Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Aila Bianca Estrella

BSHM 2-2

Panahon ng Hapon

Itinuturing ito ng marami na gintong panahon ng maikling kuwento at ng dulang


Tagalog. Ang wikang Ingles nanakuhang maipasok ng mga Amerikano hanggang sa
kamalayan ng mga Pilipino ay ipinagbawal gamitin ng mga Hapones kung kayat ang
nagtamasa ng bunga ng pagbabawal na ito ay ang panitikang Pilipino sa wikang
Tagalog. Ang isang manunulat ay likas na manunulat, kayat nang ipagbawal ang
pasulat ng Ingles siya’y napilitang gumamit ng wikang Tagalog upang makapagsulat
lamang. Ang isang naging bunga nito ay ang paglitaw ng isang uri ng pamamaraan
sa pagsusulat na gagad sa Ingles, maging sa pagbuo ng mga pangungusap
hanggang sa istilo ng pagsusulat.

Nabigyang- sigla ang Pambansang Wika dahil na rin sa pagtataguyod ng pananakop.


Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P Laurel upang mangulo
sa baying sa kanilang pamamatnubay. Nasangkot ang Pilipinas. Nasakop ng mga
Hapones.

Panahon ng Hapon 1942-1945. Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng


panitikan ang tinaguriang "GINTONG PANAHON NG PANITIKANG PILIPINO " dahil
higit na malaya Ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura ,
kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Mga naiambag ng Hapon sa ating Panitikan :
Haiku - binubuo ng tatlong taludtod at may bilang ng pantig na 5-7-5 .
Tanaga - Ito ay binubuo ng apat na taludtod at may bilang ng pantig na 7-7-7-7 sa
bawat taludtod .
- Naipakilala din ang iba't - ibang teoriya tulad ng Femenismo.
Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa bansang Ito dahil ipinagbabawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman
sa panitikan gamit ang mga katutubong wika ng bansa.
Sinunog din Ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong Hindi
mababahiran ng kanluraning ideya ang PANITIKANG nililikha.
TEMA NG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON

 Sumesentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka o pangingisda.


 Ugali ng mga Hapon na masipag magtrabaho.
 Sumesentro sa Pagka-makabayan, Pag-ibig, kalikasan
 Pananampalataya at sining
 Ugali ng hapon na pagiging tapat sa kanilang bansa at pagkaroon ng dangal sa
sarili at bansa
MGA SIKAT NA MANUNULAT NOON

AT ANG KANILANG AKDA

 Jose Ma. Hernandez - Panday Pira


 Francisco Rodrigo - Sa Pula, Sa Puti
 Clodualdo Del Mundo - Bulaga
 NVM Gonzales - Sino ba kayo ? ,
 Dahil sa Anak , Higanti ng Patay, Lunsod,Nayon At Dagat-dagatan
 Narciso Reyes - Tinubuang Lupa
 Liwayway Arceo - Uhaw ang Tigang na Lupa
 Jose Esperanza Cruz - Tatlong Maria
 Isidro Castillo - Lumubog ang Bituin
 Gervacio Santiago - Sa Lundo ng Pangarap

You might also like