Colegio de Dagupan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Colegio De Dagupan

Institute of Graduate Studies

Arellano St.,Dagupan City

Pangasinan

Master of Education

Major in Filipino

SILABUS

Pamagat ng Kurso: Paglinang ng Kurikulum at Paghahanda ng mga Kagamitang Pangkurikulum sa Filipino

Unang Semestre, Taong Panuruan 2018-2019

Propesor: RITCHIE G. MACALANDA, Ph. D. Inihanda ni: JAPETH D. PURISIMA

Bigat: 3 yunits

Diskripsiyon ng Kurso:

Ang kursong ito ay naglalayong malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral upang makabuo ng isang maayos na
disenyo ng kurikulum. Mabubuksan ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga isyu kung ano, bakit, at paano ituro ang
kurikulum sa mga studyante. Mabibigyan din ng ideya ang mga mag-aaral kung ano ang mga problemang maaaring
kaharapin sa pagbuo ng kurikulum. Nilalayon nitong imbestigahan ang mga isyung may kaugnayan sa maayos na
pag-implementa sa pamamagitan ng maayos na pagsusuri sa mga naisagawang pag-aaral.

Layunin ng Kurso:

Ang isang mag-aaral na makakatapos ng kursong ito ay inaasahang may:

1. Malalim na kaisipan tungkol sa pagbuo ng disenyo ng isang kurikulum.

2. Malawak na pag-unawa sa mga nararanasang isyu sa sistema ng edukasyon sa PIlipinas, partikular sa kurikulum at
ilang mga mahahalagang punto nito.

3. Mataas na kaalaman sa pagsusuri at pag-analisa kung gaano kaepektibo ang isang kurikulum.

4. Malalim na ideya sa iba’t ibang disenyo ng kurikulum na maaaring magamit sa Asignaturang Filipino.

Balangkas ng Kurso

 Modyul 1: Kurikulum

 Modyul 2: Pag-unlad ng kurikulum sa Pilipinas

 Modyul 3: Mga batayang legal sa pag-implementa ng kurikulum sa Pilipinas

 Modyul 4: Isyu sa Kurikulum


 Modyul 5: Mga disenyo sa pagbuo ng kurikulum

 Modyul 6: Dimensiyon sa pagbuo ng kurikulum

 Modyul 7: Hakbang sa pagdisenyo ng kurikulum

 Modyul 8: Paglinang ng kurikulum

 Modyul 9: Pagsusuri ng kurikulum

Mga Metodo sa Pagtuturo:

 Talakayan sa Klase

 Panggrupong metodo

 Pag-uulat

 Pasulat na pag-analisa

Mga Inaasahang Kailanganin ng Kurso

 Awtput ng Mag-aaral - Sariling buong Silabus at Modyul sa Filipino

 Pag-aanalisa sa mga halimbawa ng kurikulum

 Pamanahong Pagsusulit

Talasanggunian:

Rosario (2008) “Paglinang ng Kurikulum sa Filipino” Phoenix Publishing House, Pasig City, Philippines

Wiles, John W., Bondi, Joseph C. (2010) Curriculum Development:A Guide to Practice

You might also like