Ang Pagbuo NG Konseptong Papel 2

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pagbuo ng Konseptong Papel

Kung nakapagpasya na ng paksang sasaliksikin, maaari nang buuin ang sulating pananaliksik. Sa tulong ng
konseptong papel, na magsisilbing isang proposal, maihahanda na ang binabalak na pananaliksik.
Ang konseptong papel ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang gawaing balangkas o framework ng paksang
bubuuin.
Ang framework ay ang pinaka-istruktura at pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa nais patunayan, linawin o
tukuyin.
Bahagi ng konseptong papel:
Rasyunale (rationale);
Layunin (objective);
Metolohiya (methology);
Inaasahang bunga/resulta (expected outcome/output)

Rasyunale (Rationale)
Gaya ng natalakay na sa unang bahagi, taglay ng rasyunale ang pinagmulan ng ideya o kadahilanan kung bakit napili
ang isang paksa. Ang kabuluhan at kahalagahan ng naturang paksa o pag- aaral ay inilalahad sa puntong ito.
Halimbawa:
Paksa: Information Technology: Daan sa Makabagong Panahon
Rasyunale:
Bago sumapit ang information technology katakut-takut na pasakit at paghihirap ang dinanas upang makatanggap o
makapagpadala ng mensahe. Ilang araw o buwan ang kailangang lumipas bago matanggap ang liham. Kuntento na rin
sa isang beses na makapag-usap dahil mahal ang overseas long distance. Samakatuwid, mabagal ang paraan ng
komunikasyon.
Sa paglipas ng panahon, tila ang Mindanao ay naging Quiapo at ang Hongkong ay Divisoria. Kaunting pihit lang sa
kompyuter ay konektado ka na sa kabilang bahagi ng mundo. May pagkakataon pa ngang makausap o Makita ang isa’t
isa sa screen ng kompyuter. Ang lahat ng ito ay dahil sa teknolohiya.
(ni Julie Ebal - Wika at Lipunan sa Panahon ng Impornasyon)
Layunin (objective):
Ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng mapiling paksa. Maaari itong pangkalahatan(general) o tiyak
(specific). Sa pangkalahatang layunin, ipinahayag nito ang kabuuang layon, nais gawin, mangyari o matamo sa
pananaliksik. Sa tiyak na layunin, ipinahahayag nito ang ispesipikong pakay sa pananaliksik sa paksa.
Halimbawa:
Paksa: Ang Wikang Filipino sa Larangan ng Text Messaging
Pangkalahatang Layunin:
Malalaman ang tungkuling ginagampanan ng wikang Filipino sa larangan ng text messaging.
Mga tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang lawak at hangganan ng paggamit ng Filipino sa larangan ng text messaging:
2. Naibibigay ang mga paraan ng paggamit ng mensahe sa Filipino gamit ang text messaging;
3. Nailalahad ang implikasyon ng pagpapaikli ng pahayag sa Filipino gamit ang Text messaging.

Metodolohiya (Metholdoogy)
Ang paraan (technique) at pamamaraan (method) ginagamit sa pagkuha ng datos at pagsusuri ng piniling paksa sa
pananaliksik ay nasa bahagi ng metodolohiya.
Maaaring gamitin sa pagkuha ng datos ang serbey, questionnaire, case study, obserbasyon, intervyu at iba pa. kung
magsusuri, magagamit ang paraang empirical, komparatibo, interpretasyon o pagpapakahulugan. Magagamit ang mga
ito depende sa larangang gagamitin.
Inaasahang bunga (expected outcome,output)
Ilalahad sa bahaging ito ang resulta ng isinasagawang pananaliksik. Maaarig banggitin dito ang mga idinagdag gaya
ng apendiks.
TEMPLEYT NG KONSEPTONG PAPEL

Paksa: Ang Wikang Filipino sa Larangan ng Text Messaging

Rasyunale:
Bago sumapit ang information technology katakut-takut na pasakit at paghihirap ang dinanas upang
makatanggap o makapagpadala ng mensahe. Ilang araw o buwan ang kailangang lumipas bago matanggap ang liham.
Kuntento na rin sa isang beses na makapag-usap dahil mahal ang overseas long distance. Samakatuwid, mabagal ang
paraan ng komunikasyon.

Sa paglipas ng panahon, tila ang Mindanao ay naging Quiapo at ang Hongkong ay Divisoria. Kaunting pindot
lang sa telepono ay nakapagpapadala ka na ng mensahe sa kabilang bahagi ng mundo. May pagkakataon pa ngang
makakausap o makikita ninyo ang isa’t isa gamit ang telepono lamang. (maaari pa itong dagdagan)
Paglalahad ng Suliranin: Ano tungkuling ginagampanan ng wikang Filipino sa larangan ng text messaging (SMS).
Mga Tiyak na Layunin:
1. Ano ang lawak at hangganan ng paggamit ng text messaging (SMS) sa Wikang Filipino?
2. Ano-ano ang mga paraan ng paghahatid ng text messaging (SMS) gamit sa Wikang Filipino?
3. Ano ang epekto at/o implikasyon ng pagpapaikli ng pahayag gamit ang text messaging (SMS) sa Wikang
Filipino.
Metodo:
Gagamit ang pag-aaral na ito ng disenyong deskriptiv-analitik na pamamaraan. Ang disenyon ito ay binubuo
ng paliwanag tungkol sa isang phenomena o pangyayari. Ito ay magpapakita ng at magpapaliwanag ng kasalukuyang
kalagayan. (The esearch Book, p.38)
Sa pamamagitan ng kwestyunaryo o talatanungan, Ang mga mananaliksik ay magsa-sarbey sa isandaang
(100) mga respondente mula sa mga mag-aaral ng SHS San Nicholas III.
Inaasahang Bunga:
Inaasahan ng pag-aaral na ito na malaman ang lawak at hangganan ng paggamit ng text messaging ng mga
kabataan. Nais ring mabatid ng pananaliksik na ito ang mga paraan ginagamit ng mga kabataan sa pagpapadala ng
test messaging gamit ang Wikang Filipino. Nais ring tuklasin ng pag-aaral na ito ang epekto at implikasyon ng
paggamit ng text messaging gamit ang Wikang Filipino.

You might also like