Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

John Ruben G.

Bartolome 3rd September 6, 2019


2nd year ABEL – A Score:

1. Sawikaan
- Ang Sawikaan ay isang mahalagang proyektong nagtatampok sa pamimili ng
pinakamahahalagang salita na namayani sa diskurso ng mga Filipino sa nakalipas na
taon. Ilan sa mga itinanghal nang Salita ng Taon ay ang canvass (2004), jueteng/huweteng
(2005), lobat (2006), miskol (2007), jejemon (2010), at wangwang (2012). Para sa darating
na Sawikaan 2014, napiling nominado ang mga salitang “bossing,” “Filipinas,” “hashtag,”
“imba,” “kalakal,” “endo,” “PDAF,” “selfie,” “whistle blower,” “storm surge,” “riding-in-
tandem,” “CCTV,” at “peg.” Mga salita itong dulot ng nauusong laro at teknolohiya; naging
laman ng telebisyon, mga social network, at balita; o iniluwal ng sumabog na kontrobersiya
sa politika at matinding kalamidad. Saksihan kung paano ito bibigyang pakahulugan at
ipagtatanggol ng mga kalahok para maging Salita ng Taon 2014! Naniniwala ang FIT na
ang proyektong ito ay isang malikhain at mabisang estratehiya para mapatampok ang
dinamismo ng wikang Filipino.
- Bukod sa pagpili ng salita ng taon, may inimbitahan ding mga respetadong edukador,
administrador, at iskolar sa wika na magbibigay ng panayam hinggil sa napapanahong
isyung pangwika. Sa taong ito, tema ng kumperensiya ang “Wika ng Kahandaan,
Kahandaan sa Wika,” na nakatuon sa gamit ng wika sa iba-ibang larang ng buhay tulad
ng edukasyon, kalamidad, at social media. Magkakaroon din ng pakitang-turo na
inaasahang makapagbibigay ng mungkahing paraan ng inter-aktibong pagtuturo ngayon
sa wika na angkop sa implementasyon ng K to 12 ng DepEd. Sa huli, magkakaroon din
ng Workshop upang mailatag ng mga guro ang kanilang mga pangangailangan, sariling
ebalwasyon, at pangangailangan sa pagtuturo na maaaring irekomenda sa DepEd para
matugunan nila sa lalong madaling panahon bilang paghahanda sa nalalapit na
implementasyon ng programang K-12 sa mga susunod na taon.
2. 10 (sampong) na salita na nanalo sa sawikaan 2014 at 2016
- Fotobam (nanalo) bully, foundling, hugot, lumad, milenyal, meme, netizen, tukod,
viral.
3. Sino ang mga sumali
- Fotobam – na ipinasa ni Michael Charleston Chua, bully - ipinasa ni Ronel Laranjo,
foundling - ipinasa ni Christine Marie Magpile, hugot - ipinasa ni Junilo Espiritu,
lumad - ipinasa ni Father Albert Alejo, SJ, milenyal - ipinasa ni Jayson Petras,
meme - ipinasa ni Gerard Concepcion, netizen - ipinasa ni Xavier Roel Alvaran,
tukod - ipinasa ni Schedar Jocson, viral - ipinasa ni Joselito delos Reyes.
4. ano ang fotobam at endo
- ang 'fotobam,' pandiwa na ang ibig sabihin ay sirain ang eksena sa pamamagitan
ng pagsingit sa kuwadro ng kamera habang may kinukunan ng retrato

- Ang endo ay isang Filipino slang na ang ibig sabihin ay "end of contract."
- Mandated ang mga kumpanya sa bansa na gawing regular ang mga empleyado after six
months na pagta-trabaho. Para iwasan ito, may mga kumpanya na magha-hire ng mga
manggagawa for five months only at tatapusin ang contract kaagad para maiwasan na sila
ay gawing mga regular na empleyado.

You might also like