Villaluna 1414

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Villaluna, kashley v.

ABM-1115

rosario-deogracias

(17 Oktubre 1894-26 Nobyembre 1936)

Si Deogracias Rosario (Dé·yo·grá·syas Ro·sár·yo) ay isang mangangatha,


mamamahayag, at makata. Kinikilala siyá bilang “Ama ng Makabagong Maikling
Kuwentong Tagalog.”
Unang naging aktibo si Rosario sa larangan ng pamamahayag. Naging bahagi siyá ng
pahayagang Ang Demokrasya noong 1912 at ng satirikong magasing Buntot Pagi noong
1914. Noong 1917, naging reporter siyá ng Taliba at pagkaraa’y naging katuwang na
editor nitó. Sumulat din siyá sa Pagkakaisa ng Bayan at ng Photo-News (ngayo’y
Liwayway).
Pinamunuan din niyá ang iba’t ibang samahang pampanitikan at pangwika. Isa siyá sa
itinuturing na cuarteto ng Ilaw at Panitik, at naging pangulo pa nitó, gayundin ng
Kalipunan ng mga Kuwentista, at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang
Tagalog.
Ngunit mas nakilala si Rosario sa mga naging ambag niyá sa larangan ng maikling
kuwento. Itinuturing na unang maikling kuwento sa Tagalog ang kaniyang akdang “Kung
Ipaghiganti ang Puso” na inilathala sa Liwaywaynoong 21 Marso 1924. Ilan pa sa mga
kinikilalang mahuhusay niyáng kuwento ang “Aloha” (1932), “Ako’y Mayroong Isang Ibon”
(1932) at “Greta Garbo.” Ang mga kuwento niyá ay napabilang na sa mga antolohiya ng
pinakamahuhusay na akda.
Nakapagsulat si Rosario ng mahigit sa 80 maikling kuwento, dalawang maikling nobela,
dalawang de-seryeng nobela, at maraming personal na sanaysay, artikulo, at tula na
inilathala sa Photo-News. Nagkaroon din si Rosario ng kolum sa Taliba—ang “Mga
Sulyap na Pang-Sabado ni D.A.R.” na nagtampok ng mga rebyu ng aklat at mga ulat
tungkol sa mga pangyayari sa larangan ng panitikan.
Ipinanganak siyá noong 17 Oktubre 1894 sa Tundo, Maynila sa isang mahirap na
pamilya. Nag-aral siyá sa Manila High School (ngayo’y Araullo). Nagsimula siyáng
magsulat sa napakabatà ng edad na 13. Namatay siyá noong 26 Nobyembre 1936. (GSZ)

You might also like