Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.3
Panitikan : Nobela
Teksto : “Matanda at Ang Dagat” (Buod) ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel
Santiago
“The Old Man and the Sea”ni Ernest Hemingway
Wika : Paggamit ng Pahayag na Pagsang-ayon at Pagtutol
sa Pagbibigay ng Puna o Panunuring Pampanitikan
Bilang ng Araw : 5 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIf-74)
 Naisasalaysay ang mga tunggalian sa pagitan ng mga tauhan batay
sa kanilang mga pananalita.
PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIf-78)
 Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak
na mga elemento nito.
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIf-74)
 Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga
terminong ginamit sa panunuring pampanitikan.
PANONOOD (PD) (F10PD-IIf-72)
 Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na
may paksang kaugnay ng binasa.
PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIf-76)
 Naisusulat ang suring-basa ng nobelang nabasa o napanood.

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIf-76)


 Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng nobela.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIf-69)


 Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa
ng suring- basa o panunuring pampanitikan.
Estratehiya sa Pag-aaral (EP) (F10EP-IIf-31)
 Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik
tungkol sa mga teoryang pampanitikan.

Ikalawang Markahan| 39
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-IIf-72)


 Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na
may paksang kaugnay ng binasa.
PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIf-78)
 Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak
na mga elemento nito.

II. PAKSA

Panitikan : “Matanda at Ang Dagat” (Buod)


ni Chinua Achebe Isinalin
sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel
Santiago
“The Old Man and the Sea”ni Ernest Hemingway
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagdarasal
 Pagtatala ng liban
 Balik-aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang video tungkol sa :” Bata Bata , Paano Ka


Ginawa”
https://www.youtube.com/watch?v=AVTHsE5oSdw&t=196s
Sanggunian: Ikasampung BaitangSanggSanSanSanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para
sa Mag-aaral Edisyon 2015
nina Villma C. Ambat et.al.
Gabayggunian:
na Tanong:
Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Mungkahing Estratehiya: THINK
nina Villma C. Ambat - PAIR
et.al. AND SHARE
a.SangSanggunian:
Ano ang pinapaksa ng napanood
Ikasampung sa video
Baitang Modyul clip?
para sa Mag-aaral Edisyon 2015
b. Ilarawan ang mga sitwasyon
nina Villmana
C. naging tampok sa napanood.
Ambat et.al.
c. Ilahad angIkasampung
gunian: aral na natutuhan sa istorya.
Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
nina Villma C. Ambat et.al.
Ikalawang ggunian: Ikasampung
Markahan| 40 Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
nina Villma C. Ambat et.al.
unian: IkaSanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
nina Villma C. Ambat et.al.
sampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
2. Pokus na Tanong

a. Paano naiiba ang nobela sa iba pang – uri ng ng akdang tuluyan ayon sa
3.elemento
Presentasyon
nito?
Mungkahing Estratehiya:
b. Paano nakatutulong ang Pangkatang
mga paggamit ng pahayagPagbabasa
na pagsang- ayon at
pagtutol sa pagsasagawa ng isang suring - basa?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: ADAPTASYON NG PAMAMARAANG


JIGSAW

ISANG SURING-PELIKULA
“Harry Potter and the Sorcerer’s St
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
nina Villma C. Ambat et.al.
pahina 155 - 156.

ANALISIS

Mungkahing Estratehiya: BRAINSTORMING

1. Ilahad ang paksa ng nobela.


2. Paano ipinakita sa bawat paksa ng nobela at pelikula ang tatak ng
kultura ng bansang pinagmulan o pinanggalingan?
3. Bakit nanaisin ng mga tao na isapelikula ang nasa nobela?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

Ang nobela ay naglalaman ng hindi lamang mga pangyayari sa buhay ng


bawat tao.Ito ay naglalaman din ng mga pangyayari sa lipunan, politika at
sosyal. Kapana- panabik lalo’t higit ito kung ito ay maisasapelikula sapagkat mas
lubos na makikita at maliliwanagan ang mga bagay - bagay na pangyayaring
nagaganap. Nasusuri din at nababalanse upang makatulong sa pagdedesisyon
sa buhay ng tao. Nagiging malikhain at maparaan sa anumang ideya na nais
maliwanagan at maisakatuparan. Nagpapahalaga sa kultura at tradisyong
kinagisnan.
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: FAMILY FEUD

1. Batay sa iyong nabasa, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng nobela


at pelikula? Sagutin sa pamamagitan ng Venn Diagram. Gawin ito sa
sagutang papel. Gayahin ang nasabing pormat.
Ikalawang Markahan| 41
PAGKAKATULAD

PAGKAKAIBA Nobela Pelikula PAGKAKAIBA

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: ROLE PLAYING

Kung ikaw ang prodyuser / direktor , paano mo wawakasan ang


pelikulang Harry Potter?

IV. KASUNDUAN

1. Paano nakakatulong ang nilalaman ng nobela / pelikula sa buhay ng


mga mambabasa?
2. Basahin ang isang bahagi ng nobelang isinalin ni Jesus Manuel
Santiago “ Matanda at ang Dagat “ sa inihandang handouts.
3. Bakit mahalaga ang panunuri sa nobela/ pelikula?

Ikalawang Markahan| 42
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIh-i-81)


 Naisasalaysay ang mga tunggalian sa pagitan ng mga tauhan batay
sa kanilang pananalita.
PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIh-i-85)
 Nasusuri ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw
realismo o alinmang angkop na pananaw / teoryang pampanitikan.
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIh-i-81)
 Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita kabilang ang mga
terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan.
II. PAKSA

Panitikan : “Matanda at Ang Dagat” (Buod)


ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus
Manuel Santiago
“The Old Man and the Sea”ni Ernest Hemingway
Kagamitan : pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 2 na Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: PANTOMINA

Moby Dick
Ni Hernan Melville
Sanggunian: Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K- 12 ( Baitang 10- Ikalawang Markahan
nina Perla Guerrero et.al., pp. 23-24.

Ikalawang
Sanggunian: Ikasampung BaitangSanggSanSanSanggunian: Ikasampung Markahan|
Baitang Modyul 43
para sa Mag-aaral Edisyon 2015
nina Villma C. Ambat et.al.
ggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
nina Villma C. Ambat et.al.
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PICK UR CHOICE
a. Batay sa nabasa , ano - ano ang mga ideyang nakapaloob sa akda?
b. Paano ipinakita sa kwento ang ugnayan ng tao sa dagat?

2. Presentasyon

Mungkahing Istretehiya: Dugtungang Pagpapabasa

“Ang Matanda at Ang Dagat” (Nobela mula sa Estados salin ng “ The


Old Man and The Sea “
Ni Ernest Hamingway
Isinalin sa Filipino ni Jose Manuel Santiago
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
nina Villma C. Ambat et.al.
pahina 323-325
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: WHAT IS YOUR NUMBER?
a. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa kwento.
b. Bakit ayaw pasamahin ng mag- ama si Manoling kay Matandang
Santiago?
c. Patunayang di pa rin sumuko si Matandang Santiago sa mga panganib
na hinarap sa kanyang paghuli sa marlin?

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Istratehiya: GAMESHOW

Bigyang kahulugan ang sumusunod na salitang may salungguhit.

a. inihanda niya ang salapang


kahulugan:_______________________________________
b. at siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko
kahulugan:__________________ _____________________
c. hindi nilikha ang tao para magapi
kahulugan:_______________________________________
d.magkabilang gilid ng kaniyang prowa
kahulugan:_______________________________________
e.nagpapahinga sa popa
kahulugan:_______________________________________

Pangkat II: Mungkahing Istratehiya: TALK SHOW

Mula sa nobela, gumawa ng maikling balangkas hinggil dito.


Sundan ang dayagram sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Ikalawang Markahan| 44
Kasukdulan

Tunggalian Kakalasan

Papataas na
Pangyayari
Wakas

Suliranin

Simula

Pangkat III: Mungkahing Istratehiya: TALAHANAYAN

Balikan ang tauhan sa nobelang binasa. Isa-isahin ang mga


kilos o gawi, paniniwala at saloobing taglay nito na maaaring gawing
huwaran tungo sa mabuting pamumuhay. Ihanay ang sagot sa
talahanayan sa ibaba.

Santiago Kilos o Gawi Saloobin o Paano


Paniniwala gagawing
huwaran?

Pangkat IV: Mungkahing Istratehiya: MASINING NA


PAGSASALAYSAY

Ano-anong pakikipagsapalaran ang hinarap ni Santiago (ang


matanda) sa nobela? Isa-isahin ang mga ito, gayundin kung anong uri ng
tunggalian at ang naging bunga nito.

Pakikipagsapalaran Uri ng Tunggalian Bunga


ni Santiago

Ikalawang Markahan| 45
Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Katamtamang Kailangan pang


Napakahusay Mahusay
Husay Paghusayin
Mga Kategorya 10-9 8-7
6-5 4-1
Ang mga Angkop ang May mga datos Lahat ng
datos/gawain ay datos /gawaing /gawain na hindi inilahad ay higit
inilahad ay inilahad. gaanong na
Kaangkupan sa nagpapakikita ng nagpapakita ng nangangailang
Task/Layunin kaangkupan . kaangkupan. an ng
kaangkupan sa
gawain.

Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang Hindi malinaw


ginawang ginawang ginawang ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag/ pagpapakita ng
Presentasyon pagkakabuo ng pagkakabuo ng pagkakabuo ng mensaheng
mensaheng mensaheng mensaheng nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Ang lahat ng May pagkakaisa Dalawa sa Halos lahat ng
miyembro ng at pagtutulungan miyembro ng miyembro ng
pangkat ay ang bawat pangkat ay hindi pangkat ay
nagkakaisa at may miyembro. maayos na walang
respeto sa isa’t Maayos ang nakikilahok sa disiplina. Hindi
isa. ipinakitang gawain.Maayos maayos na
Napakaayos ng presentasyon ng ang ipinakita presentasyon.
kanilang bawat isa. nilang Nangangailang
Kooperasyon
ipinakitang presentasyon at an ng disiplina
presentasyon dahil may respesto sa at respeto sa
lahat ng miyembro bawat isa. bawat
ay kumikilos sa isa.Kailangan
gawaing lahat ng
nakaatang sa miyembro ay
bawat isa. nakikipagtulung
an sa gawain.
Napakamalikhain Malikhain at Maayos na Walang buhay
at napakahusay mahusay ang napalutang ang ang ipinakitang
Pagkamalikhain/ ng pagpapalutang pagpapalutang ideya na nais pagpapalutang
Kasiningan sa nais ipabatid sa nais ipabatid ipabatid. ng mensahe /
na mensahe/ na mensahe ideya.
impormasyon /impormasyon.
 Pagtatanghal ng pangkatang gawain
 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

Ikalawang Markahan| 46
ANALISIS

1. Paano pinanghahawakan ng tauhan ang pagpapahalaga sa buhay


ayon sa sitwasyong nakapaloob sa akda?
2. Ilahad ang tagpo na nagpapakita ng pananaw relismo at iba pang
angkop na teoryang pampanitikan batay sa nilalaman ng nobela.
3. Patunayang may positibong pananaw ang pangunahing tauhan sa
pagharap sa suliranin na kanyang naranasan?
 Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Alam mo ba…
Litaw na litaw sa nobelang Ang Matanda at ang Dagat ang pananaw
Realismo. Matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa ng panitikan
para higit nitong mapaunlad ang lipunan. Nakatuon ito sa nilalaman ng teksto
at ang matapat nitong paggagad sa lipunan.

ABSTRAKSYON

Sa tulong ng grapikong presentasyon, sagutin ang sumusunod na


katanungan.
1. Bakit sinasabing ang nobelang “ Ang Matanda at ang Dagat ay
pananaw realismo?
2. Mabigay ng iba pang pananaw na maaaring iangkop at bigyang
paliwanag ito.

Nobela

Iba pang angkop na


Realismo
Pananaw

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: I-SHARE MO NA YAN!

Bumuo ng isang dayalogo. Lumikha ng mga tauhan na tutugon ang


mga pananalitang angkop sa paksang tinalakay.

Ikalawang Markahan| 47
Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Alamin ang mensahe ng “ Ang Matanda at ang Dagat”.


2. Basahin ang tekstong “ Sa Mga Kuko ng Liwanag “ isang suring- basa).
3. Alamin ang ginagamit na balangkas o pormat ng suring- basa.
4. Paano nakatutulong ang pahayag na pagsang-ayon at pagtutol sa
pagsasagawa ng panunuring pampanitikan.

Ikalawang Markahan| 48
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIh-i-76)


 Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa
ng suring - basa o panunuring pampanitikan.
 Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik
tungkol sa mga teoryang pampanitikan.

II. PAKSA

Wika : Paggamit ng Pahayag na Pagsang-ayon at


Pagtutol sa Pagbibigay ng puna o Panunuring
Pampanitikan
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang video clip na may kaugnyan sa paksa.


I-Witness: ‘Isang Banyerang Isda’, dokumentaryo ni Kara David
(full episode)
https://www.youtube.com/watch?v=uGUtjbmxUH0

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: SPIN THE WHEEL
a. Ilahad ang pinapaksa ng napanood na video.
b. Batay sa napanood na dokumentaryo, paano hinaharap ng
pangunahing tauhan ang mga suliranin/ pagsubok sa buhay?

Ikalawang Markahan| 49
c. Ibigay ang kahanga- hangang katangiang ipinamalas sa istorya ng
buhay mangingisda.

2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: MASINING NA PAGKUKWENTO

Sa Mga Kuko ng Liwanag


(Isang Suring Basa)
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
nina Vilma C. Ammbat et.al.
pahina 165 - 167.

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: FOLLOW THE TSART
a. Isa-isahin ang mga elementong taglay ng binasang suring basa. Isulat
ito sa talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel.

Patunay
Mga Elementong Ginamit

b.Naging patas ba ang ginawang pagsusuri? Patunayan.

ANALISIS

Mungkahing Estratehiya: MALAYANG TALAKAYAN

1. Bakit mahalaga ang pagsusuri sa anumang uri ng panitikan?


2. Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa suring-basa ng Sa Mga
Kuko ng Liwanag, paano ito nakatulong sa pagsasagawa ng panunuri?
3.Balikang muli ang nobelang Harry Potter at ang Sa Mga Kuko ng
Liwanag. Itala sa talahanayan sa ibaba ang pagsang-ayon at pagtutol
na ginamit. Pagkatapos gamitin ito sa pagbuo ng pangungusap.

Pagsang-ayon/Pagtutol Pangungusap

 P
agbibigay ng Input ng Guro

Ikalawang Markahan| 50
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Alam mo ba na...
Ang kababasa mong teksto ay isang suring basa. Ito ay isang anyo
ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng nobela, maikling
kuwento, tula, sanaysay o iba pang genre/uri ng panitikan.
Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content),
kahalagahan (importance) at ang estilo ng awtor o may-akda (author’s writing
style). Sa pagsasagawa nito maaaring gumamit ng isang balangkas o format
ng suring- basa tulad ng mga sumusunod:
I. Pamagat, may-akda, genre,
II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela)
III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang Ginamit
Ang buod ay maaaring isulat sa lima hanggang anim na mahahalagang
pangungusap (lalo na kung maikling kuwento). Matapos basahin ang teksto, balikan
isa-isa ang mahahalagang pangyayari, pagdugtung-dugtungin ito at mabubuo ang
buod. Kung pelikula o kaya naman maikling kuwento, magsimula sa pangunahing
tauhan at sabihin ang mahahalagang nangyari sa kanya mula simula hanggang
wakas. Samantala, ang paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa.
umutukoy naman sa kung paano naimpluwensyahan ang pag-iisip/utak/ o paraan ng
pag-iisip ng mambabasa ang bisa sa isip.
Bisa sa damdamin naman ay kung ano ang nadama at paano natigatig
ang emosyon ng mambabasa. Tumutukoy ang mensahe sa kung ano ba ang
gustong sabihin ng teksto sa mambabasa, o maaari ding gustong sabihin ng
sumulat ng teksto.Nagpapahiwatig ang manunulat at hinihinuha naman ng
mambabasa ang pahiwatig nito.
Mas madaling makuha ang mensahe ng manunulat kung ang
mambabasa ay may malalim na pag-unawa sa panitikan. Mahalaga rin na
masuri ang tiyak na teoryang pampanitikan na lumutang sa nasabing akda.
Halimbawa kung mas binigyang-diin ang tungkol sa pagiging marangal ng
tauhan, humanismo. Naturalismo kung pinahahatid ng awtor sa pamamagitan
ng mga pangyayari sa buhay ng tauhan na ang kapalaran ay bunga ng
kultura at heredity at hindi sa pamamagitan ng kanyang sariling pagpili.
Eksistensyalismo kung ipinakita at mas lumutang na ang naganap sa
buhay ng tauhan, mga pangyayari ay bunga ng kanyang sariling pagpili dahil
naniniwala siya na ang isa dahilan ng existence ng tao sa mundo at hubugin
ang sarili niyang kapalaran. Mahalagang makapagbigay ng maraming
halimbawa ang guro para mas malawak ang sakop ng pagtalakay. Sa teoryang
ginamit madalas nakikita din ang kahalagahan ng panitikan sa lipunan lalo na kung
ang teksto ay nasulat sa isang mahalagang panahon ng ating kasaysayan.

Ikalawang Markahan| 51
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: DEKLAMASYON

Ano ang nalaman o natutuhan mo sa ating aralin? Ilahad ang


naramdaman matapos itong matalakay.
Matapos matalakay ang aralin, nalaman ko na__________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Nakadama ako ng ___________________________matapos mailahad ang
aralin dahil___________________________________________________
___________________________________________________________.

APLIKASYON

Panonood ng isang movie trailer at magtala ng mahahalagang sitwasyon


o pangyayari sa pinanood. Gamitin ang mga sumusunod sa makabuluhang
pangungusap batay sa napanood. ( talaga, tunay, totoo, bagkus at
datapwat).
A Walk To Remember ( Trailer 1)
https://www.youtube.com/watch?v=Kq02sBe5xko

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik at bumasa ng iba pang suring- basa sa internet. Sumulat


ng pangungusap na pagsang-ayon at pagtutol batay sa binasang suring-
basa.
2. Pag-aralan at unawain ang format ng inansg suring - basa o napanood.

Ikalawang Markahan| 52
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIh-i-83)


 Naisusulat ang suring - basa ng nobelang nabasa o napanood.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIh-i-83)


 Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng nobela.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.3


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pag-uulat sa ginawang suring- basa sa klase.Pagsasalaysay /


pagbabahagi ng isang nabasang nobela na nagsagawa ng isang
pagsusuri ayon sa napag-aralang format.

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: WHAT’S UR CHOICE
a. Anong mensahe ang nais iparating batay sa nilalaman ng sinuri?
b. Bigyang puna ang paraan ng pagsasalaysay / pagbabahagi ng mga
pangyayari ayon sa nilalaman ng akda.

Ikalawang Markahan| 53
ANALISIS

1. Paano ipinakita ng may - akda ang pagiging malikhain sa pagbuo ng


nobela?
2. Naging makatwiran ba ang ginawang pagsusuri sa akda?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: POST IT

Natutunan ko sa pagsusuri ng isang


nobela:_____________________________.
_____________________________________________________________
APLIKASYON
___..
GOAL - Nakapagtatanghal ang mga mag-aaral sa National Reading Month.

ROLE - Isa kang mahusay na Direktor ng taon.

SITUATION - National Book Festival


Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong
paaralan.
PRODUCT - Pagtatanghal ng isang madulang bahagi ng nobela.

AUDIENCE - Mag - aaral sa Junior High School na nagmula sa iba’t ibang


rehiyon.
Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong
paaralan.
STANDARD - Tatayain ang pagganap batay sa sumusunod na pamatayan:
Pagbuo ng iskrip 3 puntos
Pagganap 2.5 puntos
Isa ka sa mga Aspektong
mag-aaral na manunulat ng pahayagan
Teknikal 2.5 puntossa inyong
paaralan. Kaangkupan ng paksa 2 puntos
Kabuuan 10 puntos

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Basahin at unawain ang pp. 170 - 178 sa Filipino 10.


2. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan at paano
magagamit sa pagsusuri ng mitolohiya ang pokus na tagaganap at
pokus sa layon?

Ikalawang Markahan| 54

You might also like