Invitation Sa Guro

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

_____________________________

Punong-Guro
_____________________________
Ika-05 ng Setyembre, 2019

Mahal na ______________________:

Isang Mapagpala at Makasaysayang Araw Po!

Ang Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan (SAMPAKA) ay kalipunan ng mga maalam at ng mga may
masidhing makaalam sa Sining at Kulturang bahagi ng Kasaysayan. Layunin nitong maikintal sa diwa at
puso ng mga kabataan ang kahalagahan ng pagkakaugnay ng kahapon, ng ngayon sa kaunlaran ng
kinabukasan na nakasalig sa pagmamahal sa bayan.

Ang SAMPAKA ay nagkakaroon ng taunang Lektura at Panayam at sa taong ito ay gaganapin sa Ika-13, 14
at 15 ng Setyempre, 2019 sa Pambayang Tanghalan (Victory Coliseum, Sampaloc, San Rafael, Bulacan) at
may Temang “ TULA NOON, HUGOT NGAYON”

Sa diwa pong ito , Ang mga guro po higit ang mga guro ng Araling Panlipunan at Filipino ay inaanyayahan
po naming dumalo sa Pambansang Kumperensyang ito.

May Walondaang Piso (P800.00) po na gastusin kasama po ang “membership fee”ang Sertipiko, Aklat na
pang-alaala at pagkain sa tatlong araw.

Maraming Salamat at inaasahan po naming ang positibo ninyong tugon hinggil dito.

Gumagalang,

ISABELO M. SANTOS
Pangulo

DR. SYLVIA TOMAS JOAQUIN


Pangkalahatang Tagapamatnubay

Prof. JAIME B. VENERACION


Tagapayo

You might also like