Tiktaktok at Pi

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Tiktaktok at Pikpakbum

Ang magkapatid na palaging nag-aaway

Magkapatid sina Tiktaktok at Pikpakbum

Pero magkaiba ang ugali nila.

Kaya madalas, nag-aaway sila

grrrrr....meeeaaw

Maraming kalaro si Tiktaktok

Marami namang kagalit si Pikpakbum

grrr..aw! aw!aw

Marunong bumilang si Tiktaktok,

"Isa,dalawa,tatlo,"

Marunong bumilang si Tiktaktok,

"Isa,dalawa,tatlo,"Sagot naman ni Pikpakbum,

"Ang tatay mong kalbo,

Malusog si Tiktaktok dahil mahilig


siya sa gatas.prutas at gulay.Pero sakitin si Pikpakbum dahil

mahilig siya sa softdrinks at junkfoods

Tumutulong si Tiktaktok

sa mga gawaing bahay.

Pero si Pikpakbum,

laging naglalaro sa

lansangan.

Isang araw, may napulot na karne si Tiktaktok,

"Tingnan mo ito," sabi pa niya kay Pikpakbum.Kinuha ni Pikpakbum ang karne at tinikman.

"Ang sarap," sabi pa ni Pikpakbum.

Mabilis na tumakbo si Pikpakbum at

tinangay ang kapirasong karne."Pahingi naman," sigaw ni Tiktaktok.Sumagot si Pikpakbum,

"kainin mo paa mo!"

at tumawa habang tumatakbo


At naghabulan ang dalawa.

Nakapagtago agad si Pikpakbum

Hingal na hingal naman si Tiktaktok.

Nang hindi makita ang kapatid, naupo na lamang

siya sa tabi ng punong kahoy.

Habang nagpapahinga si Tiktaktok,may dumating na isang matadero.

"May nakita ka bang magnanakaw na may dala-dalang karne?"Wala ho," sagot ni Tiktaktok.

Ninakaw pala ang karne sa palengke,

naisip ni Tiktaktok."Masamang kainin ang karneng iyon dahil

bulok at may lason ng daga,"

sabi ng matadero.

Tumakbo agad si Tiktaktok at

sumigaw, "Pikpakbum! Pikpakbum!

Huwag mong kainin ang karne!

May lason yan!.


Nang makita nila sa isang sulok si Pikpakbum

ay umiiyak ito. "Aruy ko po! ang sakit ng tiyan ko!"Pinahiga agad ng matadero si Pikpakbum.

Diniinan niya ito sa tiyan hanggang sa magsuka ng

magsuka.Pagkatapos,kumuha ng tubig si Tiktaktok

at pinainom ang kapatid. Saka pa lamang nawala ang

sakit ng tiyan nito.

Mula noon nagbago na si Pikpakbum.

Hindi na sila nag-aaway ng kanyang kapatid.

Hindi na rin niya ito nilalamangan.

Naging magkaibigan na sila.

Ginintoang aral: mahalin ang kapatid

at tulungan sa mga gawaing

bahay.

"Huwag manglalamang sa kapwa".

You might also like