Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik

Q1

Single Answer

Question

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa tuwirang pangongopya ng impormasyong hindi kinikilala ang may akda ng pina
gkuhanang teksto?

Correct answer

copyright
plagiarism
translation
paraphrasing

Explanation

Ang plagiarism ay pangunguha o pangongopya ng mga impormasyong hindi man lamang kinilala ang awtoridad ng m
ay akda bilang orihinal at nagpasimula ng pag-aaral.

Report errors
Q2

Single Answer

Question

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga impormasyong bibliograpikal?

Correct answer

pangalan ng/ng mga awtor


publisher
tirahan ng may-akda
taon ng publikasyon

Explanation

Ang tirahan o address ng may-akda ay hindi itinatala sa anumang dokumentasyon kahit pa sa impormasyong bibliyo
grapikal.

Report errors
Q3

Single Answer

Question

Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng pananaliksik?

Correct answer

subhetibo
empirikal
sistematiko
kontrolado

Explanation

Ang pananaliksik ay obhetibo, hindi subhetibo. Ibig sabihin, ito ay walang kinikilingan at ito ay lohikal.

Report errors
Q4

Single Answer

Question

Ano ang kailangang gawin bilang dokumentasyon sa mga ginamit na sanggunian at pagpapatunay na may sapat na
batayan ang ginawang pananaliksik?

Correct answer

burador
bibliograpiya
talaan
lagom

Explanation

Tungkulin din ng isang mananaliksik ang gumawa ng bibliograpiya o talaan ng ginamit na sanggunian bilang pagpap
atunay na may sapat na batayan ang ginawang pananaliksik.

Report errors
Q5

Multiple Choice

Question

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa plagiarism?

Correct answer

paggamit ng direktang sipi at paglalagay ng pangalan ng awtor


pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, o himig ng isang awit
pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika at hindi itinala na salin ang mga ito
panghihiram ng mga salita mula sa wikang banyaga

Explanation

Maraming anyo ang plagiarism. Kasama na rito ang pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, o himig ng is
ang awit at pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika at inangkin ang ideya at hindi itinala na salin ang mga ito.

Report errors
Q6

Single Answer
Question

Alin sa sumusunod na pahayag ang tama?

Correct answer

Sa pangangalap ng datos, hindi na mahalagang itala ang pangalan ng may-akda ng aklat lalo na
kung patay na ito.
Kumplikadong proseso ang pananaliksik kaya kailangang umisip ng ibang madaling proseso ang
mananaliksik taliwas sa ibinigay ng guro.
Maging ang mga karaniwan at pangkalahatang impormasyon ay kasama rin sa dokumentasyon.
Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik.

Explanation

Bahagi na ng proseso ng pananaliksik ang mangalap nang mangalap ng mga impormasyon upang magkaroon ng ka
alaman sa paksang pinag-aaralan ngunit laging tatandaan na hindi pangongopya ng impormasyon ang dapat gawin.
Kung sakali namang nais na kunin nang buo ang isang impormasyon ay mahalagang gawan ito ng dokumentasyon.

Report errors
Q7

Single Answer

Question

Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang tungkulin ng isang mananaliksik?

Correct answer

maging matapat
maging masinop
maging maagap
maging mapagpasensya

Explanation

Pinakamahalagang tungkulin ng isang mananaliksik ang pagiging matapat. Hindi siya nangongopya ng impormasyon
. Kinikilala niya ang mga taong pinagmulan ng mga ideyang kaniyang ginamit sa pananaliksik.

Report errors
Q8

Multiple Choice

Question

Bakit mahalagang gampanan ang mga tungkulin at responsibilidad ng isang mananaliksik? Pumili ng tatlong sagot.

Correct answer

upang maging katanggap-tanggap at kapani-paniwala ang resulta ng pag-aaral


upang hindi magkaroon ng usapin ukol sa plagiarism
upang mabigyan ng kaukulang pagkilala ang manunulat na pinagmulan ng impormasyon
upang gayahin ang ideya ng ibang mananaliksik na naunang nagsagawa ng pag- aaral

Explanation

Mahalagang tuparin ang tungkulin ng isang mananaliksik upang makabuo nang isang maayos na pananaliksik na ma
gbubunsod sa magandang kredibilidad ng nagsagawa ng pag-aaral.

Report errors
Q9

Single Answer

Question

Anong katangian ng mananaliksik ang tumutukoy sa pagkakaroon ng hangaring makabuo ng tanong sa kaniyang isip
at magtanong din sa mga eksperto?

Correct answer

pagiging mahusay magsiyasat


pagiging masinop
pagiging mapamaraan
pagiging kritikal

Explanation

Ang pagkakaroon ng hangaring makabuo ng tanong at makapagtanong sa mga eksperto ay nagpapakita ng katangia
ng mahusay magsiyasat ukol sa paksang inaaral. Ang katangiang ito ay nagpapakita rin na naisasagawa ng mananal
iksik ang kaniyang tungkulin bilang isang mananaliksik.

Report errors
Q10

Single Answer

Question

Anong tungkulin ng isang mananaliksik ang tumutukoy sa pagiging marunong magsama-sama ng mga impormasyon
upang makabuo ng bagong konklusyon?

Correct answer

pagiging kritikal
pagiging sistematiko
pagiging matapat
pagiging masinop

Explanation

Ang pagiging sistematiko ay tumutukoy sa kaalaman sa pagsasama-sama ng mga impormasyon upang makabuo ng
mga bagong konklusyon. Ang tungkuling ito ay malaking tulong upang maging organisado ang kabuoang presentasy
on ng pananaliksik.
Etika ng Pananaliksik
Q1

Single Answer

Question

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng isang mahusay na mananaliksik?

Correct answer

emosyonal
analitikal
kritikal
responsable

Explanation

Masasabing nakasasama pa sa pag-aaral ang pagiging emosyonal dahil hindi nagiging obhetibo ang mananaliksik at
nababahiran ng pagiging personal ang pagsusuri.

Report errors
Q2

Single Answer

Question

Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga panuntunan sa etikal na pananaliksik?

Correct answer

Iwasang gumawa ng mga personal na obserbasyon.


Huwag mag-short-cut.
Iwasan ang masyadong maraming nakalap na datos.
Huwag mandaya.

Explanation

Ang pagkakaroon ng maraming datos ay mabuti para sa pananaliksik, lalo na kung mabibigyan ng representasyon an
g parehong panig.

Report errors
Q3

Single Answer

Question

Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa ipapataw na parusa para sa plagiarism?

Correct answer

pagpapatalsik mula sa paaralan


pagmumulta
ppagkakakulong
pagbigay ng pinakamababang pasadong grado

Explanation

Hindi pasadong grado ang ibinibigay bagkus ay bagsak na grado dahil matinding kasalanan ang plagiarism sa larang
ang akademiko

Report errors
Q4

Single Answer

Question

Ano ang katangian ng mananaliksik kapag sinabi niyang kinapos siya sa panahon kung kaya kulang ang bilang ng ka
niyang mga kapanayam?

Correct answer

matiyaga
matapat
responsable
sistematiko

Explanation

Nagsabi nang totoo ang mananaliksik sa nakaharap niyang suliranin at pagiging matapat ang katangiang ito.

Report errors
Q5

Single Answer

Question

Ano ang katangian ng mananaliksik na iniiskedyul ang pagkalap ng mga datos mula sa aklatan sa isang buong araw,
at inilalaan sa pagpunta sa museo ang araw na walang pasok?

Correct answer

matapat
sistematiko
matiyaga
responsable

Explanation

Sa paraang pag-iiskedyul ng mananaliksik sa kaniyang mga gagawin ay nagiging sistematiko siya. Naglalaan siya ng
oras at lakas para sa pagpunta sa silid-aklatan at ibang araw naman para sa pagpunta sa ibang lugar.

Report errors
Q6

Single Answer
Question

Ano ang katangian ng mananaliksik kapag tinitiyak niyang kompleto ang pangalan ng mga awtor ng libro pati ang pin
anggalingan nitong palimbagan?

Correct answer

matiyaga
matapat
sistematiko
analitikal

Explanation

Naging matiyaga ang mananaliksik sa pagtala ng lahat ng kailangang datos kahit maaaring ito ay mahaba at nakapa
pagod para sa kaniya.

Report errors
Q7

Single Answer

Question

Alin sa sumusunod ang maituturing na plagiarism?

Correct answer

pagbuod ng mga sipi na sinusulat kung kanino galing ang sinulat


direktang pagsipi na nakalagay ang apelyido ng nagsulat ng sipi
pagtagni-tagni ng mga datos mula sa iba’t ibang libro na layon ay angkining orihinal itong gawa
pagbanggit sa pangalan ng kapanayam kung siya ay hahalawin para sa pag-aaral

Explanation

Kahit pa ikaw ang nagbuod at nagsama-sama ng mga sipi, kailangang ipakilala sa iyong mambabasa kung saan at k
anino ito galing upang maiwasan ang pandaraya at plagiarism.

Report errors
Q8

Single Answer

Question

Ano ang kailangang gawin kung ayaw na ng kinapapanayam na ituloy ang interbyu?

Correct answer

Kailangang makiusap at pilitin pa ang kinakapanayam.


Kailangang alukin ng pera ang kinakapanayam upang ituloy pa niya ang interbyu.
Huwag na lamang isama ang buong panayam sa pag-aaral kahit pa may gamit ito sa pananaliksik.
Kailangang itigil ito agad.
Explanation

Kailangang igalang ang mga pagnanais ng kapanayam. Maaari namang isama pa ang mga nakuhang datos mula sa
unang bahagi ng interbyu, kailangan lamang maging tapat sa pagsabi sa pananaliksik na hanggang sa isang punto la
mang ng panayam pumayag ang kapanayam.

Report errors
Q9

Single Answer

Question

Ano ang kailangang gawin kung nasa ibang wika ang iyong pagkukunan ng datos at ikaw ang mismong nagsalin nito
sa Filipino o Ingles?

Correct answer

Kailangang banggitin pa rin kung kanino galing ang isinalin.


Kailangang banggitin na galing ito sa ibang wika kaya hindi na dapat sabihin kung sino ang
nagsulat.
Kailangang banggitin na galing ito sa ibang manunulat at hindi na dapat sabihin ang kaniyang
pangalan.
Hindi na kailangang banggitin ang pinagkunan ng datos dahil ikaw ang nagsalin mula sa ibang wika.

Explanation

Kasama sa mga tungkulin ng isang mananaliksik ang pagbanggit ng sanggunian ng mga datos mangyari mang kaila
ngan pang isalin sa wika ng iyong mambabasa upang mabigyang hustisya ang pinagkunan ng impormasyon.

Report errors
Q10

Single Answer

Question

Ano ang iyong gagawin kapag nag-alok ang iyong kaibigan na siya na ang gagawa ng mga kongklusyon at rekomend
asyon ng iyong pag-aaral?

Correct answer

Papayag akong gawin niya ito nang buo.


Tatanggi dahil kailangang matiyaga ako sa paggawa ng aking sariling pananaliksik.
Papayag ako ngunit kalahati lamang ang kaniyang gagawin.
Papayag ako ngunit ilalagay ko sa aking pag-aaral na siya ang gumawa at hindi ako.

Explanation

Tungkulin ng mananaliksik na gawin ang kaniyang pag-aaral nang may buong pagtitiyaga. Maliban na lamang kung it
o ay pangkatang gawain, ang pagsulat ng kongklusyon at rekomendasyon ay responsibilidad ng mananaliksik dahil si
ya ay naroon para sa nasabing pag-aaral mula sa simula hanggang sa wakas nito.
Pagtukoy sa mga Metodo sa Pananaliksik

Q1

Single Answer

Question

Ang _ pananaliksik ay nagsasagawa ng mga pagtatala, paglalarawan, pagpapakahulugan, pagsusuri, at paghahambi


ng.

Correct answer

deskriptibo
historikal
eksperimental
metodo

Explanation

Nagsasagawa ng mga paglalarawan ang deskriptibong pananaliksik. Ang lahat ng paglalarawan ay isinasagawa sa p
araang pagtatala, pagpapakahulugan, pagsusuri, at paghahambing.

Report errors
Q2

Single Answer

Question

Itinuturing na pinakasopistikadong paraan ng pag-aaral ang _ na pananaliksik.

Correct answer

eksperimental
deskriptibo
historikal
metodo

Explanation

Ang eksperimental na pananaliksik ang itinuturing na pinakasopistikadong paraan ng pananaliksik sapagkat ang tuon
ng metodong ito ay pagtuklas dahil pinag-aaralan ang mga sanhi at bunga ng mga baryabol.

Report errors
Q3

Single Answer

Question

Ang _ na pananaliksik ay nakatuon sa mga nakaraang datos tungkol sa tao, kalagayan, pangyayari, at iba pa.

Correct answer

historikal
deskriptibo
eksperimental
metodo

Explanation

Ang tuon ng historikal na pananaliksik ay ang mga tao at pangyayari sa nakaraan, kung saan iniuugnay ang mga ito
sa kasalukuyan hanggang sa mailapat sa maaaring mangyari sa hinaharap.

Report errors
Q4

Single Answer

Question

Tukuyin kung anong paraan ng deskriptibong pananaliksik ang dapat gamitin sa nilalayon ng pag-aaralan.

Nais ni Edward na magtayo ng negosyo sa binili niyang lupa sa San Pedro, Laguna. Nais niyang suriin kung praktikal
bang magtayo ng negosyo sa nasabing lugar.

Correct answer

Trend analysis
Content analysis
Developmental studies
Case study

Explanation

Ang trend analysis ay tinatawag ding feasibility study, kung saan pinag-aaralan ang kasalukuyang sitwasyon gaya hal
imbawa ng proyekto o negosyong pinaghahandaan.

Report errors
Q5

Single Answer

Question

Tukuyin kung anong paraan ng deskriptibong pananaliksik ang dapat gamitin sa nilalayon ng pag-aaralan.

Nais ni Bb. Maglipon na ipasuri sa kaniyang mga mag-aaral ang nilalaman ng bawat kabanata ng El Filibusterismo u
pang higit pang lumalim ang kanilang kaalaman sa nasabing nobela sa paraang masagot ang lahat ng mga katanung
ang kaniyang ibinigay.

Correct answer

Content analysis
Follow-up studies
Survey
Correlational studies

Explanation
Ang content analysis ay pagsusuri sa nilalaman ng isang dokumento o kaya ay aklat upang lutasin ang suliranin o sa
gutin ang mga katanungan.

Report errors
Q6

Single Answer

Question

Tukuyin kung anong paraan ng deskriptibong pananaliksik ang dapat gamitin sa nilalayon ng pag-aaralan.

Isang grupo ng lingguwista ang nais magsagawa ng pag-aaral kung aling wika ang mas dapat gamitin sa pag-aaral n
g mga batang nasa primarya, kung ang unang wika o wikang Ingles ba ang dapat gamitin.

Correct answer

Developmental studies
Correlational studies
Follow-up studies
Feasibility study

Explanation

Ang developmental studies ay isang serye ng pag-aaral kung saan mahabang panahon ang kailangang ilaan upang
makakuha ng impormasyong kailangan.

Report errors
Q7

Single Answer

Question

Tukuyin kung anong paraan ng deskriptibong pananaliksik ang dapat gamitin sa nilalayon ng pag-aaralan.

Ang pananaliksik na ginagawa ni Julia ay nakatuon sa mga kabataang tagahanga. Nais niyang malaman kung hangg
ang saan ang tindi ng paghanga ng mga kabataan sa kanilang iniidolo.

Correct answer

Survey
Developmental studies
Trend analysis
Follow-up studies

Explanation

Batay sa layunin ng pag-aaral ay angkop gamitin ang paraang survey. Ang survey ay pagkuha ng mga impormasyon
at datos sa paraang pagbibigay ng mga talatanungan sa mga napiling respondente o tagatugon.

Report errors
Q8

Single Answer
Question

Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang angkop gamitan ng historikal na pananaliksik?

Correct answer

Marcelo H. del Pilar: Ang Tunay na Pambansang Bayani


Epekto sa Ekonomiya ng Pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant
Epekto ng Narsisismo sa Pamumuno ng Ilang Pulitiko
Sanhi ng Labis na Kahirapan sa Bayan ng Siayan, Zamboanga del Norte

Explanation

Ang paksang ito ay babalikan ang nakaraan tungkol kay Marcelo H. del Pilar upang malaman ang mga posibleng dah
ilan kung bakit sinasabing siya ang tunay na pambansang bayani.

Report errors
Q9

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang angkop gamitan ng developmental studies?

Correct answer

Gaano Katagal ang Depresyong Nararanasan ng mga Batang nasa Edad 6-12?
Social Media: Sanhi ng Pag-iisa
Mga Epekto ng Social Network sa Estilo ng Buhay ng mga Kabataan
Epekto ng Labis na Paghanga ng mga Kabataan sa Kanilang Iniidolong Artista

Explanation

Ang tuon ng pag-aaral ay alamin ang tagal ng depresyong nararanasan ng mga batang nasa 6-12 taong gulang. Ito a
y nangangailangan ng mahabang panahong obserbasyon at pag-aaral upang makuha ang kailangang impormasyon
at makabuo ng kongklusyon.

Report errors
Q10

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod na paraan ng survey ang angkop para sa sitwasyong ito:

Sa pananaliksik na ginagawa ng pangkat nina Arman ay kailangan nilang malaman kung ilang beses kumain sa buon
g araw ang mga mahihirap na pamilyang nakatira sa Payatas.

Correct answer

Random sampling
Cluster sampling
Stratified sampling
Multistage sampling

Explanation

Batay sa sitwasyon ay hindi na nangangailangan ng pagpapangkat sapagkat ang lahat ng pamilya sa Payatas ay ma
yroong pantay na pagkakataon upang makalahok sa survey.

Layunin ng Paksa

Q1

Single Answer

Question

Ano ang layunin ng paksa?

Correct answer

Mga hakbang na kailangang isagawa upang masagot ang mga tanong sa isinasagawang
pananaliksik
Mga hakbang na kailangang isagawa upang masagot ang mga tanong ng kapanayam
Mga hakbang na kailangang isagawa upang matukoy ang konklusyon sa isinasagawang
pananaliksik
Mga hakbang na kailangang isagawa upang masuri ang metodo ng pananaliksik

Explanation

Ang layunin ay nagsisilbing kabuuang checklist na naglalaman ng mga tanong na dapat sagutin sa pananaliksik.

Report errors
Q2

Single Answer

Question

Ano ang dalawang bahagi ng layunin ng paksa?

Correct answer

Pangkalahatan at tiyak
Pangkatan at isahan
Pang-isahan at pangmaramihan
Pangmag-aaral at pangguro

Explanation

Nauuri sa dalawang bahagi ang layunin--pangkalahatan at tiyak na mga layunin. Ang mga ito ang nagsisilbing gabay
sa isinasagawang pananaliksik.

Report errors
Q3

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring gamitin bilang panimulang salita para sa layunin?

Correct answer

Nakababatid
Nakatutukoy
Nakasusuri
Nakapangangalap

Explanation

Sa pagbuo ng mga layunin ay hindi ginagamit ang salitang nakababatid sapagkat kinakailangan pa itong suportahan
ng iba pang salitang susukat sa matatamong kaalaman buhat sa pag-aaral o pananaliksik.

Report errors
Q4

Single Answer

Question

Tukuyin kung ito ay pangkalahatang layunin, tiyak na layunin, hindi malinaw, o hindi bahagi ng layunin ng paksa.

Paksa: Ang mga epekto ng paninigarilyo sa katawan ng kabataang Pilipino mula 7 hanggang 17 taong gulang

Layunin: Nakatutukoy ng mga epekto ng paninigarilyo sa katawan ng kabataang Pilipino mula 7 hanggang 17 taong
gulang

Correct answer

Pangkalahatan
Tiyak
Hindi malinaw kung pangkalahatan o tiyak na layunin
Hindi ito layunin

Explanation

Ang layunin ay mababasang kapareho ng paksa na nasa anyong naglalahad ng hakbang na nais gawin kung kaya it
o ay pangkalahatang layunin.

Report errors
Q5

Single Answer

Question

Tukuyin kung ito ay pangkalahatang layunin, tiyak na layunin, hindi malinaw, o hindi bahagi ng layunin ng paksa.
Paksa: Ang ugnayan ng pagpapanood ng telebisyon sa mga batang edad 1-2 taong gulang at dalas ng pagdalaw ng
kanilang sumpong

Layunin: Nakapangangalap ng datos ukol sa dalas ng pagpapanood ng telebisyon ng mga magulang sa kanilang mg
a anak na edad 1-2 taong gulang

Correct answer

Tiyak
Pangkalahatan
Hindi malinaw kung pangkalahatan o tiyak na layunin
Hindi ito layunin

Explanation

Nakasaad sa layunin ang isang tiyak na hakbang na maaaring isagawa upang magkaroon ng datos para sa paksa.

Report errors
Q6

Single Answer

Question

Tukuyin kung ito ay pangkalahatang layunin, tiyak na layunin, hindi malinaw, o hindi bahagi ng layunin ng paksa.

Paksa: Ang bisa ng sex education sa mataas na paaralan upang mabawasan ang bilang ng mga teenage pregnancy

Layunin: Malaki ang epekto ng sex education sa pagbawas ng bilang ng teenage pregnancy.

Correct answer

Hindi ito layunin


Tiyak
Pangkalahatan
Hindi malinaw kung pangkalahatan o tiyak na layunin

Explanation

Nakasaad ang paglalarawan sa kinahinatnan ng pag-aaral, kung gayon ito ay maaaring konklusyon at hindi layunin n
g pananaliksik.

Report errors
Q7

Single Answer

Question

Ano ang pinakaangkop na pangkalahatang layunin para sa pananaliksik na ito?

Paksa: Ang iba’t ibang antas ng popularidad ng telebisyon, pelikula, at Internet sa kabataang nasa mataas na paaral
an

Correct answer
Nakapaghahambing ng antas ng popularidad ng telebisyon, pelikula, at Internet sa kabataang nasa
mataas na paaralan
Nakapagsusuri ng epekto ng telebisyon, pelikula, at Internet sa kabataang nasa mataas na paaralan
Nakapagsisiyasat ng ugnayan ng telebisyon, pelikula, at Internet sa kahusayang mag-aral ng
kabataang nasa mataas na paaralan
Nakapangangalap ng impormasyon tungkol sa paggamit ng telebisyon, pelikula, at Internet ng
kabataang nasa mataas na paaralan

Explanation

Mababasa sa paksa na nais malaman ng mananaliksik ang iba’t ibang antas ng popularidad ng tatlong konseptong ta
talakayin, kung kaya masasabing paghahambing ang pangkalahatang tunguhin ng paksa.

Report errors
Q8

Single Answer

Question

Ano ang pinakaangkop na tiyak na layunin para sa paksang ito?

Paksa: Ang iba’t ibang antas ng popularidad ng telebisyon, pelikula, at Internet sa kabataang nasa mataas na paaral
an

Correct answer

Nakapangangalap ng datos hinggil sa dalas ng panonood ng telebisyon ng kabataang nasa mataas


na paaralan
Nakapangangalap ng datos hinggil sa dalas ng paggawa ng gawaing bahay ng kabataang nasa
mataas na paaralan
Nakapagsusuri ng epekto ng telebisyon, pelikula, at Internet sa kabataang nasa mataas na paaralan
Nakapaghahambing ng antas ng popularidad ng telebisyon, pelikula, at Internet sa kabataang nasa
mataas na paaralan

Explanation

Ang datos na ito ay makatutulong upang matukoy ang popularidad ng isang aspekto ng pananaliksik, kung kaya ito a
ng angkop na tiyak na layunin.

Report errors
Q9

Single Answer

Question

Ano ang maaaring pinakaangkop na paksa sa pangkalahatang layuning ito?

Pangkalahatang Layunin: Nakapagsusuri ng pisikal na kalusugan ng mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa


Pilipinas

Correct answer

Ang antas ng pisikal na kalusugan ng mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa Pilipinas


Ang epekto ng edukasyon sa pisikal na kalusugan ng mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa
Pilipinas
Ang ugnayan ng kalusugan sa edukasyon ng mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa Pilipinas
Ang estado ng pag-aaral ng mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa PIlipinas

Explanation

Ito ang maaaring paksa ng pag-aaral dahil direktang tinutukoy nito ang mga konseptong nilalayon ng pananaliksik.

Report errors
Q10

Single Answer

Question

Ano ang maaaring tiyak na layunin ng pangkalahatang layuning ito?

Pangkalahatang Layunin: Nakapagsusuri ng pisikal na kalusugan ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa


Pilipinas

Correct answer

Nakapangangalap ng datos hinggil sa timbang, tangkad, at body fat percentage ng mga mag-aaral
sa pampublikong paaralan sa Pilipinas
Nakababatid ng kabuuang marka ng mga mag-aaral noong nagdaang markahan
Nakapagkukumpara ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Matematika sa asignaturang
Filipino
Nakatutukoy ng mga salik sa akademikong pagganap sa tulong ng teoryang Walhberg

Explanation

Ang konseptong ito ay tumutukoy sa pagtalakay sa kalusugan, kung kaya ito ang maituturing na tiyak na layunin ng p
ananaliksik.

Datos Empirical

Q1

Multiple Choice

Question

Ano ang datos empirikal?

Correct answer

Impormasyong nakalap batay sa mga obserbasyon


Impormasyong nakalap mula sa kapanayam
Impormasyong nakalap mula sa mga aklat
Impormasyong nakalap mula sa survey
Explanation

Ang datos empirikal ay resulta ng pangangalap ng impormasyon gamit ang angkop na metodo ng pananaliksik. Ngun
it hindi dito tumitigil ang paglarawan sa datos empirikal, dahil kailangang masiguro ng pag-aaral na ang mga imporma
syong gagamitin ay nasuri at napatunayang tama ayon sa pangangailangan ng pananaliksik.

Report errors
Q2

Single Answer

Question

Alin sa sumusunod ang hindi uri ng presentasyong datos empirikal?

Correct answer

Parentetikal
Tekstwal
Grapikal
Tabular

Explanation

Ang mga uri ng presentasyon ng datos empirikal ay ang mga sumusunod lamang: tekstwal, grapikal, at tabular. Ang
parentetikal ay isang paraan ng dokumentasyon ng mga pinagkunang impormasyon.

Report errors
Q3

Single Answer

Question

Alin sa sumusunod na graph ang nagpapakita ng datos na porsyento o bahagi ng isang kabuuan?

Correct answer

Pie Graph
Bar Graph
Line Graph
Talahanayan

Explanation

Ang pie graph ay isa sa magagamit na anyong grapikal na presentasyon ng datos. Mainam itong gamitin ng mananali
ksik kung nais niyang maipamalas ang maraming datos na numerikal sa anyong porsyento.

Report errors
Q4

Single Answer

Question

Anong bahagi ng pananaliksik ang ipinapakita sa halimbawang presentasyon ng datos empirikal?


Pananaliksik: Ang mga kabataang Pilipinong kinuhanan ng opinyon ay nasa edad na 14-17 na taong gulang. Binigy
an sila ng checklist sa survey noong ika-18 ng Enero, 2015. Naglalaman ito ng mga tanong tungkol sa kanilang nais
na kuning kurso pagdating sa kolehiyo. 100 na survey ang inilabas subalit 92 lamang ang naibalik sa mananaliksik.

Correct answer

Paglalarawan sa Metodo ng Pananaliksik


Presentasyon ng Datos
Tentatibong Papel
Layunin ng Paksa

Explanation

Mayroong mga piniliing tagatugon para sa survey. Bukod pa rito, naisaad rin ang mga tanong na siyang ginamit upan
g masagutan ang paksa, kung kaya ito ay paglalarawan pa lamang ng metodo ng pananaliksik at hindi pa mismong p
resentasyon ng datos.

Report errors

Q6

Single Answer

Question

Anong bahagi ng pananaliksik ang ipinapakita sa halimbawang presentasyon ng datos empirikal?

Pananaliksik: Nagpamigay ng talatanungan ang mananaliksik sa mga kapitan ng barangay ng lungsod ng Marikina
noong ika-13 ng Marso, 2016. Naglalaman ang talatanungan ukol sa kung paano makatutulong ang gobyerno sa pro
blema ng pagbaha sa Metro Manila. Labindalawang kapitan ng barangay ang nabigyan ng talatanungan at lahat sila
ay nakasagot.

Correct answer

Paglalarawan sa Metodo ng Pananaliksik


Presentasyon ng Datos Empirikal
Pagbuo ng Pinal na Draft
Pagbuo ng Balangkas

Explanation

Isinasaad ang paraan ng pagkalap ng datos at ito ay sa pamamagitan ng talatanungang ipinamigay sa iilang tagatug
on.

Report errors
Q7

Single Answer

Question

Ano ang angkop na anyo ng presentasyon ng datos empirikal para sa paksa at metodo ng pananaliksik na ito?

Paksa: Ang iba’t ibang antas ng popularidad ng telebisyon, pelikula, at Internet sa mga kabataang nasa mataas na p
aaralan
Metodo ng Pananaliksik: Nagdisenyo ng survey ang mananaliksik na ipamimigay sa 80 tagatugon. Karamihang tan
ong ay naghahanap ng sagot tungkol sa kung ano ang pinakasikat na medium ng entertainment sa mga kabataang n
asa mataas na paaralan. Nais ng mananaliksik na makita kaagad ang agwat ng pagkakaiba sa pagitan ng mga datos
na paghahambing.

Correct answer

Bar Graph
Bullet List
Patalata
Pie Graph

Explanation

Layon ng pananaliksik na maikumpara ang popularidad ng tatlong medium ng entertainment. Naaangkop ang presen
tasyon sa pamamagitan ng bar graph dahil maipagtatabi-tabi ang numerikal na datos nang hindi na kailangang ilaraw
an pa sa anyong patalata. Mas angkop ito kaysa sa pie graph, sapagkat ang pie graph ay ginagamit kung nais ipakita
ang porsyento ng bawat bahagi sa kabuuang porsyento nito.

Report errors
Q8

Single Answer

Question

Ano ang angkop na anyo ng presentasyon ng datos empirikal para sa paksa at metodo ng pananaliksik na ito?

Paksa: Pagtatasa sa kalinisan ng mga silid-aralan sa mga mababang pampublikong paaralan

Metodo ng Pananaliksik: Sa pamamagitan ng masinsing obserbasyon, itatala ng mananaliksik kung ano ang lagay
ng mga espasyo sa bawat silid-aralan. Gumamit ng checklist ang mananaliksik at minarkahan ang mga lugar na mali
nis at iniwang blangko ang mga hindi. Nais ng mananaliksik na bigyang pansin ang bawat datos na ililista.

Correct answer

Tabular
Bar Graph
Basic Processs
Patalata

Explanation

Sa anyong checklist o talahanayan, madaling mabasa ang resulta ng mga obserbasyon. Ito ang pinakaangkop na uri
ng presentasyon ng datos upang maipabasa kaagad ang antas ng kalinisan sa pagpapakita ng mga check mark sa
mga nilagyan.

Report errors
Q9

Single Answer

Question

Ano ang angkop na anyo ng presentasyon ng datos empirikal para sa paksa at metodo ng pananaliksik na ito?
Paksa: Pagtatasa sa kahusayan ng mga mag-aaral na tumukoy ng mga puno at halaman sa paaralan

Metodo ng Pananliksik: Binigyan ng maikling pagsusulit ang mga mag-aaral mula sa ika-7 hanggang ika-11 na bait
ang upang malaman kung alam nila ang pangalan ng 20 na larawan ng mga puno at halaman. Matapos nito, kinuha
ang kanilang mga puntos at pinagsama-sama ang mga resulta ng magkakabaitang. Nais ng mananaliksik na makita
kaagad ang agwat ng pagkakaiba sa pagitan ng mga datos na ipaghahambing.

Correct answer

Bar Graph
Pie Graph
Patalata
Organization Chart

Explanation

Sa anyong bar graph maipamamalas ang antas ng marka ng mga estudyanteng naipangkat sa bawat baitang. Bukod
pa rito, maipagtatabi-tabi ang mga indibidwal na resulta at madaling makasusulat ng pagsusuri sa kung anong baitan
g ang pinakanangangailangan ng tulong pagdating sa pagiging mahusay sa nasabing paksa.

Report errors
Q10

Single Answer

Question

Ano ang angkop na anyo ng presentasyon ng datos empirikal para sa paksa at metodo ng pananaliksik na ito?

Paksa: Pagsusuri sa pangangailangang mag-ehersisyo ng mga kabataang mag-aaral sa mataas na paaralan

Metodo ng Pananaliksik: Nangalap ng mga case study ang mananaliksik upang makuha ang mga propesyunal na o
pinyon ng mga doktor at nars ng mataas na paaralan. Pakay ng mananaliksik na bigyang diin ang magkakaparehong
opinyon at magkaroon ng hiwalay na talata para sa naiibang obserbasyon.

Correct answer

Patalata
Pie Graph
Tabular
Line Graph

Explanation

Mainam kung nasa anyong patalata ang presentasyon ng datos, dahil sa paraang ito makapagbibigay diin sa magkak
aparehas at magkakaibang opinyon nang hindi tinitipid ang mga detalye. Sa paraang patalata ay maaaring makapag
sulat ng buod ng mga resulta at makapaghalaw ng mga eksaktong sinabi ng mga kinuhanan ng case study.

Mga Wastong Panimula sa Pananaliksik

Q1

Single Answer
Question

Ano sa kabuuan ang tinatalakay ng panimula o unang bahagi ng pananaliksik?

Correct answer

Paglalarawan sa pagsasagawa ng pananaliksik


Pagtutuos ng mga datos na nakalap para sa pananaliksik
Paglalagom ng mga ideyang tinalakay sa pananaliksik
Pagpapakita ng mga datos na ginamit sa pananaliksik

Explanation

Ang unang bahagi ng pananaliksik ay paglalarawan pa lamang sa kung paano isinagawa ang pananaliksik upang ma
kapagbigay sa mga mambabasa ng paunang kaalaman ukol sa paksa.

Report errors
Q2

Single Answer

Question

Bakit mahalagang makapaglahad ng matitibay na punto tungkol sa paksang pinag-aaralan sa unang bahagi pa lama
ng na pananaliksik?

Correct answer

Upang makuha ang interes ng mambabasa


Nang sa gayon ay mabuo agad ang kongklusyon
Upang agad na makapagbigay ng rekomendasyon
Nang magkaroon ng ideya ukol sa mga sangguniang ginamit

Explanation

Ang mahahalagang puntong inilahad sa panimula pa lamang ng pananaliksik ang magbibigay ng interes sa mga ma
mbabasa na ipagpatuloy na basahin ang isang pananaliksik.

Report errors
Q3

Single Answer

Question

Bakit ang bawat bahagi ng pananaliksik ay mahalaga sa bawat isa?

Correct answer

Magkakaugnay ang bawat bahagi


Malawak ang paksang tinatalakay
Nagsusuri ng mga bagay-bagay
Tugon sa suliraning inilahad
Explanation

Ang bawat bahagi ng pananaliksik ay magkakaugnay sa isa’t isa, paraan ito upang higit na maging malinaw ang pagt
alakay sa paksa.

Report errors
Q4

Single Answer

Question

Sa anong bahagi ng panimula ng pananaliksik nakapaloob ang sitwasyon?

Iniisip ni Adam kung anong graphic organizer ang maaari niyang gamitin upang madali niyang maipakita sa mga ma
mbabasa ang konsepto ng kaniyang pananaliksik.

Correct answer

Balangkas Konseptwal
Balangkas Teoretikal
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon

Explanation

Ang balangkas konseptwal ay paglalarawan sa konsepto ng mananaliksik sa paksang kaniyang pinag-aaralan.

Report errors
Q5

Single Answer

Question

Sa anong bahagi ng panimula ng pananaliksik nakapaloob ang sitwasyon?

Sa pananaliksik na isinasagawa ni William ay ninanais niyang maunawaan ng mga mambabasa ang benepisyong hat
id sa kanila ng pag-aaral na kaniyang isinasagawa.

Correct answer

Kahalagahan ng Pag-aaral
Kaligirang Pangkasaysayan
Saklaw at Limitasyon
Balangkas Teoretikal

Explanation

Nilalaman ng kahalagahan ng pag-aaral ang importansyang hatid ng pag-aaral para sa mga mambabasa, pati na rin
ang kontribusyong maibibigay nito sa lipunan.

Report errors
Q6

Single Answer
Question

Sa anong bahagi ng panimula ng pananaliksik nakapaloob ang sitwasyon?

Ang pangunahing datos na ginawa ng mananaliksik ay batay sa mga datos na nakalap mula sa survey sa paraang ra
ndom sampling, kung saan ay matutukoy kung paano nakauugnay ang mga katugon o respondents sa pag-aaral na
kaniyang ginawa.

Correct answer

Saklaw at Limitasyon
Batayang Teoretikal
Paglalahad ng Suliranin
Kahulugan ng mga Terminong Ginamit

Explanation

Hindi lamang ang lawak ng sakop ng pag-aaralan sa pananaliksik ang nilalaman ng saklaw at limitasyon, inilalahad ri
n nito ang katatagpuan o batayan ng datos at bilang ng mga naging katugon.

Report errors
Q7

Single Answer

Question

Sa anong bahagi ng panimula ng pananaliksik nakapaloob ang sitwasyon?

Siniguro ng mananaliksik na mauunawaan ng mga mambabasa ang mahahalagang salitang kaniyang ginamit sa pan
analiksik na kaniyang isinagawa.

Correct answer

Kahulugan ng mga Terminong Ginamit


Balangkas Teoretikal
Kaligirang Pangkasaysayan
Kahalagahan ng Pag-aaral

Explanation

Ang mahahalagang salitang ginamit sa pananaliksik ay mahalagang ibigay ang kahulugan, nang sa gayon ay lubos n
a maunawaan ng mga mambabasa ang kabuuan ng pananaliksik.

Report errors
Q8

Single Answer

Question

Ang mga naunang pag-aaral na may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan ay maaaring gamiting batayan para sa gi
nagawang pananaliksik.

Correct answer
Tama, sa katunayan ay kasama itong tinatalakay sa kaligirang pangkasaysayan ng pananaliksik.
Mali, sapagkat ang napag-aralang paksa ay hindi na maaaring buksan pang muli.
Tama, sapagkat ang mga paksa sa pananaliksik ay sadyang inuulit-ulit sa paraang gamitin itong
batayan.
Mali, sa katunayan ay walang anumang pag-aaral na ginamit sa isa pang pag-aaral upang gawing
batayan.

Explanation

Napakalawak ng sakop ng maraming paksang maaaring gamitin para sa isang pananaliksik, kung kaya hindi imposibl
eng maraming pag-aaral ang mayroong kaugnayan sa iba pang pananaliksik at magamit ang mga ito bilang batayan.

Report errors
Q9

Single Answer

Question

Sa paglalahad ng mga suliranin ay mababakas ang paksang nais talakayin ng pag-aaral.

Correct answer

Tama, sapagkat ang suliranin ay nakabatay sa paksa ng pananaliksik.


Mali, sapagkat magkaiba ang nilalaman ng paglalahad ng suliranin sa paksa ng pananaliksik.
Tama, sapagkat ang suliranin at paksa ay halos iisa lamang sa pananaliksik.
Mali, sapagkat tanging sa mga layunin lamang nakaugnay ang mga suliranin.

Explanation

Sa pagbuo ng pananaliksik ay kailangang mayroong makabuluhang paksa, buhat sa paksa ay bubuo ng mga kaugna
y na suliranin/tanong, at ang mga suliraning ito ay nakaugnay naman sa mga layunin.

Report errors
Q10

Multiple Choice

Question

Ang mga pananaliksik na naisagawa na ay masasabing mayroong pakinabang na inihatid para sa mga mambabasa.

Correct answer

Tama, sapagkat bawat pananaliksik ay masusing sinuri ng mga tagapayo.


Mali, sapagkat ito ay bahagi lamang ng mga pangangailangan sa kurso.
Tama, sapagkat sa pagbuo pa lamang ng paksa ay kailangang mabakas na kung ito ay kapaki-
pakinabang sa mga mambabasa.
Mali, sapagkat napakalimitado ng mga paksang pinag-aaralan sa mga pananaliksik.

Explanation

Mahabang proseso ang pagsasagawa ng pananaliksik, kabilang na rito ang masusing pag-iisip ng kapaki-pakinaban
g na paksa para sa mga mambabasa upang maaprubahan ng tagapayo ang napiling paksa.
Pangangalap ng Datos: References, Survey at Interbyu

Q1

Single Answer

Question

Dito matatagpuan ang mga aklat at iba pang maaaring sangguniang mapagkukunan ng kinakailangang datos.

Correct answer

Internet
Aklatan
Panayam
Sarbey

Explanation

Ang aklatan ang isa sa pinakamagandang lugar na kailangang puntahan upang makapangalap ng maraming imporm
asyon at datos sapagkat ito ay binubuo ng mga aklat, tesis, disertasyon, magasin, newspaper, clipping, at marami pa
ng iba.

Report errors
Q2

Single Answer

Question

Anong card catalog ang ginagamit kapag tiyak na ang pamagat ng aklat?

Correct answer

Author card
Subject card
Title card
Topic card

Explanation

Mabisang paraan na gamitin ang card catalog sa pananaliksik lalo pa kung alam na ng mananaliksik ang pamagat ng
aklat sapagkat ang kaniyang hahanaping card catalog ay title card.

Report errors
Q3

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod ang ginagamit kapag ukol sa komersyo ang pupuntahang website?

Correct answer

.org
.edu
.gov
.com

Explanation

Ang .com ang ginagamit kapag ang website na pupuntahan ay ukol sa isang komersyo.

Hal: www.ayosdito.com

Report errors
Q4

Single Answer

Question

Ito ay paraan ng pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pamimigay ng questionnaire sa mga respondente.

Correct answer

Panayam
Sarbey
Internet
Aklatan

Explanation

Ang sarbey ang paraan ng pangangalap ng datos na gumagamit ng questionnaire o talatanungan. Ang paraang ito a
y nangangailangan ng malawak na respondente upang higit na maging tama ang resulta ng sarbey.

Report errors
Q5

Single Answer

Question

Sa paraang ito, pumipili ang mananaliksik ng taong eksperto sa paksa.

Correct answer

Panayam
Internet
Sarbey
Aklatan

Explanation

Sa pagsasagawa ng isang panayam ay kailangang pumili ng taong mayroong malawak na kaalaman ukol sa paksan
g pinag-aaralan, nang sa gayon ay magkaroon ng maganda at kapaki-pakinabang na resulta ang pananaliksik na isin
agawa.

Report errors
Q6
Single Answer

Question

Bakit sinasabing mas tama ang mga datos mula sa sarbey kaysa panayam?

Correct answer

Nagsasabi ng totoo ang mga respondente


Magaganda ang mga nabubuong katanungan
Mas maraming katanungan dito kaysa panayam
Madaling itala ang mga sagot ng mga respondente

Explanation

Sinasabing mas tama ang sarbey kaysa panayam sapagkat sa tulong ng tseklist ay madaling naitatala ang mga nagi
ng sagot ng mga respondente sa kabila ng dami ng mga naging respondente o tagatugon.

Report errors
Q7

Multiple Choice

Question

Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin matapos ang ginawang pagsasarbey?

Correct answer

Itago ang nakuhang impormasyon maging ang pagkatao ng tagatugon


Ipamalita ang nakuhang personal na impormasyon tungkol sa respondente
Magpasalamat sa mga naging tagatugon
Ibigay ang questionnaire sa susunod pang mga mananaliksik

Explanation

Matapos ang ginawang sarbey, dapat ay itago ang mga impormasyong nakalap mula sa tagatugon kasama ang pagk
atao nito. Tiyaking maililihim ang mga impormasyon ukol sa mga naging tagatugon bilang paggalang sa kanilang pag
katao. Magpasalamat sa kanilang paglalaan ng oras sa pagsasagot sapagkat malaki ang kanilang naiambag sa iyon
g pananaliksik.

Report errors
Q8

Multiple Choice

Question

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama?

Correct answer

Sa Internet lamang makahahanap nang wasto at pinakabagong datos


Hindi na makatotohanan ang mga impormasyong nasa mga lumang aklat
Hindi palaging mapagkakatiwalaan ang mga datos na makukuha mula sa Internet
Mas madaling makahanap ng impormasyon sa Internet kaysa aklat

Explanation

Hindi palaging mapagkakatiwalaan ang mga datos na makukuha mula sa Internet sapagkat mayroong mga website n
a naglalathala ng mga maling impormasyong maaari pang baguhin. Mas madali ring makahanap ng impormasyon s
a Internet kaysa aklat sapagkat kailangan mo lamang ipasok ang keyword sa search engine at kaagad nang lalabas
ang mga impormasyong kailangan.

Report errors
Q9

Multiple Choice

Question

Anong katangian ang dapat pairalin ng isang tagapanayam?

Correct answer

Mapanuri
Magalang
Matiyaga
Makulit

Explanation

Ang isang tagapanayam ay dapat maging mapanuri, magalang, at matiyaga. Dapat siyang maging mapanuri sa mga
sagot na inilalahad ng kinakapanayam upang masigurong ito ay tama. Dapat din siyang maging magalang sapagkat
ang tagapanayam ay nakikiusap lamang at humihingi ng pabor. Ang pagiging matiyaga ay kailangan din upang maka
kuha ng kinakailangang impormasyon sa isang eksperto.

Iba pang Konseptong Kaugnay sa Pananaliksik


Q1

Single Answer

Question

Ayon kay_, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap ng mga datos at impormasyon.

Correct answer

Aquino
Manuel
Medel
Good

Explanation

Si Aquino (1974) ay nagbigay ng detalyadong depinisyon ukol sa pananaliksik. Ayon sa kaniya, ang pananaliksik ay i
sang sistematikong paghahanap ng mga datos at impormasyon.
Report errors
Q2

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng pananaliksik?

Correct answer

Masipag
Matiyaga
Matapang
Emperikal

Explanation

Ang ibang pagpipilian ay katangian ng mananaliksik hindi ng pananaliksik.

Report errors
Q3

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng mananaliksik?

Correct answer

Sistematiko
Maingat
Kontrolado
Mapanuri

Explanation

Ang kontrolado ay isa sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mabuting pananaliksik. Ito ay tumutukoy sa hindi d
apat kontrolin ng mananaliksik ang resulta ng mga datos lalo pa kung ito ay eksperimental.

Report errors
Q4

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod ang katangiang dapat taglayin ng mananaliksik sa pagtatala ng mga datos at impormasyon
upang maiwasan ang pagkakamali sa isinasagawang pananaliksik?

Correct answer

Sistematiko
Matiyaga
Maingat
Matapang

Explanation

Sa pagiging maingat ng mananaliksik ay naiiwasan ang anumang pagkakamali sa pagtatala ng mga datos at imporm
asyon sa isinasagawang pananaliksik.

Report errors
Q5

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng pananaliksik na nagpapakita ng walang anumang pagkiling sa alinmang n
akalap ng mga datos at impormasyon?

Correct answer

Obhetibo
Emperikal
Orihinal na akda
Sistematiko

Explanation

Ang pagiging obhetibo ay nagpapakita ng walang anumang pagkampi na ipinakita sa ibinigay na sitwasyon batay sa
mga nakalap na datos at impormasyon.

Report errors
Q6

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod na katangian ng mananaliksik ang nagpapakita ng pagsisiyasat sa mga nakuhang datos at i
mpormasyon?

Correct answer

Maingat
Mapanuri
Masipag
Matapang

Explanation

Ang pagiging mapanuri ay pagsasagawa ng masusing pag-aaral o pagsisiyasat sa mga nakalap na datos.

Report errors
Q7

Single Answer
Question

Aling katangian ng pananaliksik ang kinakailangang taglay rin ng mananaliksik upang organisado ang pagkakasulat n
ito?

Correct answer

Emperikal
Sistematiko
Obhetibo
Matapang

Explanation

Ang pagiging sistematiko ng isang mananaliksik ay nagbubunsod ng pagiging sistematiko rin ng pananaliksik. Maaari
ng repleksiyon ng mananaliksik ang pagkakabuo sa ginawang pananaliksik.

Report errors
Q8

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon o gawain ang nagpapakita ng paggamit ng istatistikal na metodo ng pananaliks
ik?

Correct answer

Pagsusuri sa mga impormasyong nakalap


Pagsasagawa ng mga sarbey o interbyu
Pagtatala ng mga datos na ginagamitan ng porsyento
Pagbuo ng konklusyon sa resulta ng pananaliksik

Explanation

Sa pagtatala ng mga datos na ginagamitan ng porsyento ay sadyang ginagamitan ito ng istatistikal na metodo ng pan
analiksik.

Report errors
Q9

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon o gawain ang nagpapakita ng pagiging matiyaga ng mananaliksik?

Correct answer

Paulit-ulit na pagrerebisa sa mga nakalap na datos at impormasyon


Pagsusuri ng mga datos at impormasyong nakalap
Pagkakaroon ng matatag na kalooban sa pagharap sa mga hindi kanais-nais na pangyayari
Paggawa ng magkasunod na kabanata ng pananaliksik
Explanation

Ang paulit-ulit na pagrerebisa sa mga nakalap na datos at impormasyon ay isang gawaing kailangang pagtiyagaan s
apagkat sadyang mahirap ang ganitong gawain—ang muling balikan ang mga datos at impormasyon upang muling p
ag-aralan.

Report errors
Q10

Single Answer

Question

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon o gawain ang nagpapakita ng katangiang ang pananaliksik ay orihinal na akda
?

Correct answer

Ang mga datos at impormasyon ay bago.


Ang pagpapaliwanag ay sinisigurong paniniwalaan ng babasa ng pananaliksik.
Ang interpretasyon sa mga datos na nakalap ay mula mismo sa isipan ng mananaliksik.
Ang pagsusuri ay isinunod sa mga pagsusuri ng mga naunang nagsaliksik.

Explanation

Ang mga nakalap na datos at impormasyon ukol sa isinasagawang pananaliksik ay kinakailangang pag-aralan ng ma
nanaliksik upang bumuo ng sarili niyang interpretasyon nang sa gayon ay matawag na orihinal ang pananaliksik na bi
nuo.

You might also like