Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kuwento ng katatawanan- ito ay ang uri ng maikling kwento na ang layunin ay mapasaya,mapatawa at

maaliw ang mga mangbabasa.

Kuwento ng pantasya - ito ay isang uri ng maikling kwento na patungkol sa mga mahika ngunit wala
namang batayang maka agham.

Kuwento ng misteryo - uri ng maikling kwento na patungkol sa isang krimen,na sa paunang paglalahad
ay walang palatandaan o pagkakakilanlan sa kriminal,ngunit ang kwento ay uusad pabalik at dito
makikita ang palatandaan tungo sa paglutas ng krimen.

Kuwento ng Suspense- kasalungat ng kwento ng misteryo sa kwento ng suspense sa simula palang ng


kwentong ito ay alam na ang salarin. Uusad ang kwento kung saan magkakaroon ng tunggalian. At sa
katapusan ng kwento ay maghaharapang bida at ang kontrabida.

Kuwento ng Pag-ibig - ito ang uri ng maikling kwento na umiikot ang mga pangyayari tungkol sa pag-
iibigan ng dalawang tao.

Kwentong bayan - dito naman ay inilalahad ang mga kwentong pinag- uusapan sa kasalukuyan ng isang
bayan.

Kwento ng katutubong kulay - dito sa uri ng kwentong ito ay binibigyang diin naman ang kapaligiran,ang
mga pananamit ng mga tauhan maging ang uri ng kanilang pamumuhay at hanapbuhay

Kwento ng tauhan - sa kwentong ito naman ay binigyang diin ang pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang napapaloob sa kwento,o nagsisiganap,upang maunawaan sila ng mga mangabasa.

Kwento ng Sikolohika- sa uri ng maikling kwento ay ito ang pinakamahirap isulat,kung kaya bibihira
lamang na ito ay isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Sa kwentong ito ay
ipinadarama sa mga mangbabasa ang damdamin ng isang tao sa mga pangyayari at kalagayan ng
tauhan.

Ang Maikling Kwento ay may mga Elemento tunghayan ang mga sumusunod

Panimula

Saglit na kasiglahan

Suliranin

Tunggalian

Kasukdulan

Kakalasan

WakasTagpuan
Paksang diwa

Kaisipan

Banghay

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/13008#readmore

You might also like