Walang Hapag Kainan Dito Sa Pilipinas Ang Hindi Naghahain NG Kanin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Rice Tarrification Law

ni Zoe Vera S. Acain

Pilipinas, pag dating sa kainan hindi papaawat ang mga Pilipino. Sadyang natural na sa atin
ang pagiging palakain mapafiesta man o birthdayan. Ngunit may napapansin ba kayong kaisa-
isang bagay na hindi nawawala sa hapag kainan? Hulaan niyo nga hindi mabubuo ang tapsilog
kung wala ito? Tama, kanin ito. Nakasanayan na natin itong ipartner sa kahit anong putaheng
nakalapag sa ating hapag kainan. Mapamayaman man o mahirap ito ay ating hahahanap hanapin.
At sa sobrang pagmamahal ng mga Pilipino sa kanin o bigas bahagi na ito ng ating pagiging
Pilipino.
Dahil din sa sobrang pagmamahal ng mga Pilipino sa kanin, isa ang bansang Pilipinas sa
may pinakmataas na produksiyon nag bigas at siya ding nagapapadala sa ibang bansa noong 70s
at 80s. Ngunit dahil sa patuloy na mabilis na paglaki ng ating populasyon at sa pagbaba ng mga
Pilipino na nais magsaka, tayo na ngayon ang nag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa tulad ng
Thailand at Vietnam. Dahil narin sa mababang suplay ng bigas, patuloy na tumataas ang presyo
nito sa ating merkado. Sa kabila ng mga suliraning ito, hinahanap-hanap parin ng mga Pilipino ang
bigas.
Upang masugpo ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, ipinasa noong Pebrero nitong
taon ang Republic Act No. 11203 or mas kilala bilang Rice Tarrification Law. Naglalayon ang
batas na ito na pababain ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagtanggal ng limitasyon ng
inaangkat na bigas. Dahil dito unlimited na ang bigas na maaaring kunin sa ibang bansa at dahil
mas mura ang bigas na ito mas nais itong bilhin ng mga mamimiling pilipino. Subalit upang
maging competitive sa mga imported na bigas, binaba ng mga nagtitinda ng bigas ang lokal na
bigas na dahilan naman ng pagbaba ng palay. Oo, nahinuha ng mga mambabatas na bumuo ng
batas na ito na maaapektuhan nito ang mga lokal na magsasaka kaya naman nakapalob sa nasabing
batas ang Rice Competitive Enhancement Fund o ‘Rice Fund’. Ang Rice Fund ay mula sa mga
naipon na taripa sa mga inangkat na bigas mula sa ibang bansa at ito ai ipapamahagi sa mga lokal
na magsasaka at research something. Ngunit sapat ba na compensation ang Rice Fund para sa mga
magsasaka? Hindi. Ayon sa mga datos na aking nakalap, mas mataas pa ang nalugi ng mga
magsasaking Pilipino kesa sa financial asstance na pinagkaloob ng gobyerno. Sabi nga nila,
Republic Act no. 11203 Rice Tarrification Law, mas masahol pa ang dagok na idinulot nito sa
sektor ng magsasaka at sa buong bansa kaysa sa idinulot ng bagyong Ompong.
Bilang isang anak ng magsasaka, malapit ang isyu na ito sa aking puso. Nararamadaman
ko ang hirap, lungkot, at galit na nadarama ng libo-libong magsasakang Pilipino. Sabi ng ating
gobyerno, masyado pa daw maaga upang husgahan ang nasabing batas. Ngunit para sakin, kitang-
kita na ang epekto nito sa ating bansa at sa ating mamamayan. Para sa akin, isinantabi at binabaan
ng batas na ito ang halaga ng mga magsasakang Pilipino na isa sa mga pinakamahalangang tao na
bumubuhay sa ating bansa at sa ating pagka-Pilipino.

You might also like