Professional Documents
Culture Documents
Ano Ang Sarsuwela
Ano Ang Sarsuwela
Ang sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang
kabanata, at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-
ibig at kontemporaryong isyu. Ang sarsuwela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung
ihahalintulad natin ang sarsuwela sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan,
kaya lamang ang ibang linya sa sarsuwela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito.
Kadalasan ang sarsuwela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o
nakakaaliw na tagpo. Ang tunggalian nang sarsuwela ay pahaplis at pahapyaw lamang. Ito ay
ipinangalan sa la Zarzuela ng Espanya.
Kinagigiliwan ng mga Pilipino ang sarsuwela noong panahon ng mga Amerikano dahil sa
pamamagitan ng pagsusulat ng mga kwento na kanilang isasayaw at itatanghal, maipapakita ang
pagnanais ng mga Pinoy na maging malaya.
Malayang nakapagsusulat ang mga pilpinong manunulat sapagkat noong panahon ng komonwelt
ay ang namumuno ay si Manuel L. Quezon na sumulat ng “ Wikang Pambansa” at sa panahon
palang ng amerikano ay Malaya ng nakaksulat ang mga manunulat na pilipino
Ang maikling kwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa
isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari sa buhay ng tauhan o lugar ng
pinangyarihan ng mahahlagang pangyayari.
ANO ANG KARANIWANG TEMA O PAKSANG GINAGAMIT NG MGA
MANUNULAT SA PANAHON NG KASARINLAN?
Dahil sa ganong paraan hindi parin nakakalimutan ng mga Pilipino na balikan ang nakaraang
kulturang Pilipino isinasabay pa din nila ito.
Oo dahil ditto nakakalikha sila ng maayos at masining na dula at mas madadagdagan ang
kanilang ideya
Dihil itinatanghal ito, nalalaman ng mga nagtatahal at mga taong nasa loob nito ang reaksyon ng
manonood may mga dula pa nga interaktibong ang mga manonood sa pagtatanghal