Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Ano ang Salawikain?

Ang mga salawikain o kasabihang Pilipino ay binubuo ng mga parirala na karaniwan ay


nasa anyong patula na kung saan ito ay nagbibigay ng gintong aral. Ito ay mga tradisyunal na
kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating
henerasyon at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang bawat salawikain ay naglalaman ng mga karunungan at aral tungkol sa kabutihang


asal, pakikipag-kapwa tao, pagmamalasakit sa bayan, at pagmamahal at paglilingkod sa Diyos.

Naglalahad din ito ng mga pangkalahatang katotohanan at mga pagmamasid tungkol sa


kalikasan at buhay ng tao.

Narito ang 158 halimbawa ng salawikain na kapupulutan ninyo ng aral at maaring


gamitin bilang gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Kasabihan Tungkol sa Edukasyon

1. Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan.

2. Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Kasabihan Tungkol sa Kabataan

1. Batang puso,
Madaling marahuyo.

Kasabihan Tungkol sa Wika

1. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda.
Kasabihan Tungkol sa Paggalang

1. Ang gawa sa pagkabata,


Dala hanggang pagtanda.

2. Ang magalang na sagot,


Ay nakakapawi ng poot.

3. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.

Kasabihan Tungkol sa Kaibigan

1. Ang matapat na kaibigan,


Tunay na maaasahan.

2. Ang tao kapag mayaman,


Marami ang kaibigan.

3. Ang tunay na anyaya,


Sinasamahan ng hila.

4. Ang tunay na kaibigan,


Karamay kailan man.

5. Ang tunay na kaibigan,


Nakikilala sa kagipitan.

6. Kaibigan kung meron,


Kung wala’y sitsaron.

7. Puri sa harap,
Sa likod paglibak.

8. Turan mo ang iyong kaibigan,


Sasabihin ko kung sino ikaw.

9. Walang paku-pakundangan,
Sa tunay na kaibigan.
Kasabihan Tungkol sa Buhay

1. Aanhin mo ang palasyo,


Kung ang nakatira ay kuwago?
Mabuti pa ang bahay kubo,
Ang nakatira ay tao.

2. Ako ang nagbayo,


Ako ang nagsaing.
Saka ng maluto’y,
Iba ang kumain.

3. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,


Tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.

4. Ang bayaning nasugatan


Nag-iibayo ang tapang.

5. Ang buhay ay parang gulong,


Minsang nasa ibabaw,
Minsang nasa ilalim.

6. Ang bulsang laging mapagbigay,


Hindi nawawalan ng laman.

7. Ang hindi napagod magtipon,


Walang hinayang magtapon.

8. Ang iyong kakainin,


Sa iyong pawis manggagaling.

9. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.

10. Ang lumalakad nang mabagal,


Kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin,
Kung matinik ay malalim.

11. Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.


12. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.

13. Ang maniwala sa sabi-sabi’y walang bait sa sarili.

14. Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.

15. Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.

16. Ang puri at ang dangal,


Mahalaga kaysa buhay.

17. Ang tao na walang pilak,


Parang ibong walang pakpak.

18. Ang taong mainggitin,


Lumigaya man ay sawi rin.

19. Ang taong nagigipit,


Sa patalim man ay kumakapit.

20. Ang taong tamad kadalasa’y salat.

21. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.

22. Anuman ang gagawin,


Makapitong iisipin.

23. Anuman ang gawa at dali-dali,


Ay hindi iigi ang pagkakayari.

24. Bago ka bumati ng sa ibang uling,


Pahirin mo muna ang iyong uling.

25. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti,


Kailangan mo munang igayak ang sarili.

26. Daig ng maagap ang taong masipag.

27. Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.

28. Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.


29. Gawin mo sa kapuwa mo,
Ang nais mong gawin nila sa iyo.

30. Hanggang maiksi ang kumot,


Magtiis na mamaluktot.

31. Huwag magbilang ng manok,


Hangga’t hindi napipisa ang itlog.

32. Kadalasan, ang karikta’y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli noong ibig
ipahamak.

33. Kapag ang tao’y matipid,


Maraming maililigpit.

34. Kapag may isinuksok,


May madudukot.

35. Kung aakyat ka nga’t mahuhulog naman,


Mabuting sa lupa’y mamulot na lamang.

36. Kung ano ang itinanim,


Iyon din ang aanihin.

37. Kung ano ang puno,


Siya ang bunga.

38. Kung binigyan ng buhay,


Bibigyan din ng ikabubuhay.

39. Kung gaano kataas ang lipad,


Gayon din ang lagapak pag bagsak.

40. Kung may tinanim,


May aanihin.

41. Kung pukulin ka ng bato,


Tinapay ang iganti mo.

42. Kung sino ang masalita,


Siyang kulang sa gawa.
43. Kunwaring matapang bagkus duwag naman.

44. Madali ang maging tao,


Mahirap magpakatao.

45. Magandang pamintana,


Masamang pang kusina.

46. Magbiro ka sa lasing,


Huwag sa bagong gising.

47. Magkupkop ka ng kaawa-awa,


Langit ang iyong gantimpala.

48. Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.

49. Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad.

50. Matapang sa kapwa Pilipino,


Susukot-sukot sa harap ng dayo.

51. Matutuyo na ang sapa nguni’t hindi ang balita.

52. May tainga ang lupa,


May pakpak ang balita.

53. Nagpapakain ma’t masama sa loob,


Ang pinakakain hindi nabubusog.

54. Nasa Diyos ang awa,


Nasa tao ang gawa.

55. Pag may hirap,


May ginhawa.

56. Pag may kalungkutan,


May kasiyahan.

57. Pagkapawi ng ulap,


Lumilitaw ang liwanag.
58. Pulutin ang mabuti,
Ang masama ay iwaksi.

59. Sa larangan ng digmaan,


Nakikilala ang matapang.

60. Sagana sa puri,


Dukha sa sarili.

61. Sala sa lamig,


Sala sa init.

62. Ubos-ubos biyaya,


Pagkatapos nakatunganga.

63. Walang humawak ng lutuan,


Na hindi naulingan.

64. Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.

65. Yaong mapag-alinlangan,


Madalas mapag-iwanan.

66. Kung saan nahihilig, duon din nabubuwal.

Kasabihan Tungkol sa Kalikasan

1. Ang araw bago sumikat,


Nakikita muna’y banaag.

2. Kapag ang ilog ay maingay,


Asahan mo at mababaw.

3. Kapag ang ilog ay matahimik,


Asahan mo at malalim.

4. Tikatik man kung panay ang ulan,


Malalim mang ilog ay mapapaapaw.
Kasabihan Tungkol sa Kalusugan

1. Ang sakit ng kalingkingan,


Dama ng buong katawan.

2. Gaano man ang iyon lakas,


Daig ka ng munting lagnat.

Kasabihan Tungkol sa Katapatan

1. Ang hindi tumupad sa sinabi,


Walang pagpapahalaga sa sarili.

2. Ang iyong hiniram,


Isauli o palitan.
Upang sa susunod,
Hindi ka makadalaan.

3. Ang lalaking tunay na matapang,


Hindi natatakot sa pana-panaan.

4. Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.

5. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.

6. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluwat.

7. Ang tunay mong pagkatao,


Nakikilala sa gawa mo.

8. Ang utang ay utang,


Hindi dapat kalimutan.

9. Kapag bukas ang kaban,


Nagkakasala sinuman.

10. Nasa taong matapat ang huling halakhak.

11. Sa taong may tunay na hiya,


Ang salita ay panunumpa.
Kasabihan Tungkol sa Pag-aaral

1. Ang isip ay parang itak,


Sa hasa tumatalas.

Kasabihan Tungkol sa Pag-ibig

1. Ang pag-aasawa ay hindi biro,


‘Di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.

2. Ang pili nang pili,


Natapatan ay bungi.

3. Pag kahaba-haba man ng prusisyon,


Sa simbahan din ang tuloy.

4. Pagsasama ng tapat,
Pagsasama ng maluwat.

5. Walang matiyagang lalaki,


Sa pihikang babae.

6. Madaling pumitas ng bunga,


Kung dadaan ka sa sanga.

Kasabihan Tungkol sa Pamilya

1. Ang ibinabait ng bata,


Sa matanda nagmula.

2. Anuman ang tibay ng piling abaka,


Ay wala ring lakas kapag nag-iisa.

3. Kaya matibay ang walis,


Palibhasa’y nabibigkis.

4. Magsama-sama at malakas,
Magwatak-watak at babagsak.
5. Nawala ang ari,
Ngunit hindi ang lahi.

Kasabihan Tungkol sa Tagumpay

1. Ang lakas ay daig ng paraan.

2. Ang umaayaw ay di nagwawagi,


Ang nagwawagi ay di umaayaw.

3. Huli man daw at magaling,


Naihahabol din.

4. Kung may hirap ay may ginhawa.

5. Kuwarta na,
Naging bato pa.

6. Marami ang matapang sa bilang,


Ngunit ang buo ang loob ay kulang.

7. Sa maliliit na dampa nagmumula ang dakila.

8. Sa taong walang takot,


Walang mataas na bakod.

9. Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.

Iba pang mga Halimbawa ng Salawikain

1. Aanhin pa ang damo,


Kung patay na ang kabayo.

2. Ang ampalaya kahit anong pait,


Sa nagkakagusto’y matamis.

3. Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.

4. Ang bungang hinog sa sanga,


Matamis ang lasa.
Ang bungang hinog sa pilit,
Kung kainin ay mapait.

5. Ang butong tinangay ng aso,


Walang salang nalawayan ito.

6. Ang katotohana’y kahit na ibaon,


Lilitaw pagdating ng takdang panahon.

7. Ang langaw na dumapo sa kalabaw,


Mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.

8. Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan.

9. Balat man at malinamnam,


Hindi mo matitikman.

10. Bibig na natatakpan,


Hindi papasukin ng langaw.

11. Buhay-alamang,
Paglukso ay patay.

12. Buntot mo, hila mo.

13. Hampas sa kalabaw,


Sa kabayo ang latay.

14. Hindi sasama ang pare,


Kundi sa kapwa pare.

15. Ibong sa hawla’y ikinulong nang mahigpit,


Kapag nakawala’y hindi na babalik.

16. Kahit saang gubat ay mayroong ahas.

17. Kahoy mang babad sa tubig,


Sa apoy huwag ilapit.
‘Pag ito’y nadarang sa init,
Sapilitang magdirikit.
18. Kapag apaw na ang takalan,
Kailangan kalusan.

19. Kasama sa gayak,


Di kasama sa lakad.

20. Kung ano ang sukat ng ohales,


Iyon ding ang laki ng butones.

21. Kung anong bukang-bibig,


Ay siyang nilalaman ng dibdib.

22. Kung hindi ukol,


Hindi bubukol.

23. Kung nasaan ang asukal,


Naroon ang langgam.

24. Kung sino ang unang pumutak,


Siya ang nanganak.

25. Kung takot sa ahas,


Iwasan mo ang gubat.

26. Mabuti’t masamang ginto sa urian natatanto.

27. Magkulang ka na sa iyong magulang,


Huwang lang sa iyong biyenan.

28. Malakas ang bulong kaysa sigaw.

29. Malaking puno,


Ngunit walang lilim.

30. Matabang man ang paninda,


Matamis naman ang anyaya.

31. Matalino man ang matsing,


Napaglalalangan din.

32. Naghangad ng kagitna,


Isang salop ang nawala.
33. Nakikita ang butas ng karayom,
Hindi nakikita ang butas ng palakol.

34. Walang lumura sa langi,


Na di sa kanyang mukha nagbalik.

35. Walang mapait na tutong,


Sa taong nagugutom.

36. Walang naninira sa bakal,


Kundi sariling kalawang.

37. Walang palayok na walang kasukat na tungtong.

Mga Malalalim na Salitang Filipino at ang mga Kahulugan Nito

Marami sa atin ang nalilito kapag nakakatagpo tayo ng mga malalalim na salita sa tuwing
tayo ay nagbabasa. Bunga nito ang hindi pagkakaroon ng paguunawa sa binabasa lalong lalo
na kapag hindi natin alam ang ibig sabihin ng mga salitang ating nabasa. Kung kaya naman,
mahalagang pagtuunang pansin ang mga salitang hindi familyar sa atin. Narito ang ilan sa mga
malalalim na salitang filipino at ang mga kahulugan nito. Kabilang sa listahan ang mga salitang
isinalin sa mas madaling maunawaang mga kahulugan. Ano ang ibig sabihin ng salitang...

A
adhika - nais o gusto
agam - agam-pangamba
agamahan - relihiyon
agapayang kabit - koneksiyong paralel
agapayang salikop - sirket na paralel
agbarog - arkitekto
agham - siyensiya
aghamtao - antropolohiya
aghimuan - teknolohiya
agimatan - ekonomika, ekonomiks
agsikapin - inhenyero
aligin - baribulo
alipugha - iresponsable
alisbahabaybata - histerektomiya
alunig - resonasya
angaw - milyon
angkan - pamilya
anluwage - karpintero
awanggan - inpidad
awanging tubo - tubong bakum

B
bagwis - pakpak
bahagdan - porsyento
bahagimbilang - praksyon (fraction)
bahagimbilang (hatimbilang) - praksiyon
balamban - membrano
balidasig - akselerasyong negatibo
balikhaan - regenerasyon
balintataw - imahinasyon
balintuna - laban o kabaliktaran
balisultag - imbolusyon
balisuplingan - reproduksiyon
balnian - magnetika
bandos - kometa, kometin
banoy - agila
basisig - lakas na sentripugalo
batalan - lababo
bathalaan - teolohiya
batidwad - telegrama
batlag - kotse
batnayan - pilosopiya
batubalani (bato-balani) - magnet (batong magnesyo)
bilnuran - aritmetiko
binhay - kagaw
buhagsigwasan - niyumatika
buhalhal - busalsal; bulagsak
bumukal - dumaloy
buntabay - satelayt, kampon
buntala (bungang-tala) - planeta
burok - pula
butang - materya
buturan - nukleonika
buumbilang - (whole number) lahat
buumbilang - intedyer
buyo - akit; himok

D
dagap - kabuoan
dagibalniing liboy - kulot na elektromagnetiko
dagikapnayan - elektrokemistri
dagilap - radyoaktibidad
dagindas - elektroda
dagisik - elektrono
dagisikan - elektronika
dagitab - koryente, elektrisidad
dagsa - momento
dagsin (balani) - grabidad
dakbatlag - trak
daklunsod - metropolis
daksipat - teleskopyo
daktinig - pang-ulong hatinig
dalas - prekwensiya
dalubaral - iskolar
dalubbanwahan - agham pampolitika
dalubbatasan - batas na agham
dalubhalmanan - botanya
dalubhasa - eksperto
dalubhasaan - kolehiyo, instituto
dalubhayupan - zoolohiya
dalubibunan - ornitolohiya
dalub-isipan - sikolohiya
dalublahian - etnonolohiya
dalubsakahan - tagalog sa agriculture
dalubsakahan - agrikultura
dalubsakit-babae - hinekolohiya
dalubtalaan - astronomya
dalubtauhan - antropolohiya
dalubulnungan - sosyolohiya
dalubwikaan - linggwistika
dalwikaang - bilinggwal
damikay - polinomyal
dantaon - siglo
dantay - impulsa
danumsigwasan - hidraulika
dasig - akselerasyon
datay - nakaratay
dawit - industansiya
dihaying - walang organikong kimika
disaluyan - di-konduktor
duhagi - api; dusta
duhakay - binomyal
duhandas - diyoda
dumagat - halkon, palkon
dumatal - dumating
durungawan - bintana
duyog - elipsa

G
gaso - gaslaw; harot
gilis - hipotenusa
ginapas - inani
gipalpal - punong-puno
gitisig - lakas na sentripetal

H
habyog - torka
hagibis - belodidad
hagway - proporsiyon
hambinging bigat - espesipikong bigat
handulong - daluhong; sugod
hanggaan - limitasyon
hatimbutod - mitosiso
hatinig - telepono
hatintaon - semestre
haying - organikong kimika
haykapnayan - biyokimika
hayliknayan - biyopisika
haynayan - biyolohiya
haynayanon - biyolohista
hibo - hikayat
himatay - apopleksya
hinuha - haypotesis
hinuhod - sang-ayon
humahalimuyak - nagsasabog ng amoy na mabango
humihigop - basyo
hunain – teorem

I
ibay - lango; lasing
ibutod - nukleolus
imbot - hangad; sakim
initan - kumpas
initsigan - termodinamika
inunan - plasenta
ipagbabadya - sasabihin
iring - ayaw, tanggi
isakay - monomial
ishay - bakterya
isigan - dinamika
itinatangis - iniiyak

K
kaalkahan - alkalinidad
kaasdan - akididad
kabatas - tagapagpatupad ng batas
kabisa - andar
kabtol - lipat
kabuuran - nukleo, nukleyus
kaginsa - ginsa-hindi inaasahan
kalampi - kalakip; kasama
kalawakang araw, sangkaarawan - sistemang solar
kapakumbabaan - kababaang-loob
kapbisa - metabolismo
kapnayan - kimika
kapnayang kayarian - strukturang kimikal
kapnayanon - kimiko
kapsira - katabolismo
kapyari - anabolismo
kasagwilan - resistibidad
katiktik - detektiba
katipan - syota
katoto - kaibigan
kauukilkil - katatatanong
kawas - bawas
kinipkip - dinala sa kamay
kubyertos - kutsara o tinidor
kumakandili - nagmamalasakit
kuntadurya - akwant

L
lahatan - pangkalahatang kimika
laksa - libo
laktod - maikling paligid
lalik - torno
lanyos - lambing
lapang - piraso; hati
lapya - plano
larang - ekwilibryo
laumin - integral
libay - babaeng usa
liboy - dayulon
libuyhaba - habang dayulon
liknayan - pisika
lilimiin - iisipin
linab - grasa
lukong - concave
lulan - kapasitansiya
lulos - hakbangan
lunduyang-saliksik - sentrong pananaliksik
lunos - lungkot

M
magpahingalay - magpahinga
mahumaling - magkagusto
makabuntala - asteroyd
malabuntala - planetoyd
malasaluyan - semikonduktor
mamangha - magtaka
manukala - suhestiyon
mapakilangkap - maisama
mapalisya - magkamali
mapalugmok - mapadapa
mapaluwal - mapalabas
mapaniil - abusado
marahuyo - maakit
masimod - matakaw
matarik - makakapiling
matarok - maunawaan
matatap - malaman
matitimyas - matatamis o magaganda
mayamungmong - madahon
mikhay - mikroba
mikhaynayan - mikrobiyolohiya
miksipat - mikroskopyo
miktataghay - mikroorganismo
miktinig - mikropono
mulapik - atomo
mulatik - molekula, molekyul
mulhagi - elemento (matematika)
mulhay - protosowa
mulpikan - atomikong pisika
mulsakitin – patogeniko

N
naapuhap - nahanap
nabuslot - nahulog sa butas
nag-aalimpuyo - nangangalit
nag-aalimpuyo - nangangalit
nagahis - natalo
nag-apuhap - nag-isip, naghanap
naghamok - naglaban
nagkukumahog - nagmamadali
nagugulugudan - bertebrado
nakadatal - nakarating
nalilingid - natatago
namamangha - nagugulat
namamanglaw - nalulungkot
namanatag - namayapa
nanambitan - nakiusap
nangaduhagi - nangatalo
nangamba - nag-alala
nangungulimlim - dumidilim
nanunudyo - temtasyon
napagbulay - bulay-napag-isip-isip
naraig - natalo
nasindak- natakot
natalos - nalaman
natanto - nalaman
nautas - napatay
nawawaglit - nawawala
nililo - dinaya

P
pag-inog - ebolusyon (siklo ng buhay)
pagniniig - interaksyon
palaasalan - etnika
palabaybayan - ortograpya
paladutaan - heolohiya
palamara - masama
palapusuan - kardiolohiya
palasantingan - aestetika
palasigmuan - mekanismo
palasihayan - kitolohiya
palatangkasan - teoriyang nakatakda
palatumbasan - teoriyang ekwasyon
palaulatan - estadistika
pamilang - numeral
panakda - numerator
panakwil - resistor
panandaan - alhebra
panawit - induktor
panghadlang - insuleytor, insulador
pangibayo - amplipayer
panlulan - kapasitor, kapasidor
pantablay - pangkarga
panulatan - sulat
panuos - kompyuter
pariugat (parisukat-ugat) - ugat ng kwadrado (ugat-kwadrado)
parurunan - pupuntahan
piging - party
pinangulag - pinatayo
pitak - bahagi
pook-sapot - website
punyal - itak
pusong - payaso

R
rabaw - balat (ibabaw)
ragandang - darang
ramilyete - pumpon ng bulaklak
refran - kasabihan; salawikain
rueda - gulong

S
sabansain - nasyunalista
sagadsad - dausdos; tuloy-tuloy
sakwil - resistansiya
salanggapang - walanghiya
salapsap - pagbalat ng prutas gamit ang kutsilyo
saliding saloy - alternatibang kasalukuyan
saligwil - transistor
salikop - sirkwit
salinlahi - henerasyon
salipawpaw - eroplano
saloy - kasalukuyan
salumpuwit - upuan
saluyan - konduktor
sanlibutan - galaksiya
sansinukob - uniberso
sanyo - baribulo
sapantaha - hinala
sayad - ilalam
sigwasan - mekanika
sihay - selula
siskin - matatag
simpan - ngat; sinop
sinamomo - isang uri ng halaman
sinsay - awit; pigil-pigil
sipnayan - matematika
subyang - tinik
sugaan - optika
suglamuman - potosintesiso
sukatan - kwantitatibang kimika
sukgisan - heometriya
sulatroniko - email
sunurang kabit - seryang koneksiyon
T
tablay - elektrikong singil
taborete - upuan
tadlong - perpendikular
tagil, tagilo - piramide, piramid
takap - hamon
talaksan - papeles
talinghaga - misteryo
talipandas - makapal ang mukha
talukay - trinomyal
talundas - triyoda
tampalasan - malupit
tangkakal - tanggol; ligtas
taol - kombulsiyon
tapapetso - panakip sa dibdib
tatsihaan - trigonometriya
tayahan - kalkulo
tigal - intertya
tigilan - istatika
tika - mithi
tikop - kirkumperensiya
timbulog - isperikal
tingirin - diperensiyal
tingkala - unawa; isip
tipanan - lugar kung saan sila nagtatagpo
tsubibo - ferris-wheel
tugoy - oskilasyon
tugoysipat - oskilaskopa
tulig - tuliro; taranta
tumahan - tumira
tumalima - sumunod
tumangan - humawak
tumbasan - ekwasyon
tungayaw - talak
tunugan - akustika
tuwang - tulong
tuwirang saloy - idirektang kasalukuyan

U
ulyabid, ulay - bulate
umagapay - sumabay
urian - kwalitatibang kimika

W
wani - ayos; husay; kalinisan
wilik - mamalya

Y
yamo - imbot; sakim

You might also like