Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Dana: may kasabihan tayo na Ang pagbibintang mu sa kapwa ng walang sapat na PRUWEBA ay

para kang kumakasa ng baril na walang BALA. Tama nga ba ang mag-akusa ng walang
ebidensya sa sarili nating kapwa? Marahil sa panahon ngayon, mahirap ng magtiwala. Talamak
ang nakawan, holdapan ngunit hindi lahat ng mukhang masama ay masama at hindi lahat ng
mukhang Mabuti ay Mabuti.
May karanasan ka ba na nakapagbintang o dili kaya’y napagbintangan ng di mabuti?

Dana: tunghayan natin ang kwento ni aling marta, isang ina na hanggang san ba siya dadalhin ng
pagaakusa ng maling paratang.

Ivy: O’ (pangalan ng asawa) ikaw na muna bahala sa bahay at ako ay mamimili na ng mga sangkap sa
lulutuin ha? Baka dumating si (pangalan ng anak) kamo ay nagtungo ako sa palengke.
Keach: sya, sige. Ika’y magiingat.

(lumabas na)

Imee: aba, mare. Napakaaga naman ng iyong lakad. Hindi mo na nawalis ang iyong bakuran.
Ivy: nako mare, ang aking dalaga mandin ay magtatapos na. mamimili ako at ipaghahanda ko ng kaunti
upang may mapagsaluhan naman kahit meryenda. Ay mamaya, ikaw ay pumunta sa bahay, isama mo ang
mag-ama mo.
Imee: aba nga naman, nakatapos ka na pala, mare. Mukhang aalwan na lalo ang buhay niyo. Siya mare,
ipagluluto ko muna ng almusal ang anak ko at wari ko ay gising na. congratulations kay Tina ha.
Ivy: siya sige mare. Mauna nako ha. Sa bahay mamaya ha, wag mong kakalimutan.

Dana (Dubbing): Dear, Charo. Ako si Marta. Sa kaawaan ng Diyos ay nakatapos ako ng anak ko sa
kolehiyo, at bilang pasasalamat ay ipaghahanda ko siya ng paborita niya at magiimbita ako ng mga
kaibigan niya. Mamimili ako ng mga sangkap na gagamitin ko sa munti. ng palengke ditto sa amin.
Linggo at siguradong siksikan, malapit nako sa gitnang pasilyo nang banggain ako ng isang humahangos
na batang lalake na kitang kita ang pagka anak mahirap niya dala ang isang bangus

Ivy: Ano ka ba? Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!


Bata: Pasensya na kayo, Ale. Hindi ko ho sinasadya, nagmamadali ho ako e.
Ivy: Pasensya! Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka
ng tao. Umalis ka na sa aking daraanan.
(Gigil)
Ivy: Tumaba yata kayo, Aling Gondang
Leneth: Tila nga ho. Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.
*Natawa at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang
mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala.*
Wala ang kanyang kalupi!
*Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.*
Leneth: Bakit ho?
Ivy: nawawala hoa ng aking pitaka
Leneth: naku ho, ay magkano po ang laman
Ivy: E, sandaan at sampung piso ho.
Dana: Nanatili ako sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang
pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa aking alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Agad
kong hinanap ito at natanaw ko agad ito sa karatig na outpost ng mga pulis
Ivy: Nakita rin kita!
*Ang sabi niyang humihingal.*
: Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!
Bata: Ano hong pitaka? Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.
ivy: Ano wala! Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at wala ng iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano ha? Magaling,
magaling ang sistema ninyong iyan! Kikita nga kayo rito sa palengke!
ivy: Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako. Nang magbabayad ako ng pinamimili ko’t
kapain ang bulsa ko e wala nang laman!
kiah: Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo. Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglilipanang batang gaya niyan.

ivy: Tena. Sumama ka sa akin.


Bata: Bakit ho, saan ninyo ako dadalin?
ivy: Saan sa akala mo? Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.
Dana: Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at
nang ito ay malapit na ay sinimulan ko ang pagsusumbong.
Ivy: Nasiguro ko hong siya dahil nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa.
Hindi ko lang ho naino kaagad pagkat ako’y nagmamadali.
*Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang nagmamapa sa duming katawan, pagkatapos
ay patiyad na naupo sa harap ng nito at sinimulang mangapkap.*
clyde: Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka?
Ivy: Siya ho at wala ng iba.
clyde:Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito? Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.
Bata: Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya. Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan e wala kayong
makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.
ivy: Maski kapkapan! Ano pa ang kakapkapin naming sa iyo kung ang pitaka ko e naipasa mo na sa kapwa mo
mandurukot! O, ano, hindi ba ganon kayong mga tekas kung lumakad…dala-dalawa, tatlu-talto! Ku, ang mabuti ho
yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matulong matakot iyan at magsabi ng totoo.
clyde: Hindi ho natin karakarakang madadala ito ng walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkakaroon
tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?
Ivy: E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo? Sinabi nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang kanyang
kamay sa aking bulsa. Ano pa?
clydes: Ano ang pangalan mo?
Bata: Andres Reyes po.
Clyde: Saan ka nakatira? Wala ho kaming bahay.
Bata: Ang tatay ko ho e may sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt,
kung minsan naman ho e sa mga tiyo ko sa Kiyapo at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo.
Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam para Mamayang tanghali.
Clyde: Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?
Bata: Oho, pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat
at saka hindi ho ako marunong bumasa e.
*Nakaramdam siya ng pagkainis. [Aling Marta]
ivy: Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin. Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito at wala
namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.
Clyde: Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad, e. Buweno, kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati
kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon ninyo gawin ang gusto ninyong
gawin.
*Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiyak na si Aling Marta.*
---------------------------------------------------------------------------------
Clyde: Maghintay kayo rito sa sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili.
*umalis*
Dana: *Naalala ko ang aking anak na dalagang magtatapos, ang aking asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay;
at para kong narinig ang sasabihin nito kung ako’y darating na walang dalang ano man, walang dala at walang pera.
Nagsiklab ang poot sa akin na kanina pa nagpupuyos sa aking dibdib; may kung anong sumalak sa aking ulo; mandi’y
gagahanip ang tingin ko sa batang kaharap. Hinawakan ko ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng aking paningin ay
pabalingat kong pinilit sa likod nito.*
Ivy: Tinamaan ka ng lintek na bata ka! Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng
ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?
*Napahiyaw ang bata sa sakit*
*Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay
at nang mailapit sa kanyang bibig ay buong panggigil na kinagat.*
Dana : Hindi niya gustong tumakbo, humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo,
patungo sa ibayo nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat mula
sa akin habang hinahabol ko ang bata, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng
umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Hindi ako napaimik habang
minamasdan ang bata.* *Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga
mata ay ipinako sa maputla kong mukha
Bata: Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin. Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.
Dana:*Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing.
Patay na, naisaloob ko sa aking sarili.*
Clyde: Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo. Siguro’y matutuwa na kayo niyan.
Ivy: Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?
Clyde: Wala naman, sa palagay ko. Kung me mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin
kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.
Ivy: Makakaalis na po ako?
Clyde: Maaari na. Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at direksyon ng inyong bahay
upang kung mangangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan naming kayo ng ulat.
Dana: Ibinigay ko ang aking tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa karamihan. Para akong
nanghihina at magulong-magulo ang aking isip.*
---------------------------------------------------------------------------------
ivy: Kung hindi sa Tinamaan ng lintek na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito [*usal niya sa sarili.*] Kasi imbis,
walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya!
*Tanghali na nang ako ay umuwi. Sa daan pa lamang bago ako pumasok sa tarangkahan, ay natanaw ko na ang aking
dalaga na nakapamintana sa aming barung-barong. Nakangiti ito at ako ay minamasdan, ngunit nang malapit na ako
at nakita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng kabuhayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na
mukha ng aking asawa.*
tine: Saan ka kumuhang ipinamili mo niyan, Nanay?
ivy: E…e. Saan pa kundi sa aking pitaka.
*Nagkatinginan ang mag-ama.*
keach: Ngunit, Marta. Ang pitaka mo e Naiwan mo! Kaninang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong
bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng
ipinamili mo niyan?
Dana: Nagbalik saking gunita ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at
para kong narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito; Saglit akong natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para
akong pinanganga-pusan ng hininga at sa palagay ko ay umiikot ang buong paligid; at bago ako tuluyang mawalan ng
ulirat ay wala akong narinig kundi ang papanaog na yabag ng aking asawa’t anak, at ang papaliit na lumalabong
salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?*
Dana: sa mundong ito, madali na satin ang mambintang ng tao na akala natin ay masama hindi porket siya ay
madungis, pakalat kalat sa kalye at mahirap ay isa na siyang masamang nilalang. Hindi natin alam kung hanggang
saan ba aabot ang mga maling paratang natin sa ating kapwa. Pinapangunahan ng galit ang ating isipan sa halip na
intindihin ang kanilang mga paliwanag. Ang lahat ay may kalayaang maipagtanggol ang kanilang sarili kaya’t huwag
nating kalimutan na nararapat din silang paglaanan ng simpleng pakikinig at pagunawa. May karanasan ka ba na
nakapagbintang o dili kaya’y napagbintangan ng di mabuti? Huwag tayong magpapakain sa mabilis
na pagatake ng ating emosyon at mas piliin pa ring umintindi.

You might also like