Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Sa iyong palagay, ano ang layunin ng may akda sa

pagsulat niya ng akdang saranggola


Sa aking palagay isinulat ni Efren R. Abueg ang kwentong Saranggola upang magbigay aral sa mga
kabataan ukol sa kahalagahan ng tamang paggastos at pagtitipid sapagkat ito ang maghahanda sa kanila
sa mga hamon ng buhay upang kapag sila ay tumanda magkaroon sila ng matatag na prinsipyo na
maaari din nilang ituro sa kanilang mga magiging anak.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/2007203#readmore


SARANGGOLA
Ni Efren R. Abueg
Aral:
Hindi salapi at kapangyarihan na kung minsa’y parang bulang nawawala ang pinakamabuting
pamana ng magulang sa anak. Matinik ang landas na kanyang kanyang tatahakin kaya katatagan,
mabuting asal at edukasyon ang pinakamatibay na patnubay upang marating niya ang
patutunguhan.
Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kuwentong ito.
May isang batang lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon.
“Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola,” wika ng ama.
“Hindi ako marunong, tatay”, anang batang lalaki.
“Madali ‘yan tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.
Bumili nga ito ng papel at kawayan; tinuruang gumawa ng saranggola ang anak.
Ngunit nang nagpapalipad na ng saranggola ang bata, ang taas niyon ay laging nahihigitan ng
guryon – ang malalaking saranggola.
“Tatay…ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama.
“Anak…pag-aralan mo na lamang mapalipad nang mataas ang saranggola. Madadaig mo ang taas
at lipad ng guryon!”
Nainis ang bata sa kanyang ama.
“Kinakantiyawan ako sa bukid, Tatay, anang bata. “Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang
estasyon ng gasoline sa bayan…bakit daw kayliit ng saranggola ko!’.
Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang bata.
Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ng
pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba
namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali
At nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak.
Minsan, sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali. Umalagwa ang
saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang nakasampid sa isang balag.
“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama.”Kung guryon ‘yan, nawasak na dahil sa
laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at
tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at
kung bumagsak, laging nawawasak.”
Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos siya. May iba
na siyang hilig: damit , sapatos, malaking baon sa iskuwela, pagsama-sama sa mga kaibigan.
“Anak…dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira saka na
papalitan. Magtipid ka rin sa mga damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang
salapi,” pagunita ng kanyang ama.
“Kaawa-awa nga ako, Tatay,” katwiran ng bata. “Anak ako ng tanging may-ari ng estasyon ng
gasolinahan at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko…parang anak ng pobre.”
“Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa iskuwela at husto ka rin sa
pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang batang tulad mo. Hindi natututuhan
ang pagtitipid.”
Hindi maunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito. Tinipid siya
sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga kabarkada at madalas, pinatatao sa
estasyon ng gasolinahan at pinatutulong sa machine shop kung araw na walang klase.
“Pinahihirapan talaga ako ng Tatay,” puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng bata sa ina.
“Kaisa-isa pa naman akong anak, turing niya sa akin…parang ampon.”
“Hindi totoo ang sinabi mo, Anak,” malumanay na sansala ng kanyang ina sa paghinanakit niya sa
ama. “Alam mo, mataas ang pangarap niya para sa iyo.”
“Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?”
“Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero.”
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman, hindi siya
makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati na ang kanyang ina.
Nang labingwalo na siya, napagkaisahan ng kanyang mga kabarkada na kumuha sila ng
Commerce.
“Mabuti ‘yon. Magsama-sama na tayo sa isang unibersidad,” mungkahi ng isa sa limang
magkakaibigan.
Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito.
“Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang Commerce. Palagay ko Mechanical Engineering ang
bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina.”
Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa ina.
“Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin ko engineering nga ang bagay sa
iyo. May machine shop tayo… sino ba ang magmamana niyon kundi ikaw?”
Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-isa siya sa
pag-aaral sa lungsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang
kanyang nadarama.
”Ayoko nang mag-aral, Inay,” sabi niya sa kayang ina nang dalawin siya nito sa dormitory.”Tipid ,
pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto niya ba akong
pahirapan?”
Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban.
“Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong
hinaharap.”
“Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”
“Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at magtagumpay ka sa
hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.”
“Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba’t ipapamana ninyo sa akin ni Itay ang ating
kabuhayan?”
“Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi mo alam ang mga
hirap sa pagtatayo niya.”
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang makapagtitiis pa siya.
Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.
Nakatapos naman ng inhenyeria ang binata. Hindi siya nanguna sa klase, ngunit sa pagsusulit ng
gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang dalawampu.
“Ngayon, anak… bibigyan kita ng sampung libong piso. Gamitin mo sa paghahanapbuhay,” sabi ng
kanyang ama nang makuha na niya ang lisensya bilang Mechanical Engineer.
Namangha siya.
“Akala ko…ako na ang hahawak sa ating machine shop pagkatapos ko ng pag-aaral, nawika niya sa
ama.
“Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko …magpundar
ka ng sariling negosyo.”
“Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo.”
“Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong mga paa.”
Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng tirahan sa mga
magulang.
“Alam kong malaki ang hinanahit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip mong ang
kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.”
Ngunit may lason sa kanyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinasabi ng kanyang ina. Naging
lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama. Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng
kanilang bayan. A -gad-agad siyang pinagsadya ng kanyang ama.
“Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop? Magkukumpetensiya pa tayo rito.”
“Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, Itay.”
Natigilan ang kanyang ama, saka napailing. Nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan.
“Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan.”
May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala sa kanyang maliit na machine shop sa
dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na malaki ang machine shop ng kanyang
ama at mahusay ang mga tauhan nito. Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga
kinukunan niya ng mga materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang kanyang
ginagamit.
Napilitan siyang lumapit sa ama upang mangutang ng labinlimang libong piso para mabawi ang
kanyang mga makina.
“Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa mungkahi ko na umiwas sa
kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng puhunan sa sarili mong pagsisikap.”
Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga magulang. Dumabog siya sa
harap ng ama.
“Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba ninyong makitang
nahihirapan ako?”
“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali ang mabuhay sa
mundo, anak!”
“Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?”
“Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo nila sa
mga ito.”
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang nagpaalam
kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saang-saang trabaho hanggang pagkaraan ng limang taon,
nakaipon siya ng sampung libong piso at nakabili ng isang maliit na machine shop. Kumontrata siya
ng paggawa ng tambutso sa isang auto assembler at kumita siya ng malaki. Sa loob ng tatlong taon,
gumawa na rin ang machine shop niya ng mga partes ng kotse.
Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang binata ng kanyang may edad nang ina.
Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, may pasalubong ito , gaya nang dati sa tatlong apong
lalaki.
“Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw rito dahil sa hinanakit
mo, sabi ng kanyang ina.
“Kinalimutan ko na Inay… na nagkaroon ako ng ama!”
Umiyak ang kanyang ina.
“Kung gayon, baka hindi na kayo magkita, anak!” nawika nito bago umalis. Sa tindi ng hinanakit ,
hindi pa rin binigyang-halaga ang bulalas na iyon ng kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho,
naghanap pa ng mga bagong kontrata hanggang sa loob ng dalawa pang taon, kilala na ang
kanyang machine shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at tatlong
anak sa bahay.
“Nasaan sila?” usig niya sa mga katulong.
“Umuwi ho uli sa probinsiya… patawirin daw ho ang inyong ama!”
“Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?”
Tumango ang tinanong na katulong.
“May dalawang taon na hong parati silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong matanda.”
May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa pagkaunawang
patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang masasayang sandali sa piling nito.
Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay at tiyaga
at ingat iyan!”
Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng kanyang ama.
Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik sya sa bayang sinilangan.
“Patay na siya! Bulalas ng kayang asawang umiiyak sa kanyang dibdib.
May nabugnos na moog sa kanyang puso. Ang hinanakit ay nahalinhan ng pagsisisi. Nilapitan niya
ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang marahan, kasamang nagdalamhati ang lahat ng
himaymay ng kanyang laman.
“Huwag kang umiyak…. Namatay siyang walang hinanakit sa iyo, “ anas ng kanyang ina.
“Wa-walang hinanakit?”
“Oo, anak…dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. at sabi niya sa akin, pati sa
asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”
Nang lapitan niya ang kabaong ng kanyang ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag
ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod iyon, nagunita na naman niya ang
pagpapalipad nila ng saranggola.
“Wala sa laki ng saranngola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Nasa husay, tiyaga
at ingat ‘yan. Hayaan mo.. tuturuan kita!” paliwanag ng ama.
Rading, Paquito at Nelson… tandaan ninyo ang kuwentong iyan. Kuwento ‘yan naming ng inyong
namatay na lolo. Kuwento naming ‘yang dalawa.
A. Kasanayan sa Pag-unawa
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang aral na nais itanim ng ama sa isipan ng anak sa pamamagitan ng pagpapalipad ng
saranggola?
2. Bakit hindi nagtagumpay ang unang negosyong itinayo ng anak?
3. Bakit sinasabing mabuting magturo ang karanasan?
4. Patotohanan o pasinungalinga ang pahayag:
A. Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo nila
sa mga ito.
B. Hindi dapat bigyan ng sobra sa pangangailangan ang isang anak.
C. Madaling mawaldas ang kabuhayan o kayamanang hindi pinaghirapan.
D. Laging kabutihan ng anak ang iniisip ng magulang
5. Anong ugali kaya ng anak ang nakikita ng ama kaya’t tiniis niyang mahirapan ito gayong kayang-
kaya niyang bigyan ito ng malayaw na buhay?
B. Pagpapahalagang Pangkatauhan
1. Bagamat ika’y kabataang may kainitan ang damdamin, madaling magtampo , madaling magalit,
kailangan mo pa ring unawain ang mga layunin ng iyong mga magulang kung sila’y nangangaral o
naghihigpit sa iyo. Ano ba ang bahagi sa buhay ng anak ang mga pangaral at paghihigpit ng mga
magulang?
2. Suliranin mo ba ang kahigpitan ng mga magulang? Paano mo ito hinaharap?
3. Paano mo naman tinatanggap ang mga pangaral ng iyong magulang. Ipaliwanag ang iyong sagot.
URING BASA: SARANGGOLA ni Efren R. Abueg

PAGKILALA SA MAY AKDA:

Si Efren R. Abueg (Marso 3, 1937) ang isa sa mga


ginagalang na nobelista, kuwentita, mananaysay, at kritiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa
kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kwento. Ilan
sa mga parangal ni Efren R. Abueg ay ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
sa taong (1959, 1960, 1963, 1964, 1967 at 1974). Sumulat at nag-edit din ng maraming mga
sanggunian aklat at ginamit hanggang sa kasalukuyan sa kapwa pribado at publikong paaralan,
mula elementary, sekundarya hanggang sa kolehiyo.

URI NG PANITIKAN:

Ang Saranggola ni Efren R. Abueg ay isang Maikling kwento.

LAYUNIN NG MAY AKDA:


Ang unang layunin ng may akda ay ang ipamulat sa lahat ng mga kabataan na hindi lahat ng
ating mga iniisip ang tama, hindi lahat nang sa tingin natin ay tama, ay tama na rin sa mata ng
ibang tao dahil tayong ay magkakaiba. Ang nais ipabatid ng may akda na hindi tayo nag-iisa sa
buhay dahil meron tayong mga magulang na handang tumulong, umalalay, gumabay at
handang sumuporta sa ating pagtahak sa kanya-kaya nating buhay. Kaya lagi tayong makikinig
sa kanila dahil sa panahon ng kagipitan at hindi muna alam kung ano ang iyong gagawin sa
buhay nandyan sila handa tayong bigyang muli ng bagong pag-asa at muling ibangon. Kaya
kahit ano pa ang kanilang nagawa sayo mga magulang mo parin sila, kahit bali-baliktarin mo
man ang mundo sa kanila ka parin nagmula. Ang pangalawang layuni ng may akda ay ang
ipamulat sa mga lahat ng mag tao na tagumpay sa buhay ay hindi natatamasa sa isang aksyon
lamang, hindi ito natatamasa sa isang sakripisyo lamang, hindi mo ito matatamasa kung hindi
ka magsisikap at matitiyaga sa pagharap sa pagsubok sa buhay.

TEMA O PAKSA NG MAY AKDA:

Ang tema ng maikling kwentong Saranggola ay ang pagmamahal ng ating mga magulang,
lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama ay hindi maipagpapalit sa kahit anong kadaming
salapi sa mundong ito.Ang pangalawa ay ang buhay ay parang saranggola bago mo ito
maipalipad ng matagal at mataas sa himpapawid kinakailangan mo munang mag-tiyaga, mag-
ingat at maging mahusay sa pagpapalipad nito.

MGA TAUHAN O KARAKTER SA KWENTO:

Lalaking bata – ang batang humiling sa kanyang ama na siya ay bilhan ng guryon .
Ama – ang ama ng batang humiling na bilhan siya ng guryon.
Ina – ang ina ng batang humiling sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Rading – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Paquito – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Nelson – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.

TAGPUAN O PANAHON:
Sa isang munting bayan – ang bayan kung
saan nakatira ang pamilya ng batang lalaki.
Sa bahay – sa bahay kung saan sila nakatira at gumawa ng saranggola.
Sa bukid – kung saan nagpapalipad sila ng saranggola.
Sa Machine Shop – kung saan sila nagtatrabaho.

NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

I. Humingi ang batang lalaki sa kanyang ama na bilhan siya ng guryun.


A. Pero hindi siya binilhan ng kanyang ama at tinuruan na lamang siya ng kanyang ama
kung paano gumawa at magpalipad ng saranggola.
B. Kaya namuo ang kanyang galit sa kanyang ama.
1. Naramdaman ng batang lalaki na kinakaawa siya ng kanyang ama dahil sa
mga bagay na hindi binigay sa kanya, kaya mas lalong nagalit siya sa kanyang ama.
2. Sa paglipas ng panahon hindi parin nawala ang galit ng batang lalaki sa
kanyang ama, kahit sa pagpili ng kursong pag-aaralan, ang desisyon ng kanyang ama parin
ang natupad at para siya na ang mamalakad sa kanilang negosyo kung wala na ang magulang
niya.

II. Dumating ang araw na nakapagtapos ang batang


lalaki sa koliheyo.
A. Sa halip na ibigay sa kanya ang pamamalakad ay binigyan lamang siya ng ama ng
pera para magpundar kanyang sarili negosyo kaya nagalit siya sa kanyang ama.
1. Tinanggap niya ang pera at nagtayo siya ng kanyang sariling negosyo at hindi
naglaon nalugi ito.
1.1 Dahil nagtayo siya ng kanyang negoso malapit sa negosyo ng
kanyang ama, kaya mas maliit ang kanyang benta at nalugi ito.
2. Humingi siya ulit ng puhunan sa kanyang ama, ngunit hindi siya binigyan nito
kaya lalo siyang nagali rito.
B. Nagtrabaho siya at nagsumikap, sa paglipas ng panahon nagkaroon ng bagong
negosyo at nagging mas maunlad.
1. Isang araw umuwi siya galing sa trabaho at hindi niya naabutan ang kanyang
mag ina at nalaman niyang pumunta sila sa kanyang magulang para patawarin ito.
1.1 Naalala niiya ang lahat ng masasayang araw at panahon noong
kasama pa niya ang kanyang ama, kaya nagmadali siya umiwi sa kanilang bahay.
1.2 Ngunit huli na ang lahat, patay na ang kanyang ama at namatay itong
walang hinannakit sa kanya dahil natupad na ang pangarap ng kanyang ama na marating
kanyang anak itaas ng kanyang sariling hirap.

MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang buhay ay parang saranggola, wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at


pagpapatagal niyon sa itaas nasa na humahawak nag tali nito dahil ikaw ang kumukontrol sa
iyong buhay kaya magsikap, magtiyaga at palaging manalig sa poong may kapal upang
kanyang gabayan sa pagpapalipad mo ng iyong saringling saranggola.
Oras ang pinaka-impotanteng bagay sa mundong ito. Ang mga nagdaan ay hindi muna
mababalikan kaya kumilos ka at gumawa ng mga mabubuting bagay sa mundo dahil hindi mo
alam kung kalian kalang mabubuhay sa mundong ito. Kaya kung may panahon kapa dapat
lahat ng mga hindi magandang pangyayari sayong buhay ay itama muna para hindi ka magsisi
sa huli.

ISTILO NG PAGKASULAT

Ang istilo na ginamit ng may akda sa pagsulat ng maikling kwentong ito ginamit niya ang
emosiyon ng mga mambabasa para makuha ang kanilang atensiyon na basahin at tangkilikin
ang kanyang maiklin kwento. Sa paggamit ng may akda sa emosiyon ng mambabasa mas
madali itong mag-iiwan ng kakintalan at aral sa mambabasa dahil ang mga pangyayari sa
kwentong ito ay tunay na nangyayari sa totoo buhay.

BUOD NG KWENTO

Ang kwentong ito ay nagsimula sa mag-ama nagkwekwentuhan, sabi ng ama sa kanyang mga
anak may isang batang lalaki na humingi sa kanyang ama na bilhan siya ng isang guryon
bagkus sinabihan lamang siya ng kanyang ama na bumili ng kawayan at
papel at gumawa ng kanyang sariling saranggola, pero hindi marunong ang bata kaya tinuruan
siya ng kanyang ama na gawin ito. Sa halip na matuwa ang batang lalaki dahil meron na siyang
saranggola nagalit ito at humingi ulit siya sa kanyang ama na bilhan siya ng guryon dahil
kinakatyawan siya sa bukid kung saan siya nagpapalipad ng saranggola dahil maliit ang sa
kanya. Kahit meron silang perang pangbili ng isang guryun, hindi parin siya binilhan ng kanyang
ama bagkus tinuruan nito ang kanyang anak na magpalipad ng saranggola. Lumipas ang mga
araw ang batang lalaki ay natutung nang magpalipad ng saranggola at nalagpasan na niya ang
mga guryon ng kanyang mga kaibigan. Ngunit isang araw, napatid ang tali ng kanyang
saranggola at nasapid sa isang balag pero hindi parin ito nasira at sinabihan siya ng kanyang
ama na kung guryun yan, nawasak na dahil sa laki. kaya tandaan mo, ang taas ng
pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang
tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagilin doon at kung babagsak, lagging
nawawasak. Lumipas ang mga taon hindi parin nawala ang galit ng batang lalaki sa kanyang
ama dahil nararamdam ng batang lalaki na kinakaawa siya ng kanyang ama, kahit damit at
sapatos ay pang pobre ang laging kanyang sinusuot at laging katwiran ng kanyang ama na
hindi madaling kitain ang pera. Lumipas ang maraming araw, hindi parin naunawaan ng batang
lalaki kung bakit siya pinahihirapan ng kanyang sariling ama. Hanggang sa pagpili ng kursong
aaralin sa koliheyo ang pasya parin ng ama ang nanaig dahil sa tingin ng kanyang ama yon ang
makakabuti para sa kanya. Nag-aral siya ng mabuti at nakatapos ng koliheyo, pagakatapos
binigyan siya ng pera ng kanyang ama para sa pagpapatayo ng isang machine shop, una hindi
niya tinanggap dahil wala itong rason dahil mamanahin niya naman ang machine shop nila.
Pero sinabihan siya ng kanyang ama na kaya pa niya hawakan ang negosyo at sinabihan siya
na mabuti na yong makatindig ka sa sarili mong paa. Kaya tinanggap niya ang pera at
nagpatayo ng machine shop malapit sa machine shop ng kanyang ama. Isang araw pinuntahan
siya ng kanyang ama sa kanyang machine shop para kumustahin pero sa tindi ng kanyang galit
umalis ang kanyang ama na hindi man lang sila nakapag-usap ng matino. Pero dahil sa
kawalan ng kita nalugi ang negosyo ng batang lalaki at humingi ulit siya ng puhunan sa
kanyang ama, ngunit hindi siya nito binigyan kaya ang galit na nadarama ng kanang anak ay
lalong tumindi at dahil doon nakalimutan niya ang paggalang sa magulang. Lumipas ang
maraming taon sumigla muli ang kanyang negosyo. Isang araw dinalaw siya ng kanyang ina at
sinabi sa kanya na gustong Makita ng kanyang ama ang kanyang mga apo, ngunit hindi
pumayag ang kanyang anak dahil kinalimutn na niya na meron siyang ama. Ngunit isang araw
sa kanyang pag-uwi galing sa trabaho hindi niya nadatnan ang kanyang mga anak at asawa
nabalitaan na lamang niya na pumunta pala ito sa probinsya ng kanyang mga magulang upang
patawarin ito at labis ang kanyang nadaramang galit, ngunit nahinto siya saglit at naala lahat ng
masayang karanasan

niya kanyang ama. Dali-dali siyang pumunta sa kanilang probinsya pero huli na ang lahat patay
na ang kanyang ama, pero namatay ang kanyan ama na walng hinanakit sa kanya dahil
natupad na niya ang kanyang pangarap na marating mo ang itaas at nakatiyak siya
makakapanatili ka roon at naalala niya ang sinabi ng kanyang ama na wala sa laki ng
saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo….tututuan kita. Doon
natapos ang kwentuhan ng mag-ama sinabihan niya ito na tandaan niyo itong kwentong ito
dahil kwento ito ng inyong namatay na lolo. Kwento naming dalaw.

ARAL NG KWENTO:

Ang aral ng kwento ito ay dapat palaging tayong makikinig sa ating mga magulang at sundin
ang kanilang mga payo dahil ang hangad lamang nila ay kung ano ang makakabuti sa kanila.
Ang buhay ay parang lotto na instant mayaman kana agad kung mananalo ka dahil ang buhay
ay puno ng pagsubok kaya dapat palagi tayong magsikap at paghusayin ang pagawa para sa
ikakaunlad natin.

Reference:
1. http://www.tagalogshortstories.net/efren-abueg---saranggola.html
2. http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Efren_R._Abueg
3. http://www.answers.com/Q/Mga_Halimbawa_ng_suring_basa

Mga Elemento
Tauhan
Ang pangunahing tauhan sa maikling kuwentong ay ang may-akda o tagapagsalaysay na si Efren,
kanyang mga anak, kanyang asawa at kanyang ama’t ina, pangsuporta na lamang na tauhan ang
kanilang katulong at kanyang barkada.
Tagpuan
Tahanan nila noon, sa bago niyang tahanan, sa machine shop ng kanyang ama, sa machine shop
na kanyang pag-aari, at sa burol ng kanyang ama.

Tono
Masaya, napopoot, nagsisisi, malungkot

Istilo
Flash back ang istilong ginamit ng may-akda upang isalaysay ang mga pangyayari sa kuwento.

Tema o Paksa
Pagmamahal ng ama o ng magulang sa anak.

Banghay
Ito ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

Ni Efren R. Abueg
Saranggola

You might also like