Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Bituin”

Omar Santiago

Isang Bituin ang nag niningning sa madilim na kalangitan.

Isang liwanag na nag niningning sa mala burak na kapaligiran.

Nag niningning ngunit nag kukubli sa madilim na katotohanan.

Katotohanan na pilit iniiwasan at kinakalimutan.

Isang Bituin ang nag niningning sa kalangitan.

Bituin na gusto manatili sa kinalalagyan.

Ngunit tila nag iisa sa kalawakan.

Bituin na pilit nag liwanag para sa kapayapaan.

Isang Bituin ang pilit nag niningning sa kalangitan.

Bituing lugmok sa kahirapan.

Ngunit patuloy na lumalaban.

Para ang liwanag na taglay ay patuloy na masilayan.

Isang bituin ang nag niningning sa madilim na kalangitan.

Isang bituin na humihina ang ningning sa kalawakan.

Bituin na umaasang huwag sana siyang tabunan ng kaulapan at tuluyang kalimutan.

Ako ang bituing pilit na nag niningning sa madilim na kalangitan.

You might also like