Professional Documents
Culture Documents
Albert Module
Albert Module
INTRODUCTION (PANIMULA)
Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa katunayan,
malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan.
Ito rin ang humuhubog at patuloy na humuhubog sa pag unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura
ng tao.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang panahon
hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar kung saan nanirahan ang mga
sinaunang tao ang humuhubog sa kanilang pamumuhay. Bagamat hindi maitatangging nagdulot din
ang heograpiya ng mapang hamong sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang
naging epekto nito sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong tao tao
hanggang sa tuluyang pagkakamit ng maunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan.
Nagmula ang salitang heograpiya sa salitang Greek na geo o daigdig at graphia o paglalarawan.
Samaktuwid ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
----------3. Ito ay nasa Greenwich England na itinalaga bilang zero degree longitude.
----------6. Binubuo ito ng walong planeta na may bituin na ang tawag ay araw.
----------7. Ito ay bahagi ng daigdig na matigas at mabatong bahagi na may kapal na 30-65 km palalim
----------10. Ito ay ang malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon.
PAUNLARIN
Matapos ang pagbabalik tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa daigdig, sisimulan dito ang
pagtatalaakay sa konsepto at klasipikasyon ng heograpiya bilang asignatura. Bukod dito tatalakayin
ang katangiang heograpikal ng daigdigbilang planeta at tirahan ng lahat na organism, kabilang ang tao.
Sasagutan mo din mga mapaghamong gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong kaalaman
tungkol sa heograpiya ng daigdig.
a) Lokasyong absolute
Ito ay ang pag-gamit ng mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line na
bumubuo sa grid. Ang pag kukrus ng dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong
kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig.
b) Relatibong lokasyon
Ang batayan ay ang mga lugar at bagay na nasa paligid nito. Halimbawa ay ang mga anyong
lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng tao.
LUGAR- tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook, at ito ay may dalawang
pamamaraan sa pagtukoy:
b) Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao,
kultura at mga sistemang political.
PAGGALAW- ito ang paglipat ng tao mula sa nakagisnang lugar patungo sa ibang ligar, kabilang
din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan. May taalong
distansya ang isang lugar:
1. Bakit mag kakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pagaaral ng katangiang pisikal ng
bansa?
2. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng bansa?
Pagkaraang matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod na tatalakayin ang
katangiang pisikal ng daigdig, sa paksang ito higit na mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang
nag-iisang planeta sa solar system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organism,
simulan mo na!
Isa lang ang daigdig sa walong planetang umiinog sa sa isang malaking bituin, ang araw.
Binubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig-halaman-hayop-, at
tao ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayon halos lahat sa kalikasan at kapaligiran –mula sa
hangin, alon, ulan, klima at panahon- ay naaapektohan ng araw. Mahalaga rin ang sinag ng araw sa
mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala ang mga halamang ito ay
nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay
masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag inog nito sa sariling
axis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon.
CRUST- ito ang matigas at mabatong bahagi ng planeta na umaabot ang kapal nito mula 30-65
km palalim mula sa mga kontinente, subalit sa mga karagatan ito ay may kapal na 5-7 km.
MANTLE- isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang
bahagi nito,
CORE- ito ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at
nickel.
Ang daigdig ay may PLATE o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon.
Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod ng mga mantle.
Gawain 2: GEOpardy
Panuto: suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos bumuo ng tanong na ang sagot ay salita
o larawang makikita sa GEOpardy board, isulat sa sagutang papel ang nabuong tanong at ang sagot
nito.
LATITUDE- ito ang distansyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o
timog ng equator.
PRIME MERIDIAN- ito ay nasa Greenwich England na itinalaga bilang zero degree longitude.
EQUATOR- humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere , ito rin ang itinakdang zero
degree latitude.
INTERNATIONAL DATE LINE (IDL)- ito ay 180 degrees longitude mula sa prime meridian,
pakanluran man o pasilangan, ito ay matatagpuan sa kalagitnaan ng Pacific ocean , dito
nagbabago ang pagtatakda ng petsa alinsunod sa pagtawid sa linyang ito, pasilangan o
pakanluran.
Tropic of cancer- ito ang pinaka dulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang
sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.5 degrees hilaga ng equator.
Tropic of capricorn- ito ang pinaka dulong bahagi ng Southern Hemisphere na direkta
ring sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito sa 23.5 degrees timog ng equator.
V. SUMMATIVE ASSESMENT
1. Ito ang distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng
prime meridian.
a) Latitude c) equator
b) Longitude d) prime meridian
5. Ito ay imaginary line na nasa kalagitnaan ng Pacific ocean, dito nababago ang pagtatala ng
petsa at oras.
a) Latitude c) international date line
b) Longitude d) wala sa nabanggit
6. Tawag sa kaloobloobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
a) Mantle c) core
b) Crust d) plate
9. Isang patong ng mga batong nakapakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.
a) Mantla c) core
b) Crust d) plate
10. Tema ng heograpiya na tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa
ibang lugar.
a) Lokasyon c) rehiyon
b) Lugar d) paggalaw
Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang pangungusap at isulat naman ang titik M
kung mali ang pangungusap.
Answers key:
Pre-test
Post-test/summative assessment
1) B 6) C 1) T
2) D 7) D 2) T
3) C 8) B 3) F
4) A 9) A 4) T
5) C 10) D 5) T
V. REFERENCES AND LINKS (MGA PINAGKUNAN)
http://www.slideshare.net/LouisAngelodelRosario/grade-9-araling-panlipunan-module
Mateo Grace Estela C. et al; Kasaysayan ng Daigdig, Publishing House, Inc. Quezon, City,2012.