mga Pilipino
______4. Alin sa mga sumusunod ang di- magandang epekto ng pagkakaroon ng Military
Agreement sa Amerika?
A. Lumakas ang sandatahang pwersa ng Pilipinas.
B. Nabigyan ng maraming sandata ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
C. Maraming Pilipinong sundalo ang naiangat ang kaalaman sa pakikipaglaban
D. Nasasali tayo sa mga usaping panseguridad sa loob at labas ng bansa na may
kaugnayan sa Amerikano
_______5. Layunin ng batas na ito na maiangat ang ekonomiya ng bansa pagkatapos digmaan
A. War Damage Payments C. Parity Rights
B. Philippine Rehabilitation Act D. Bell Trade Act
_______6. Ano ang nilalaman ng Bell Trade Act na pinagtibay ng kongreso ng Pilipinas?
A. Pangangasiwa sa sistemang political ng bansa
B. Paglinang ng mga Amerikano sa ating mga likas na yaman
C. Malayang makakapagpasok ng mga kalakal ang mga Amerikano sa Pilipinas.
D. Pangangasiwa ng Estados Unidos sa ugnayang panlabas ng Pilipinas.
_______7. Ito ang karapatang ibinigay sa mga Amerikano na linangin ang mga likas na yaman
ng bansa at pagtatag ng mga negosyo sa bansa.
A. Bell Trade Act C. Parity Rights
B. Payne Aldrich Act D. Philippine Rehabilitation Act
________8. Bakit hindi naging makatarungan sa mga Pilipino ang ugnayang kalakalan ng
Pilipinas sa Estados Unidos?
A. Dahil may kota ang mga kalakal na iniluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos.
B. Dahil may kota ang mga kalakal na iniluluwas ng Estados Unidos sa Pilipinas.
C. Dahil sa Amerika lang pwedeng magluwas ng kalakal ang Pilipinas kaya’ binabarat
nila ito.
D. Dahil mababa ang sinasahod ng mga Pilipino kumpara sa sahod ng mga Amerikano
sa bansa.
________9. Ito ay isang pagbabago sa mentalidad ng isang bansa ukol sa kultura nito.
A. Parity Rights C. Colonial Mentality
B. Soberanya D. Ne-Kolonyalismo
_______10. Alin ang walang katotohanan sa mga sumusunod na epekto ng colonial mentality sa ating
bansa?
A. Napapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa pagtangkilik sa mga produktong gawa sa ibang
bansa.
B. Nagbago ang pag-uugali at ilang kultura ng mga Pilipino.
C. Mas kinahiligan ng mga Pilipino ang mga produktong Amerikano.
D. Pinapaunlad ang ekonomiya ng ibang bansa kapag tinatangkilik natin ang produkto nito.
_______12. . Ang mga sumusunod ay di-mabuting epekto ng Parity Rights maliban sa isa. Ano ito?
A. Paghina ng mga tradisyunal nating industriya
B. Pagtatali ng ating pamilihan sa pamilihan ng mga Amerikano
C. Lubusang pagkalugi ng mga magsasakang Pilipino sa mga gastusin sa mga sakahan
D. Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ang mga Pilipinong
mangangalakal gaya ng paggamit ng mga makinarya at bagong teknolohiya
_______16. Sino ang ambassador na kasama ni Pang. Manuel Roxas na lumagda sa Kasunduang
Base Militar?
A. Paul Mcnutt C. Millard Tydings
B. Jasper Bell D. Manuel L. Quezon
_______17. Kailan inaprubahan ang Parity Rights?
A. Marso 14, 1947 C. Oktubre 1945
B. Marso 11, 1947 D. Abril 30, 1946
_______22. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang hindi tinatamasa ng soberanong bansa?
A. makapagsarili C. mag-angkin ng ari-arian
B. mamuno sa ibang bansa D. pantay na pagkilala
.
_______23. Anong karapatan ang tinatamasa kung nagpapadala ang Pilipinas ng sugo, kinatawan o
embahador sa ibang bansa?
A. makapagsarili C. makipag-ugnayan
B. mamuno sa nasasakupan D. pantay na pagkilala
_______25. Aling ahensiya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkulin sa pagtatanggol ng ating bansa?
A. ROTC C. Hukbong Katihan ng Pilipinas
B. Kagawarang Panlakas D. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
_______26. Sila ang may nakaatang na tungkuling ipagtanggol ang estado kung hinihingi ng pagkakataon.
A. mga estudyante C. mga kalalakihan
B. mga sundalo D. mga mamamayan
_______27. Ang sumusunod ay pakinabang ng Pilipinas sa teritoryo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Dito tayo kumukuha ng mga pangangailangan.
B. Sa ating teritoryo tayo gumagawa at nagtatrabaho.
C. Kung gusto nating maglibang, maraming pook na maaaring sirain at dumihan.
D. Dito rin tayo nakatira at nagkakaroon ng katahimikan ng kalooban dahil ating sariling
bansa ito.
Panuto: Tukuyin kung sinong Pangulo ang nasa larawan. Piliin at isulat ang letra ng sagot
sa patlang.(28-34)
_______36. Alin sa mga programa ni Pang. Manuel Roxas ang binuo upang tulungan ang mga tao
at mga pribadong kompanyang makapagsimula muli at makapagpanibagong-buhay pagkatapos ng
digmaan?
A. Parity Rights C. Philippine Trade Act of 1946
B. Military Bases Agreement D. Rehabilitation Finance Corporation
_______38. Ang mga sumusunod ay programa ni Pang. Elpidio Quirino maliban sa isa. Ano ito?
A. Pagharap ng suliranin sa mga Huk
B. Pagpapakalat ng Wikang Pambansa
C. Pagsugpo sa paglaganap ng Komunismo
D. Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino
_______39. Siya ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas ?
A. Diosdado Macapagal C. Carlos Garcia
B. Ferdinand Marcos D. Ramon Magsaysay
_______43. Ang lahat ay mga suliraning kinaharap ni Pang. Elpidio Quirino sa kanyang
panunungkulan maliban sa isa. Ano ito?
A. pag-angat ng kabuhayan ng bansa
B. paglaganap ng suliranin sa mga Huk
C. pagpapalakas ng demokrasya sa bansa
D. pagsugpo sa banta ng komunismo sa bansa
_______44. Ang suliranin sa Huk ay nalutas sa pamamagitan ng programang ito kung saan ang
lahat ng susukong kasapi ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.
A. Green Revolution C. Economic Development Corps (EDCOR)
B. Land Tenure Reform Law D. Agriculture Land Reform Code
_______46. Ano ang ahensya na itinatag sa ilalim ng panunungkulan ni Pang. Ferdinand Marcos
upang mamahala sa pamamahagi ng lupa?
A. Department of Agriculture C. Department of Trade and Industry
B. Department of Tourism D. Department of Agrarian Reform
_______47. Isang programang naglalayong mahikayat ang mga Pilipino na mamuhay ng simple at
matipid.
A. Austerity Program C. Green Revolution
B. Social Security Act D. Agriculture Land Reform Code
_______48. Upang mapabuti ang kalagayan ng pangkaraniwang tao aling batas ang nagsasaad ng
paghimok sa mga korporasyong gawing kasapi ng Social Security Office ang lahat ng kanilang
kawani at mga manggagawa?
A. Austerity Program C. Green Revolution
B. Social Security Act D. Agriculture Land Reform Code
1. D 21. C 41. B
2. A 22. B 42. C
3. B 23. C 43. C
4. D 24. B 44. C
5. D 25. D 45. B
6. C 26. B 46. D
7. C 27. C 47. A
8. A 28. C 48. B
9. C 29. B 49. D
10. A 30. A 50. C
11. A 31. D
12. A 32. A
13. A 33. D
14. C 34. B
15. D 35. C
16. A 36. D
17. B 37. C
18. C 38. B
19. B 39. A
20. D 40. C