Ang Lengguwahe NG Japan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG LENGGUWAHE NG JAPAN

Ang wikang Hapones[2] o wikang Hapon[2] o wikang Niponggo o wikang


Nihonggo ay isang wikang sinasalita ng mahigit sa 130 milyong katao, karamihan
sa bansang Hapon at sa mga komunidad ng mga Hapones sa buong mundo.
Ang Hapones ay sinusulat sa magkahalong tatlong magkakaibang uri ng sulat: ang
Kanji, at ang dalawang baybaying sulat, ang Hiragana at Katakana. Ang alpabetong
Latino, o Rōmaji, ay kadalasang ginagamit ng mga makabagong Hapones, lalung-
lalo na sa mga pangalan ng kompanya at mga logo, patalastas, at kung ipapasok
ang mga salitang Hapon sa kompyuter.
Ang talasalitaan ng Hapones ay labis na naimpluwensiyahan ng mga hiram na
salita galing sa ibang wika. Malaking bilang ng mga salita ay hiniram sa wikang
Tsino, o hinango sa wikang Tsino. Simula noong huling bahagi ng ika-19 siglo, ang
Hapones ay humiram ng mga salitang galing sa Wikang Indo-Europeo, lalo na ang
Ingles.
Dahil din sa espesyal relasyong kalakalan sa pagitan ng Hapon at Olandes noong
ika-17 siglo, Ang wikang Olandes din ay naging impluwensiyal, tulad ng mga
salitang bīru (galing sa bier; "serbesa o beer") at kōhī (galing sa koffie; "kape") na
nagmula sa wikang Olandes.
Mas nauna ang mga Portuges at malimit sila sa Hapon noong ika-16 siglo at ika-17
siglo. Ang impluwensiya nila sa Hapon ay mga salitang katulad ng tempura at
tabako.

You might also like