Professional Documents
Culture Documents
Ikalawang Yugto NG Imperyalismong Kanluranin
Ikalawang Yugto NG Imperyalismong Kanluranin
Ikalawang Yugto NG Imperyalismong Kanluranin
I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. nasusuri ang mga epekto ng imperyalismo sa Asya at Africa;
B. nakasasali ng masigasig sa talakayan at diskusyon;
C. naipamamalas ang paghanga sa mga nasakop dahil sa kanilang katatagan, katapatan at
pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng dula-dulaan.
II. Nilalaman:
A. Paksa: Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
B. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, pahina 286-294
C. Kagamitan: chalk, slate board
III. Pamamaraan:
A. 1. Pagbabalitaan
Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng balita.
A. 2. Pagganyak
Tatanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kahulugan ng salitang Imperyalismo.
(Pagpapakahulugan)
B. Paghahalad
Iprepresenta ang paksa.
C. Pagtatalakay
Papangkatin ang klase sa limang grupo.
Bibigyan ang bawat grupo ng paksang tatalakayin.
Mga salik sa pagpapalawak ng Imperyong kanluranin
Imperyalismo sa Asya
Imperyalismo sa Africa
Imperyalismo sa China
Epekto ng Imperyalismo
D. Paglalahat
Sa dating pangkat ay magsasagawa ang mga mag-aaral ng dula-dulaan tungkol sa
katatagan ng mga nasakop na bansa.
E. Ebalwasyon
Magkakaroon ng pangkatang pagsususlit ang mga mag-aaral.
IV. Kasunduan:
A. Paksa: Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Tanong: Dapat bang kondenahan ang mga kanluranin sa pagsakop ng mahihinang bansa at
pagkalakal ng mga alipin? Pangatwiran ang iyong sagot.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, pahina 286-294