Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

JOHN B. LACSON COLLEGES FOUNDATION (BACOLOD), INC.

Formerly Iloilo Maritime Academy


Alijis, Bacolod City

BASIC EDUCATION DEPARTMENT

FILIPINO 9
Taong Panuruan: 2018-2019 Markahan: 3rd

Paksa Epiko

Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa


Pangnilalaman: at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Kanlurang Asya
Masining na naitatanghal ng mag-aaral ang kulturang
Pamantayan sa Pagganap:
Asyano na sumasalamin sa iba pang akda.
Kasanayang Ang mga mag-aaral ng ikasiyam na baitang ay
Pampagkatuto: inaaahang:
 Pag-unawa sa Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang
Napakinggan pangyayaring napakinggan
(F9PN-IIIg-h-54)
 Pag-unawa sa Binasa Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na
masasalamin sa epiko (F9PB-IIIg-h-54)
 Paglinang ng Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa
Talasalitaan kontekstong pinaggamitan (F9PT-IIIg-h-54)
 Panonood Naipakikita sa iba’t ibang larawang-guhit ang kakaibang
katangian ng epiko batay sa mga pangyayari at
tunggaliang naganap dito (F9PD-IIIg-h-53)
 Pagsasalita Natutukoy at nabibigyang-katangian ang isa sa mga
itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya
(F9PS-IIIg-h-56)
 Pagsulat Naitatanghal sa anyo ng informance ang isang itinuturing na
bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya sa
kasalukuyan (F9PS-IIIg-h-56)
 Gramatika/Retorika Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng
kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya
(F9PS-IIIg-h-56)
 Estratihiya sa Nasasaliksik sa iba’t ibang reperensiya ang kinakailangang
Pananaliksik mga impormasyon/datos (F9EP-IIIg-h-21)

Oras 8 na oras

1
Panimulang Pagtataya (20 min)
GAWAIN 3.5.1. Superhero!
Layunin:
1. Nakikilala ang mga superhero na nasa ilustrasyon at natutukoy ang
katangian na nagustuhan sa mga ito. (F9PB-IIIg-h-54)
2. Nakapagdidikit ng larawan na itinuturing mong superhero sa espasyo
at naipapaliwanag kung bakit siya ang napili mo. (F9PB-IIIg-h-54)
Pagtuklas (40 min)
GAWAIN 3.5.2-Pagbasa ng Epiko
Layunin:
1. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa
epiko (F9PB-IIIg-h-54)
GAWAIN 3.5.3- Bigyan-kahulugan
Layunin:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong
pinaggamitan (F9PT-IIIg-h-54)
Paglinang (180 minuto)
Gawain 3.5.4. Pagtatalakay (20 minuto)
Layunin:
1. Nakikilala ang mga tauhan sa binasang epiko at ang papel na
kanilang ginagampanan sa pamamagitan ng isang graphic
organizer(F9PS-IIIg-h-56)
Gawain 3.5.5. Naisasalaysay ang mga nagging karanasan nina Gilgamesh at
Enkido sa pakikipagsapalaran ayon sa pakikipagsapalaran ayon sa ikalimang
tablet sa pamamagitan ng isang grapikong representasyon(40 minuto)
Layunin:
1. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin
sa epiko (F9PB-IIIg-h-54)
Gawain 3.5.6. Iguhit mo! Ipapaliwanag ko!(60 minuto)
Layunin:
1. Nakaguguhit ng sariling paglalarawan sa itsura nina Gilgamesh at
ni Enkido gamit ang graphic organizer. (F9PB-IIIg-h-54)
2. Naipakikita sa iba’t ibang larawang-guhit ang kakaibang
katangian ng epiko batay sa mga pangyayari at tunggaliang
naganap dito (F9PD-IIIg-h-53)
Gawain 3.5.7. Repleksyon at Salamin, Ating Saliksikin!(60 minuto)
.Pagpapahalaga sa akda
1. Paano nagkakatulad ang epiko ng mga bansa sa Silangang Asya?
2. Masasalamin ba sa epiko ang pilosopiya ng India?
Layunin:
1. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa
epiko (F9PB-IIIg-h-54)
2. Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang
Asyano at bayani ng Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56)
Pagpapalalim/Paglilimi (120 minuto)
Gawain 3.5.8. Pagbasa ng buod ng Epikong Ibalon (60 minuto)
Pangkatang Gawain: Magpangkat-pangkat sa lima . Magsagawang diyalogo
tungkol sa ilang pangyayari sa seleksiyon. Sa mga tagapakinig bigyang hinuha ang
maaaring mangyari pahkatapos marinig ang bawat diyalogo.
Layunin:
1. Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang
pangyayaring napakinggan (F9PN-IIIg-h-54)
2. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa
epiko (F9PB-IIIg-h-54)
Gawain 3.5.9. Magsaliksik tayo!
Magsaliksik tungkol sa pamamahala at saklaw ng kapangyarihan ng mga
pinuno ng Iraq.Iugnay ang nasaliksik sa tinalakay na epiko.
Layunin:
1. Nasasaliksik sa iba’t ibang reperensiya ang kinakailangang mga
impormasyon/datos (F9EP-IIIg-h-21)
2. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa
epiko (F9PB-IIIg-h-54)

Paglilipat/Paglalapat(60 min)
Ipagawa ang informance sa mga mag-aaral:
Pipili sila ng isang tauhan sa epiko na inyong nabasa.Saliksikin ang
kanyang kasuotan at sikaping makakuha nito. Alamin din ang pakikipagsapalaran ng
kaniyang pinagdaanan at pinagwagihan sapagkat sasabihin ninyo ito sa inyong
pagtatanghal. Magkakaroon sila ng pagtatanghal ng mga kasuotan ng bayani sa
epiko.(Epic Costume Parade). Maaari rin na improvised ang material na kanilang
gagamitin.
Layunin:
1. Naitatanghal sa anyo ng informance ang isang itinuturing na
bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya sa kasalukuyan
(F9PS-IIIg-h-56)
2. Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng
kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56)
3. Nasasaliksik sa iba’t ibang reperensiya ang kinakailangang mga
impormasyon/datos (F9EP-IIIg-h-21)
Post Assessment (60 min)
Isang 40 aytem na Maikling Pagsusulit
Layunin:
1. Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang
Asyano at bayani ng Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56)
2. Natutukoy at nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na
bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56)
3. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong
pinaggamitan (F9PT-IIIg-h-54)

You might also like