Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Filipino – Filipino sa Piling Larang

Manwal

Layunin - Natutukoy ang mga batayang kaalaman sa pagsusulat ng manwal.

-isang babasahing karaniwang naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa, maaaring
tumalakay sa mga tuntunin ng isang kompanya o organisasyon at gayundin ng mga paraan o proseso na
may kinalaman sa paggawa, pagsasaayos o pagpapagana ng isang bagay o produkto.

PINAKAKARANIWANG URI NG MANWAL

1. Instruction manual o user guide manual o owner’s manual.


2. Employees manual

1. Instruction manual o user guide manual o owner’s manual ( Manwal ng Produkto )

-isang manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang produktong binibili o binubuo bago
gamitin. Ilang halimbawa ng mga produktong ito ay mga gamit sa bahay tulad ng mga appliances,
kasangkapan, mga gadget at iba pang elektronikong equipment na nangangailangan ng paggabay para
sa mga gagamit ng mga iyon.

Mga Uri ng Instructional Manual

a. MANWAL NG PAGGAMIT b. MANWAL NG INSTALASYON c. MANWAL NG OPERASYON

Employees manual

- ang mga itinakda para sa mga empleyado ng isang kompanya upang makapaglahad ng mga
kalakaran, alituntunin at iba pang prosesong mahalaga sa kompanya.
- Ilang halimbawa nito ay ang mga ipinabasa sa klase gayundin ang katulad ng faculty manual o
students’ manual.

Liham Pangnegosyo

Pinanggagamitan ang liham pangnegosyo sa;

1. Paghahanap ng trabaho
2. Paghihingi ng impormasyon
3. Pagtugon sa pagtatanong o paglilinaw
4. Promosyon ng mga binebenta o serbisyo
5. Pagrehistro ng mga plano
6. Pagbibigay ng mga tulong para sa mga pag-sasaayos ng mga patakaran o sitwasyon.

Mga Bahagi ng LIham

1. Pamuhatan- “buhat” pinagmulan, nagtataglay ng adres ng nagpapadala ng liham na nasa


kadalasang 2-3 linya lamang.
2. Patunguhan - “tungo” ang pupuntahan, patutunguhan o padadalhan ng liham
3. Bating Pambungad- Laging nagtatapos sa tutuldok ( : ) , hindi sa kuwit ( , )
4. Katawan – Binubuo ng mga talata sa unahan, gitna at hulihan
5. Pamitagang Pangwakas - Isa itong maikling pagbati ng na nagpapahayag ng paggalang at
pamamaalam.
6. Lagda- Kadalasang kasama rito ang panggitnang inisyal ng pangalan, bagaman hindi naman
lagging kinakailangan.

Flyers/Leaflets

Mga Katangian

1. Tiyak at direkta
2. Hindi maligoy
3. May katanungan at kasagutan
4. May biswal na katangian
5. Makulay
6. May kontak at logo
7. May mapaglarong salita

Deskripson ng produkto

- ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang
negosyo.

Kahalagahan ng Deskripsiyon ng Produkto

1. Upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga


a. benepisyo,
b. katangian
c. gamit
d. estilo
e. presyo

2. Mahalaga rin ang deskripsiyon ng produkto upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay
akma sa kanilang mga pangangailangan.

3. Mahalaga sa larangan ng kalakalan o negosyo dahil sa napakalas ang kompetensiya ng iba’t ibang
kompanya.

4. Hindi lamang boutique o mga pisikal na estruktura ng mga tindahan ang gumagawa ng mga
deskripsyon ng produkto na dati inilalagay sa mga magazin. Laganap na rin ang mga online store na
totoong may mas mahigpit na kompetensiyon dahil sa malawak ang maaring marating ng produkto at
mas maraming potensiyal na kliyente.

5. Karaniwan ang deskripsiyon ng produkto ay isang maikling talata lamang.

6. Maaring gumamit ng bulleted lists sa pagsulat ng deskripsiyon sa produkto lalo na kung sa online
stores.

Feasibility Study

- Nakatutulongitoupangmatiyak angposibilidadna maisakatuparanangisangplanong gawain.


Katangian at Kalikasan

1. Komprehensibo
2. May mga espesipikong bahagi
3. Kalimitan itong ginagamit sapagnenegosyo o kaya’y sa mga pananaliksik
4. Detalyado ang pagtalakay samga impormasyong nilalaman ng isang feasibility study.
5. Nilalakipan ng mga apendise ang ganitong sulatin.

Bahagi ng Feasibility Study

1. PangkalahatangLagom/Executive Summary
2. Paglalarawan ng Produkto at /o Serbisyo
3. Kakailanganging Teknikal na Kagamitan
4. Marketplace
5. Estratehiya sa Pagbebenta
6. Mga Taong may Gampanin sa Produkto at/o Serbisyo
7. Iskedyul
8. Projection sa Pananalapi at Kita
9. Rekomendasyon

You might also like