Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

Aborsyon
Ang aborsyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus
o sanggol sa sinapupunan ng ina.

II. Mga Salik na Nakaaapekto sa Aborsyon


Ang takot, kahihiyan, at kasalanan ay ang ilan sa mga
salik na nakaaapekto sa aborsyon. Maraming kaso ng aborsyon sa
mga batang ina. Dala ng kanilang pagrerebelde at pagiging
agresibo ang kanilang maagang pagbubuntis. Takot, dahil takot
silang harapin ang isang mabigat na responsibilidad a isang mabilis
at epektibong paraan upang takasan ito ay ang aborsyon. Kapag
nabuntis ang isang babae ng wala pa sa wastong gulang ay
napakalaking kahihiyan para sa buong pamilya. Sa kasalukuyan ay
dala pa rin nating mga Pilipino ang kaugaliang pagiging
konserbatibo kaya naman isang babaeng makasalanan ang tingin
sa babaeng maagang nabuntis. Itinuturing rin ang maagang
pagbubuntis na kasalanan na dulot ng masamang pangyayari o
pang-aabuso. Hindi agad-agad na matatanggap ng isang pamilya
ang sanggol na bunga ng kasalanan at maaaring hindi kayanin ng
ksang batang ina na makapiling ang batang magpapaalala sa
kanya ng kanyang malupit na karanasan.
III. Dalawang Uri ng Aborsyon
Kusa o Miscarriage at Sapilitan o Induced. Ang kusang
aborsyon ay ang pagkawala ng sanggol bago ang ika-20
linggo ng pagbubuntis. Ang kuaang aborsyon ay tumutukoy sa
natural na pangyayari at hindi ginagamitan ng medikal o
artipisyal na pamamaraan. Ang sapilitang aborsyon naman ay
ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang
sanggol, sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng
mga gamot.
IV. Solusyon sa Aborsyon
Ang pag gamit ng mga kontraseptibo ay hindi
nangangahulugang solusyon sa aborsyon ngunit ito ay
naglalayong maiwasan ang mga kaso ng aborsyon na dulot
ng hindi planadong pagbubuntis.
Mga Detalye:

Isa sa mga pinakamahahalagang isyu sa buhay ay ang aborsiyon. Ang isyung


ito ay may mahabang kasaysayan at mabigat pa ring pinag-uusapan ng mga
mananaliksik at ng publiko – higit lalo sa pagiging moral at legal nito. Ano ba
ang aborsiyon? Bakit ito itinuturing na isyu sa buhay? Ang aborsiyon o
pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Sa
ilang mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang lehitimong paraan
upang kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa
Pilipinas, itinuturing itong isang krimen. (Agapay, 2007).

Bakit nga ba kailangan pang magresulta sa aborsyon ang ilang mga kaso
ng pagbubuntis? Una na marahil sa mga dahilang ito ay ang maagang
pagdadalang-tao ng mga ina. Ganunpama’y may kanya-kanyang dahilan
ang mga ito kung bakit nila naiisipan at napagdedesisyunang kitlin ang buhay
ng kanilang hindi pa naisisilang na sanggol.

Takot.

Dala marahil ng kapusukan kaya’t humantong ang mga batang ina sa kanilang
sitwasyon. Karaniwang rebelde, mapageksperimento at agresibo ang mga
kabataan sa kasalukuyan. Ilan ito sa mga nagiging dahilan ng maagang
pagbubuntis ng marami. Ngunit kapag humantong na sila sa ganitong
sitwasyon, takot na ang namamayani.

Huli na para magsisi. Sa isang iglap ay sinampal na ng tadhana sa kanilang


mga mukha ang isang mabigat na responsibilidad na dapat harapin. Hindi ito
madali lalo na para sa mura nilang kaisipan. Isang mabilis at epektibong
paraan upang takasan ito ay aborsyon.

Kahihiyan.

Sa lipunang ating kinabibilangan, isang malaking kahihiyan hindi lamang sa ina


kundi sa kanyang buong pamilya ang magdalang-tao ng wala pa sa wastong
gulang. Bagama’t dumarami na ang mga ganitong kaso sa kasalukuyan, ang
kaugaliang pagiging konserbatibo sa ating mga Pilipino ay hindi pa rin
nawawala. Isang makasalanang babae ang tingin sa babaeng nabuntis
habang bata pa siya. Dadalhin niya ang ganitong pagtingin ng kanyang
lipunan hanggang kamatayan.

Kasalanan.
Sa ibang pagkakataon nama’y dulot ng masamang pangyayari o pang-
aabuso ang dahilan ng pagbubuntis ng batang ina. Paano nga ba
matatanggap ng kanyang pamilya at lipunan ang sanggol na bunga ng isang
kasalanan? Kakayanin nga ba ng isang batang ina ang makapiling
habambuhay ang isang batang paulit-ulit lamang na makapagpapaalala sa
kanya ng kanyang malupit na karanasan?

Anu’t ano pa man ang mga kadahilanan, marapat sana nating lahat na
alalahanin ang mga turo ng simbahan at paaralan. Ang sanggol na nabuo sa
sinapupunan ng isang babae, ito man ay dulot ng pagiging mapusok o ng
makamundong kasalanan ay inosente at walang kalaban-laban. Maaaring
maging delikado hindi lamang ang buhay ng saggol ngunit maging ang inang
gustong magpalaglag. Kung ang desisyong pagaaborsyon ay ginagawa para
lamang sa sariling kagustuhan o upang matakpan ang dungis ng kahihiyang
idudulot nito, hindi ito sapat upang may isang batang magbuwis ng sariling
buhay.

Ang dalawang uri ng aborsiyon:

1. Kusa (Miscarriage). Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20
linggo ng pagbubuntis. Ito ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari, at hindi
ginamitan ng medikal o artipisyal na pamamaraan.

2. Sapilitan (Induced). Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis


ng isang sanggol, sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga
gamot.

Paano maiiwasan ang Aborsyon?

Ang pag gamit ng kontraseptibo ay hindi nangangahulugan ng abkorsyon. Ito


ay naglalayong maiwasan ang mga kaso ng aborsyon na dulot ng hindi
planadong pagbubuntis. Lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung
gagamitin ng maayos. Kinakailangan lamang na mamili ang mag-asawa ng
pamamaraang angkop sa kanila, alinsunod sa kanilang kalusugan at nais na
bilang ng mga anak.
Mga Sanggunian:

Agapay, Ramon B. (2007) Ethics and the Filipino.: A Manual on Morals for
Students and Educators. Mandaluyong City: National Bookstore Inc.

De Torre, Joseph M. et al. (1992) Perspective: Current Issues in Values Education


Book 4 (Values Education Series) Manila: Sinagtala Publishers Inc.

Pojman, Louis P. (1990) Life and Death: Grappling with the Moral Dillemas of our
Time (Second Edition) Canada: Wadsworth Publishing Company Publishers, Inc.

Mula sa Internet:

Arguments For ang Against Abortion: 2013 Retrieved October 27, 2014 from
http://www.soc.ucsb.edu/sexinfo/article/arguments-and-againstabortion

Irving, Dianne N. (2000) Abortion: Correct Application of Natural Law Theory


Retrieved October 27, 2014 from
http://www.lifeissues.net/writers/irv/irv_08natlaw.html

Paano maiiwasan o malulunasan ang aborsyon? Retrieved December 6, 2018


from
http://www.answers.com/Q/Pano_malulunasan_o_maiiwasan_ang_aborsyon

Garcia, Eunice C. (2010, November 25) ABORSYON (takot. kahihiyan. kasalanan)


Retrieved December 6, 2018 from
https://www.google.com/amp/s/theteenagemom.wordpress.com/2010/11/25/
aborsyon-takot-kahihiyan-
kasalanan/amp/#ampshare=https://theteenagemom.wordpress.com/2010/11/
25/aborsyon-takot-kahihiyan-kasalanan/

You might also like