Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

( after page 2 read this ) Page 3… Ang kabihasnan ng Indus ay isa sa mga tatlong pinakaunang

sibilisasyon sa kasaysayan ng mundo. Kasama nito ang Egypt at Mesopotamia. Ang mga lungsod
sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa
kasalukuyang panahon. Sa pananaliksik ng mga dalubhasang arkeyologo, natuklasan nila noong
taong 1920 ang mga labi ng dalawang malalaking lungsod sa tabi ng ilog Indus.

( turn the slide in page 4 ) Ang mga lungsod na ito ay ang Harappa at ang Mohenjo-Daro.

Page 5… Ang kabihasnan ng Harappa ay hango sa matandang lungsod ng Harappa na natuklasan


sa Lambak Indus at tinatayang umusbong noong 2700 B.C.E.
- matatagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi ng Pakistan. May 350 milya ang layo mula sa
Mohenjo-Daro pahilaga.

( next slide ) Page 6… ang kabihasnang ito ay natuklasan sa lambak ng Indus. Ang pagiging
planado ng mga lungsod nito ang isa sa mga natatanging katangian ng kabihasnang Harappa.
Ang bawat lungsod na ito ay may sukat na halos isang milyakwadrado at tinatayang halos 40,000
katao.

Page 7… Tulad ng Harappa ay natuklasan din ang Mohenjo – Daro sa lambak ng Indus at
umusbong noong 2700 B.C. - ito
ay nasa katimugang bahagi ng daluyan ng Indus River.
Page 8… Ang pangunahing ikinabuhay ng mga tao sa kabihasnang Indus ang pagtatanim ng
palay at gulay. Natutuhan nila ang Sistema ng patubig upang madiligan ang kanilang mga
sakahan kahit sa panahon ng tagtuyot.
Page 9 at 10…Marami rin sa mga taga-Indus ang nag-alaga ng hayop tulad ng tupa, baka, at
kambing. Kinakitaan din ng iba pang kabuhayan ang mga taga-Harappa at Mohenjo-Daro tulad
ng paghahabi ng tela at paggawa ng palayok at kasangkapang metal.
Page 11… ang bulak ay hinahabi upang maging tela
I - isang Ancient vase na nagpapakita ng pamamaraan ng paghahabi ng tela.
Page 12… ang mga selyo ng pictogram ng pictogram ang ebidensiya ng pagsulat ng mga
Dravidian. Ilan sa mga selyo na ito ay natagpuan sa Mesopotamia, kaya sinasabi ng mga
arkeologo na may kalakalan na sa Sumer at Indus simula pa noong 2300 B.C.E.
page 13… ang mga naging ambag ng kabihasnang indus:
ang relihiyon ang pinaka unang ambag ng india ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na
relihiyon ito ang mga:
Hinduismo - ito ang pinaniniwalaang pinakamatandang nabubuhay na relihiyon sa buong
mundo.
Buddhismo – ito ay itinatag ni Siddharta Rautama noong 600 B.K na tinawag na Buddha na ang
ibig sabihin ay siya na naliwanagan.
Page 14… Sikhismo – ( khanda ang tawag sa sumisimbolo sa relihiyon ng Sikhismo )
- ito ay may dalawang talim na tabak ng paniniwala sa iisang Diyos,
- ang bilog naman ay kumkatawan sa Diyos na walang simula o hangganan.
Jainismo - Ang Jainismo ay may 12 milyong tagasunod sa India. Naniniwala sila sa kabanalan
ng buhay, pati ang mga halaman at hayop. Ang relihiyong ito ang nagturo ng paniniwala gaya ng
vegetarianism(pagkain ng gulay lamang), yoga, karma, at reincarnation. Ang tawag ng mga Jain
sa paniniwalang ito ay ang Ahmimsa o kapayapaan (non-violence sa Ingles).
Page 15… Ang ikalawang ambag ng India ay ang pagpapaunlad ng pilosopiya ng India kaysa
sa Kanluran. Bago pa ang mga Griego at Romano ang mga pilosopiya ng India ay nagtatag na ng
maraming sistemang pilosopikal, kabilang ang yoga, ang disiplina ng isip at katawan sa
pamamagitan ng espirituwal na pagsasanay.
Ang ikatlong ambag ng India ay ang pagpapayaman ng India sa kanilang pandaigdig
na panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula (Panchatantra), unang dulang epiko
(The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa), ang dakilang tulang epiko (Mahabharata at
Ramayana), at ang dakilang pilosopikang tula ng daigdig (Bhagavad Gita).
Ang musika, sining, at arkitektura ng India ay kilala sa buong mundo, at ang ikaapat
nilang ambag sa daigdig. Ang sining ng India ay nagtatanghal ng mga kasaysayan ng pag-ibig ng
kanilang mga diyos na siyang kauna-unahang halimbawa ng malalaswang palabas. Sa
arkitektura, ibinigay ng India sa daigdig ang Taj Mahal sa Agra, ang mga palasyo ng mga Mogul
sa New Delhi, at ang Kailasha Temple sa Hyderabad. Ang mga klasikong gawang-kamay ng
India sa tela, kahoy, metal, ivory, at katad ay hinahanap sa buong mundo.
Kahalagahan;
Ang kahalagahan ng mga naiambag ng Kabihasnang Indus ay sa hanggang ngayon ay nagagamit
at napapakinabangan nating lahat.Hindi man sa ating bansa nagmula ang mga ito at dapat natin
ito pahalagahan.Mapapahalagahan natin ang mga pamana ng ating mga ninuno sa pamamagitan
ng pag aalaga, pagbibigay halaga sa mga ito, at pag aaral tungkol sa kung paano ito nabuo at ano
ang kahalagahan nito sa atin. Dapat din nating ibahagi ang mga ito sa mga susunod pang mga
henerasyon, upang malaman nila at mapagpatuloy pa ang pagpapahalaga sa mga ito, bilang
pasasalamat nadin sa mga pamana na ibinigay ng ating mga ninuno. Dahil ito din ang naging
"basis" natin upang mas paunlarin ang ating mga kagamitan, kaya naging moderno ang panahon
natin ngayon
Flags Countries Capital Currency
Armenia

Azerbaijan

Georgia

Kazakhstan

Kyrgyzstan

Turkmenistan

Tajikistan

Uzbekistan

Bahrain

Cyprus

Iran

Iraq

Israel
Jordan

Kuwait

Oman

Lebanon

Qatar

Saudi Arabia

Syria

Turkey

U.A.E

Yemen

Afghanistan

Bangladesh

Bhutan

India
Maldives

Nepal

Pakistan

Sri Lanka

Brunei

Cambodia

East Timor

Indonesia

Laos

Malaysia

Myanmar

Philippines

Singapore
Thailand

Vietnam

Mongolia

North Korea

South Korea

Taiwan

China

Japan

You might also like