Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

RECESS

(tumutunog ang school bell, nagpapahayag ng simula ng recess, nagsilabasan ang mga bata at bumili o
kumain ng mga chichirya at juice)

SILID-ARALAN

(muling tumunog ang school bell, hudyat ng pagbalik sa klase) (matatamlay at inaantok ang mga bata na
pumasok sa kanilang silid-aralan)

Titser: Magandang umaga mga bata!

Mga Estudyante: Magandang umaga rin po ma’am. (napakahina at tila walang ganang pagkakasabi)

Titser: Ba’t ang tatamlay niyo? Aba’y ang aga-aga pa at katatapos lamang ng recess. Eh ‘di ba kumain na kayo?

Mga Estudyante: Opo.

Titser: Natitiyak ko’ng hindi masustansya ang kinain niyo kanina. Tama ba ako?

Mga Estudyante: Ahhm… (sabay kamot sa ulo)

Titser: Tamang-tama! Tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa nutrisyon; para sa Science. Sa inyong palagay
mga bata, anu-ano ang mga halimbawa ng mga masusustansyang pagkain? (turo sa isang istudyante) Ikaw
Tomas?

Tomas: Prutas at gulay po ma’am.

Titser: Ba’t niyo naman nasabi iyon?

Tomas: Eeeh, nakalimutan ko po. (kinamot ang ulo) Parang yun ho ang sabi ng nanay ko eh.

Mga Estudyante: WHAHAHAHAHAHAHA! (tumawa ng malakas)

Titser: Shhh.. Tama na iyan mga bata. (tumahimik sila) Totoo ang sinasabi ng nanay ni Tomas, pero mali doon
ay ang paglimot niya sa ganyang bagay. Napakabata niyo para makalimot.

Tessie: Eh kung gulay po ang pinag-uusapan, ano po kaya yung pinakaimportanteng gulay sa lahat?

(nagsimulang mag-isip ang mga bata)

IMAHENASYON

Saging: Magandang umaga mga gulay! Kay ganda ng panahon, hindi ba? Ako ay nagagalak pagka’t kayo ay
nakarating sa ating napakahalagang pagpupulong. Dahil ngayon tayo maghahalal ng gulay na aako sa
responsibilidad ng pagiging hari; gusto ko’ng tawagin ang mga interesadong gulay na isa-isang pumunta sa
entablado upang sabihin ang kanilang mga magagandang katangian. Pagkatapos tayong lahat ay
magsasagawa ng botohan kung sino ang nararapat na tanghaling “hari ng buong kagulayan.”

Karots: (agad na tumayo) Ako ang karapatdapat na maging hari pagkat iyon ang sabi ng mga kaibigang kong
kuneho.

Mga gulay: HAHAHA! (nagtatawanan ang mga gulay)


Saging: Magsitahimik tayong lahat! Pakinggan natin ang pahayag ni Karots.

Karots: Gusto rin ako ng mga bata! Ako’y may napakaganda at nakakaakit na kulay. At ang pinaka-importante
ay mayaman ako sa Bitamina A na nakakapag-linaw ng ating mga mata.

Saging: Salamat Karots. Susunod.

Patatas: (tumayo, pumunta sa harap at padabog na nilagay ang mga kamay sa mesa) Ako ay Patatas! Kilala
niyo na ako! Punong-puno ako ng Carbohydrates. Nakakapag-bigay enerhiya ‘yan sa katawan. Bukod pa doon,
nakukuha ako buong taon.

Broccoli: (dahang-dahang tumayo at payukong humarap sa kapwa gulay) A-ako po ay Brocolli. K-kahit po
kamukha ko ang Cauliflower, a-ako po’y may napakaganda at preskong kulay. S-siguradong magugulat kayo
dahil mas maraming Bitamina C ako kaysa sa citrus, at mas mayamang Calcium kung ikokompara sa gatas.

(nagpalakpakan ang lahat ng gulay)

Saging: Hmmm... Napakahirap. Bawat-isa ay mahalaga. Lahat sila’y nagbibigay lakas at lusog sa katawan.
Talagang napakahirap mamili ng isang gulay na tatanghalin nating hari.

(nag-iisip ang lahat)

SILID-ARALAN

Mga Estudyante: (namangha)

Titser: Mga bata kanina pa ako nagsasalita rito, parang napakalalim ng iniisip niyo.

Mga Estudyante: Aah wala po.

Maria: Naisip lang po namin na wala naman po’ng pinakamagaling, pinakamaganda, o hari ng buong
kagulayan.

Mga Estudyante: HAHAHA!

Titser: Bakit niyo naman nasabi iyon?

Juana: Kasi po dapat hindi po tayo kumain ng iisang gulay lamang.

Pedro: Bawat-isa ay may kanya-kanyang sutstansya at nutrisyon na dapat nating ibalanse.

Lito: At naisip po namin…

Mga Estudyante: Na simula ngayon ay kakain na kami ng masusustansyang pagkain lalo na ang iba’t-ibang
klase ng gulay. Kasi po..

(“Makulay Ang Buhay” ay simulang tumugtog)

You might also like