PAKSA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAKSA:MABABANG PASAHOD

INTRODUCTION

“Sino rito ang hindi pa nababaon sa utang? Sino rito ang hindi pa nagsasangla ng kanilang ATM
card?”

Ito ang hiyaw ni Ferdinand Gaite, tagapangulo ng Confederation for Unity, Recognition and
Advancement of Government Employees (Courage), sa mga kawani ng gobyerno na dumagsa sa
paanan ng Mendiola Bridge sa Malakanyang para igiit sa administrasyong Aquino ang P6,000
dagdag sa kanilang suweldo at mga benepisyong ipinagkakait sa kanila.

Baon na umano sa utang ang marami sa mga kawani ng gobyerno, dahil sa patuloy na pagtaas ng
batayang mga bilihin samantalang nananatiling nakapako ang kanilang mga sahod. Isiniwalat din
ni Gaite ang iba’t ibang hakbang ng administrasyong Aquino para ipagkait sa mga kawani ang
mga benepisyong aniya’y nararapat na ibigay sa kanila.

Itinatawid ng utang

Sabi ng Courage, hindi na nga ibinibigay ang P6,000 na hinihiling na dagdag-suweldo sa mga
kawani ng gobyerno, inaatake pa ng administrasyong Aquino ang kanilang mga benepisyo at
insentibo. (KR Guda)

“Marami sa mga kawani sa gobyerno, aabot sa P3,000 na lamang ang tinatanggap na sahod,”
patotoo ni Rose Nartates, pangulo ng Consolidated Union of Employees (CUE) sa National
Housing Authority (NHA).

Umaabot lamang sa P8,287 ang minimum pay ng isang empleyado ng gobyerno na nasa Salary
Grade I Step I, samantalang tinatayang nasa P29,640 na ang family living wage, o sahod na
nakabubuhay ng pamilya, sa Maynila.

Kung kaya napipilitan ang mga kawani na mangutang sa mga pribadong tagapagpautang at sa
mga tagapagpautang na ahensiya ng gobyerno tulad ng Government Service Insurance System
(GSIS). Buwan-buwang nakakaltasan ang suweldo nila kung kaya umaabot sa P2-3,000 na
lamang ang kadalasang natitira sa take-home pay.

“Ang mga manggagawa ng National Printing Office (NPO) ay mga P2,000 na lamang ang take-
home pay. Hindi kaiba sa mga pangkaraniwang manggagawa na dumaranas ng paghihirap,” sabi
naman ni Efren Villaluz, presidente ng NPO Workers’ Association.

“Sa Commission on Elections (Comelec), angbaba ng suweldo, halos lahat ng empleyado wala
na ang kanilang ATM (Card), nakasangla na,” kuwento naman ni Mac Ramirez, bise presidente
ng Alliance of Comelec Employees in Service (ACES). “Yung iba pa nga, lagi’t lagi, lahat ng
puwedeng i-advance (ay) in-advance na.”
Sinabi pa ni Ramirez na matindi ang kalagayan ng mga empleyado ng Comelec. Mas mababa
umano ng apat hanggang limang salary grade ang mga posisyon sa Comelec kumpara sa iba
pang katulad na posisyon sa iba pang constitutional bodies.

“Halimbawa, ang Clerk I posisyon sa Comelec, Salary Grade 3 lang. Samantala,


ang prevailing grade sa iba, 7 hanggang 9 ang Salary Grade,” sabi pa ni Ramirez. Ang Clerk 3 ay
sumasahod umano ng mga P9,000, samantalang ang Salary Grade 7 sa ibang ahensiya ay aabot
sa P12,000. “Tatlong libong diperensiya – malaking bagay na ito para sa empleyado,” dagdag pa
ni Ramirez.

(Mula kaliwa) Rose Nartates ng NHA, Efren Villaluz ng NPO, Mac Ramirez ng Comelec.
Kabilang lamang sila sa mga kinatawan ng iba’t ibang unyon ng mga ahensiya ng gobyerno na
nananawagan ng P6,000 dagdag-suweldo. (KR Guda)

Kung kaya, anila, kagyat na pangangailangan ng mga kawani ng gobyerno ang P6,000 dagdag sa
kanilang minimum pay.

Katulad din sa mga nararanasan ng mga kawani sa NHA, NPO at Comelec ang nararanasan
umano ng mga kawani sa iba pang ahensiya, Kung kaya, kasama rin sa mga nakiisa ang mga
miyembro ng unyon sa National Food Authority Employees Association (NFAEA), Department
of Labor and Employment – Employees’ Union (DOLE-EU), Judicial Employees Association,
Samahan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon
(Senado), mga unyon sa Intramuros Administration, Metro Manila Development Authority,
Quezon City Hall, at marami pang iba.

Atake sa benepisyo

Samantalang patuloy na sinasagkaan ang kanilang hiling na dagdag-suweldo, may mga hakbang
naman ang administrasyong Aquino na ipagkait pa sa kanila ang mga benepisyong matagal na
nilang ipinaglalaban.

Isa na rito, ayon kay Gaite, ang deklarasyon ng administrasyon na ilaan ang 35% ng
Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng gobyerno sa susunod na taon para
sa capital outlay sa mga mga imprastrakturang gustong ipagawa ni Aquino. Paliwanag ni Gaite,
labis na maaapektuhan nito ang mga serbisyo ng mga ahensiya ng gobyerno.

Kasama rin sa mga hakbang ng administrasyong Aquino ang planong isentralisa


ang procurement o pagbili ng mga kagamitan ng mga ahensiya. “Ibig sabihin, lahat ng opisina ng
gobyerno idadaan sa ilalim ng DBM (Department of Budget and Management). Dati nang
ipinatupad ang kalokohang ito. Dati nang tumagal ang paghingi ng mga opisina,” sabi ni Gaite.
Kahina-hinalang proseso din umano ito, dahil mas sentralisado na ang mga oportunidad ng
matataas na opisyal ng gobyerno para sa korupsiyon.

Ferdinand Gaite ng Courage: Paglaban sa mga atake sa karapatan ng mga kawani ay dapat
paigtingin. (KR Guda)
Sentralisado rin ang gusto ng administrasyon sa pagpapasuweldo sa mga kawani. Pero
pinatunayan umano ng masamang karanasan ng mga pampublikong guro na nagkakaroon ng
mga antala sa pagbibigay ng suweldo dahil matagal na iproseso ang maraming bilang ng mga
sinasahuran. “Isipin mo kung 1.3 milyon ang ipoproseso nila,” sabi pa ni Gaite. Umabot na sa
1.3 milyon ang bilang ng mga kawani ng gobyerno ngayon.

Plano rin ng administrasyon na isentralisa ang pondong natitipid ng mga ahensiya ng gobyerno,
tulad ng sa hudikatura, Comelec, Office of the Ombudsman, Commission on Human Rights at
Commission on Audit (tinaguriang Constitutional and Fiscal Autonomy Group o CFAG), dahil sa
mga di-napupunang posisyon.

Ayon sa DBM, aabot sa 67,131 ang unfilled positions sa naturang mga ahensiya — 14,554 rito ay
mula sa hudikatura. Nagkakahalagang P23.43-Bilyon ang natipid ng mga ahensiyang ito dahil sa
mga di-napunang posisyon.

Plano ng DBM na ipasok ang P23.43-B sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) sa
ilalim ng naturang departamento. Sa naturang areglo, tanging DBM ang may kontrol ng pondo,
at ilalabas nila kung, ayon kay DBM Sec. Florencio Abad, naipakita na ng mga ahensiya sa
CFAG kung saan nito gagastahin ang pera.

“Walang karapatan ang DBM na kunin ang pondo mula sa hindi nagamit sapagkat ayon sa batas
ang mga ahensiya na ito’y may buong discretion para gamitin ang pondong ito batay sa kanilang
pangangailangan,” paliwanag pa ni Gaite.

Sinang-ayunan ito ni Sen. Joker Arroyo, na nagsabing nakasaad sa batas na may fiscal
autonomy ang hudikatura kung kaya hindi maaaring ipataw ang nasabing demand. Dahil sa
presyur at mga protesta ng mga kawani at opisyal ng hudikatura, kamakaila’y sinabi ng DBM na
ibinabalik na nito ang mahigit P2-B na tatanggalin sana sa hudikatura.

Samantala, tinawag naman ni Sen. Juan Ponce Enrile ang P101.5-B na MPBF ng Malakanyang
bilang “pork barrel” ng ehekutibo na maaring mapagmulan ng korupsiyon. Sa pagdinig ng
Senado sa 2012 panukalang badyet ng hudikatura noong Setyembre, sinabi ni Enrile na tututulan
niya ang pagkontrol ng Malakanyang sa malaking pondong ito.

Sinabi naman ni Arroyo na maaaring ginagamit ng Malakanyang ang pondo para makontrol ang
mga ahensiya ng gobyerno kabilang ang hudikatura.

Ayon sa mga kawani, kahulugan ng sentralisadong pangpapasuweldo sa gobyerno ang


sentralisado rin umanong korupsiyon. (KR Guda)

Target ang CNA incentives

Pinakamapanganib na hakbang ng administrasyon, ayon kay Gaite, ang pagtarget ng DBM sa


badget para sa mga insentibong dulot ng Collective Negotiating Agreement (CNA) ng iba’t ibang
ahensiya ng gobyerno.
“Kalakhan ng ating mga organisasyon (ng mga kawani) ay may CNA incentives na, bunga ng
ating matagal na paglaban,” sabi ni Gaite. Halimbawa nito ang NHA, na unang nakatanggap ng
kongkretong monetary benefits. “Natanggap din ito sa NFA, MMDA at iba pa.”

Bago ang taong 2009, kinukuha ng gobyerno mula sa mga nasabing pondo ng mga ahensiya ang
CNA incentives ng mga kawani. Pero problemado ito, ayon kay Gaite, dahil may mga opisyal ng
mga ahensiya na nasasaid ang savings: Ginagastos sa mga biyahe, mamamahaling sasakyan, at
iba pa. Kung kaya, noong 2009, sa paglabas ng Salary Standardization 3, isinaad ng Joint House-
Senate Resolution No. 4 na kailangang badyetan ng pambansang gobyerno ang para sa
CNA incentives ng mga kawani.

Pero noong Setyembre, naglabas ng bagong guidelines ang DBM. Nakasaad dito, muli na raw
kukunin sa savings ng mga ahensiya ang CNA incentives. “Binanggit ni Abad ang
parehong provisions, kinuha ang item sa Joint Resolution No. 4, pero kinaligtaang ilagay ang
huling bahagi ng probisyon na dapat manggaling sa general appropriations ang source ng fund.”

Pero sa naunang panukalang pambansang badyet, nailagay na ang aabot sa P8.8-B para sa
CNA inventives. Sumulat si Abad sa tagapangulo ng House Committee on Appropriations na si
Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya na nagsasabing kailangang tanggalin ang nakalaang P8.8-B
day “erratum” daw ito. “Nagkakamali lang daw ‘yung P8.8-B para isama sa badyet.
Napakalaking pagkakamali naman ito,” buladas ni Gaite.

Sinabi pa niyang patunay lamang itong “nililinlang ang ipinagkakait sa mga kawani ang mga
ipinaglabang mga benepisyo sa CNA incentive.”

Dapat umanong iprayoridad sa badyet ang pakinabang sa mga kawani ng gobyerno. “Dapat
ibigay na ang mga insentibo at benepisyo,” sabi pa ni Gaite.

Patuloy na mangangalampag ang mga kawani sa kani-kanilang mga ahensiya at sa pambansang


gobyerno para sa naturang mga benepisyo at dagdag-suweldo.

Konklusiyon

Kabilang sa mga pangunahing isyu at problemang kinakaharap ng mga mamamayan ngayon na


nais nilang masolusyunan pagkatapos ng eleksyon ay ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga
bilihin, tamang pasweldo at katiwalian sa gobyerno.

Ito ay batay sa resulta ng Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia na isinagawa noong may 30
hanggang June 5 sa 1,200 respondents ng survey.

Nanguna sa mga problemang nais masolusyunan ng mga mamamayan ang inflation (47%),
pagpapataas ng sweldo (46%), na sinundan ng katiwalian ng mga opisyal (39%), trabaho (36%)
at kahirapan (35%).

Nang tanungin naman sila sa mga isyung pambansa na sa tingin nila’y dapat agad na maharap ay
ang kapayapaan (21%), kriminalidad (20%), rule of law (16%), at pagkasira ng kalikasan (15%).
Ang mga isyung pinakamababa naman sa listahan ay ang pag-kontrol sa lumalaking populasyon
na nagtamo lamang ng 9%, national territorial integrity sa 7%, constitutional amendment sa 4%
at terorismo sa 4% rin.

Ayon kay Prof. Ernesto Pernia ng University of the Philippines’ School of Economics,
ipinapakita lang nito na sensitibo ang ating ekonomiya dahil maging ang maliliit na pagbabago
sa presyo ng mga bilihin at pasahod ay malaki ang epekto sa mga tao.

Sa tuwing tumataas kasi ang presyo ng mga bilihin at serbisyo, nababawasan ang halaga ng pera
at nababawasan ang purchasing power ng mga mamimili o ang kanilang kakayahan na bayaran o
bilhin ang mga pangkaraniwan nilang binibili.

Dagdag pa dito, pahirap rin sa mga tao ang hindi pagtaas ng sahod kasabay ng mga nagtataasang
presyo ng mga bilihin, kaya naman sa tuwing nangyayari ito, kumakaunti ang kayang bilhin ng
mga tao sa parehong halaga ng sahod.

SUBMITTED TO: MARK HARRY N. CURATE PhD.

SUBMITTED BY: MIKE M. PADILLA

You might also like